A/N: I know, famous na famous ang line na toh. Di ba? 😂
⬇
"Every moment I spent with you shined. Because the weather was good, because the weather was bad, and because the weather was good enough... I loved every moment of it." --Kim ShinStill on Yoon Ah's POV
Nandito kami ngayon sa condo ni Miss Jhara. Ang dahilan? Para isagawa ang planong naisuggest niya kahapon. Dahil hindi natuloi ang presscon kahapon, sinigurado na nina Manager Kim at Manager Yeon na mamayang dinner ay matutuloy na. At eto nga, alas otso pa lang ng umaga ay busy na kami. In fact, maghapon kaming magiging busy. Super busy.
"Give me your hoodie", sabi ni Miss Jhara, nakalahad ang kamay.
"Ah, ye", dalawang kamay kong iniabot ang hoodie na nakalagay sa paper bag.
"Laba na yan, Miss", sabi ko. Gaya nga ng napag- usapang plano, pupunta sila sa iba't ibang lugar ni Ji Hyun, suot ni Miss Jhara ang hoodie ko. Mamamasyal sila habang kinukunan ng picture. Stolen man o hindi.Sinilip ni Miss Jhara ang paper bag at pagkatapos ay nagdial sa phone niya. Maya maya pa ay may kausap na siya.
"Ok, sure ba na matatapos ang mga yan mamayang hapon?", Sabi niya.
Patlang...
"Ok, good," sabi niya pagkatapos ay ini-off na ang phone.
"So, paano? Mag- umpisa na tayo?", Sabi niyang tumingin kay Ji Hyun. Napabuntong-hininga ang huli sabay tayo at naglakad na palabas ng unit ni Miss Jhara. Sumunod ang babae. Napabuga na lang ako ng hangin sabay tayo at magkakasabay na kaming sumunod nina Manager Kim at Manager Yeon sa love team na naghihintay na sa tapat ng elevator.
"Isipin mo na lang na namamasyal lang talaga tayo, like a vacation, a break", sabi ni Miss Jhara kay lalabz in Korean sabay kumapit sa braso nito nang bumukas na ang elevator. Sweet na sweet ang love team na pumasok sa loob habang hindi magkamayaw ang mga miron na nadatnan namin sa elevator sa pagkuha ng mga "stolen" shots ng dalawa.
Ang maghapon ay ginugol namin sa pagpunta sa mga lugar pasyalan. Suot suot ang pink hoodie ko na nagpapapicture sila. Meron sa Tagaytay, Antipolo, Laguna, Batangas, etc. Nagulat pa ako dahil may dala dala si Miss Jhara na isa pang pink hoodie na pinasuot niya kay lalabz. Bagay na bagay silang dalawa. Ang cute tingnan. Pag nakatalikod. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Nanghaba ang nguso ko. Yung totoo, hindi sila bagay. Hindi. Ang sakit kaya sa mata. Sore eyes!
"Anong ginagawa mo dito?" Biglang may nagsalita sa likuran ko. Si Hyung Min, nakangiti sa akin. Mukhang maganda ang mood niya. Ewan ko lang kung gaganda pa yan mamaya. Inginuso ko ang "love birds". Napasimangot siya. Sabi ko na nga ba.
Hyung Min's POV
Isang business deal ang pinirmihan ko kanina dito sa Tagaytay. Pauwi na sana ako kanina nang mapagpasyahan kong mamasyal muna sandali sa Picnic Grove nang mapadaan ako sa lugar kung saan nagshooting sina Jan Nara nung nakaraang buwan. Isang pamilyar na pigura ang natanawan ko kaya naman lumapit ako, at di nga ako nagkamali. Habang papalapit ako nakita ko ang side view ng mangkukulam. Malayo pa lang kitang kita ko na ang nanlalaking butas ng ilong at nanghahabang nguso ng bruha. Napangiti ako. Nilapitan ko siya. Pero hindi pala siya mag-isa. Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Anino siya ng amo niya. Kung nasaan si Ji Hyun siyempre naroon din si Yoon Ah. At kung narito si Yoon Ah, malamang sa malamang, nandito din si Ji Hyun. At siyempre pa, ang manhid kong best friend, si Jan Nara, na ilang taon nang sunod ng sunod kay Ji Hyun.
Ano bang meron si Ji Hyun na wala ako? Naitanong ko sa sarili ko bigla. Naipilig ko ang ulo ko. Para maiba naman ang mood, naisip kong ayain si Yoon Ah.
"Tara", napatingin siya ulit sa akin.
"Odi?" (Saan?)
Tanong niya."Sa flower farm", halatang naexcite siya pero pinigilan niya. Sabay tingin ulit sa dalawang busy pa rin sa pagpipicture.
"Hayaan mo na sila diyan. Sandali lang tayo. Nandiyan naman sina Manager Kim at Manager Yeon para bantayan ang dalawa", sabi ko pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. "Hindi naman aalis ang mga yan nang hindi ka kasama. Saka kung iwanan ka man nila, pwede ka naman sa akin sumabay paluwas", dagdag ko.
"Hindi naman yun ang inaalala ko",sabi niya, nakatingin pa rin sa dalawa.
"Kung ang inaalala mo ay kung baka may makakita sa atin, ayos lang yun. Wala naman atang nakakakilala sa atin dito dahil pareho tayong dayuhan. Sa palagay ko naman pure Korean ka din?" Sabi ko bago sinilip ang mukha niya. Wala siyang reaction. Naupo ako sa tabi niya sa bench...
"Aha, alam ko na. Nag- aalala ka na may makakita sa atin na magkasama. Pero teka, "couple" naman tayo, di ba? COUPLE."
Napatingin siya sa akin. Nakairap."Sinong may sabi niyan?" Sabi niya, nanlalaki ang butas ng ilong.
"Si Jan Nara", sabi ko saka ako ngumiti. Napaismid siya lalo, saka ibinalik ang tingin sa dalawa. Hmm... Teka, pamilyar ang tingin na yun. Saan ko nga ba yun nakita? Sabi kong napaisip. Saka yung emotion niya pamilyar din. Saka yung ganung pakiramdam...
Aha! Sabi ko sa isip ko. Napatingin ako sa kanya. Nakakaawa siya.
Yoon Ah's POV
"Alam mo, nakikita ko ang sarili ko sa'yo", agaw pansin ni Hyung Min, humarang sa harapan ko, blocking my view. Napatingin na ako sa kanya.
"Bakit naman?"tanong ko.
"Pareho kasi tayong cute," sabi niya.
"Boo! Waley!" Sabi ko. Biglang pinanggigilan niyang pisilin ang pisngi ko. "Ansakit nun ha!" Sabi kong himas himas ang pisngi ko.
"Damang- dama ba?" Tanong niya.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Ang sakit?" Sabi niya. Malamang! Sagot ko sa isip ko. Napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomansaFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...