Kitang-kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Mula sa pagiging masaya at maaliwalas ay napalitan ang mukha niya ng sobrang lungkot na akala mo pasan niya ang mundo sa mga balikat niya.
Malungkot siyang ngumiti. Sa halip na sa labi, sa pisngi niya ako hinalikan, saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya, saka niya sinabing...
"Matulog ka na, madaling- araw na." Tapos hinalikan niya ang magkabila kong kamay. Tumayo siya mula sa kinauupuan namin sa paanan ng kama. Lumipat siya sa ulunan ng kama at maayos nang nahiga.
"Goodnight, Yoon Ah." Nakangiti pa rin niyang sabi bagaman kulang sa sigla.
"Goodnight," nasabi ko na lang saka pinatay ang ilaw sa kwarto niya at ang naiwan na lang nakabukas ay yung lampshade sa bedside table niya.
Tulala akong lumabas ng kwarto niya hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Tulala pa ring nakarating ako hanggang sa kama ko.
"Arayyyyy!!!" Pagtama ng paa ko sa kanto ng paa ng bedside table ko. Doon na ako tuluyang nagising sa pagkatulala.
Ang ingrown kooooo!
"War na tayo mula ngayon! Ang paa mo at ang paa ko ay magka- away na! Tandaan mo yan!" Sigaw ko sa bedside table.
"Argggh! Ang tanga-tanga mo Yoon Ah! Bakit mo sinabi sa kanya yun?!
What?! Gusto mo siya, pero hindi mo mahal?! Ang tanga-tanga mo! Ang kapal pa ng mukha mo! Sino ka ba, ha?! Sino ka ba sa tingin mo?!
Ang bituin mo na ang kusang bumaba at lumapit sa'yo. Eto na oh!" Sabi kong may pag-aksyon pang parang baliw.
Ayos lang. Wala namang ibang tao.
"Eto na siya o," sabi ko habang ibinababa ang kamay ko mula sa itaas at iginagalaw- galaw ang mga daliri ko na kunwari kumikislap kislap na bituin.
"Eto na siya, bumaba na ang Bituin sa'yo, pero anong ginawa mo? Hinagis mo siya uli doon sa itaas! Sa kalawakang napakadilim at napakalawak! Ang masama pa, hindi mo na alam kung kelan ulit siya bababa! Shunga- shunga mo!" Sabi ko sa sarili ko sabay parang tangang ginulo ang sarili kong buhok.
"Pero teka lang, tama ang ginawa mo, Yoon Ah. Mali din kasi na paasahin mo siya. Hindi ka dapat magpa- asa ng kahit na sino. Wala kang karapatan. Dahil hindi mo rin naman makakayang panagutan," tatangu- tango pang kausap ko sa sarili ko.
"Dahil hindi pwede," sabi ko pa ulit.
Saka ko biglang naisip si Hyung Min.
"Isa pa yun."
Nahiga ako sa kama ko.
"Aaaaarrgghh!" Sigaw ko.
Saka ako nagpagulung- gulong sa kaliwa at kanan.
Minalas.
Sumobra ang gulong sa kanan.
Nahulog sa sahig.
Hindi ininda ang sakit."Nababaliw na nga ata ako."
Sabi ko pa sabay buntong- hininga.
Akala ko, mahal ko na si Ji Hyun. Akala ko sobrang mahal ko na siya at magagawa ko na ang lahat para sa idol ko. Pero hindi pala. Hindi pala sapat ang pagmamahal ko.
Dahil hindi ko pala kayang ibigay ang lahat.
Umikot sa kanya ang halos buong buhay ko. Bawat araw at oras na libre ako, sa kanya ko iginugol. Akala ko pagmamahal na yon. Well, siguro nga. Pagmamahal para sa isang iniidolo. Pero siguro hanggang doon na lang yon. Paano ko nasabi? Ewan. Hindi ko rin alam.
Hanggang sa biglang lumitaw sa isip ko ang isang unggoy na kumakain ng saging.
Jowk lang.
Lumitaw si Hyung Min bigla sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas matimbang na siya kesa kay Ji Hyun sa puso ko.
Arrrgh!
Pero hindi pa rin pwede!
Masasaktan ko lang siya.
Masasaktan lang din ako.
Dapat siguro, ngayon pa lang, pag-aralan ko nang lumayo sa kanya. Habang hindi pa malalim ang nararamdaman ko.
Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog.
---000---
Tahimik ang naging almusal namin kinabukasan. Lahat kami, kapwa nagpapakiramdaman sa isa't isa.
Sina Hyung Min at Ji Hyun, hindi man nag-uusap ay masama pa rin ang tingin sa isa't isa. Hindi ko alam kung kelan sila magkaka- ayos o kung magkaka-ayos pa ba sila, dahil nagsimula na sila sa hindi magandang umpisa noon pa man.
Nakapagdesisyon na akong layuan si Hyung Min. At ngayon na ang araw na 'yon. Kaya naman ngayon, si Jhara at manager Yeon na ang katabi ko. Si Hyung Min, si Carding at JB ang katabi. Si Ji Hyun, sina Jhara at Manager Kim naman ang katabi. Panay ang sulyap sa akin nung dalawang lalaki, halatang gusto akong kausapin, tapos pag magtatama ang paningin nila, parang gusto na naman nilang magsuntukan.
Hindi ko na din alam ngayon kung paano sila pakikitunguhan.
Si Ji Hyun, nagtapat na gusto niya ako.
Si Hyung Min, gusto rin daw ako, pero mahal naman si Jhara. Hay! Ewan! Bakit ang gulo ng buhay?!
"Uhurm. Like I said before, I am planning to stay here a bit longer because I am looking for someone. Maybe a week or so. Depends on my contact person." Announce ni Ji Hyun bigla.
"Who is this person, Ji Hyun?" Curious na tanong ni Jhara.
"A special someone," sagot ni bossing as he shrugged his shoulders.
Nalaglag ang basong hawak ni Jhara at nagkabasag- basag sa sahig. Tinangka itong pulutin ni Jhara.
"Ako na. Baka masugatan ka. Doon ka na banda," pigil sa kanya ni manager Kim.
"S-sorry," ungot ni Jhara na nagpipigil maiyak. Pero kutob ko, hindi yun dahil sa basong nabasag. Dahil yun sa sinabi ni Ji Hyun.
Hello?! Obvious naman ang pagka- gusto niya kay bossing. Ewan ko nga lang ba dito kay boss kung bakit di siya napapansin. Maganda naman si Jhara. Maldita nga lang at pakialamera kung minsan, pero dahil lahat yun sa pagmamahal niya sa iisang lalaki. At si bossing yun.
Hay! Kawawa din 'tong si Jhara pagdating sa pag-ibig. Ilang taon na ba siyang hahabul- habol kay Ji Hyun?
Eh samantalang ako, oo nga at hahabul-habol din ako kay Ji Hyun, pero kontento naman ako sa Fangirl life ko.
Pero si Jhara, may chance pang lumigaya. May chance pa siyang mapansin ni Ji Hyun eh.
Samantalang ako, wala na.
Wala na akong chance na lumigaya pa.
Hay. Mag- enjoy na lang sa pagkain ang ginawa ko sabay buntong-hininga.
Sino naman kaya yung hinahanap ni bossing?
"Korean din?" Tanong ko kay Ji Hyun. Sinilip ko siya sa pagitan namin ni manager Kim na abala na sa pagwawalis ng mga bubog sa sahig bago pa dumating ang staff ng resort na may dalang garbage bag.
"Yes," sagot niya sabay titig sa akin nang mataman. Ngayon lang kasi ako tumingin sa kanya kahit kanina pa niya ako sinusulyapan. Agad akong nagbaba ng tingin sa kinakain ko. Kunwari, interesado ako sa buto ng manok sa plato ko. Nilaru- laro ko lang yun ng tinidor.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...