Chapter 20

26 6 0
                                    

A/N: Salamat sa Diyos at sa marami pang mga taong tumulong sa akin, nakapasa ako sa ginanap na exam para sa Korean Language. Kamsahamnida yorubun!

Park Ji Hyun's POV:

Isa itong magandang opportunity para ipakita sa media na hindi totoo ang mga kumakalat na balita. Kaya naman nang nagtext sa akin si Yoon Ah na may media sa labas, sinamantala ko na ang pagkakataon. Readyng humarap sa
media na inalalayan ko si Jhara papunta sa parking lot. Salamat naman at hindi na kinailangan pang ayain ko siya papunta rito, siya na ang kusang sumama. Awtomatiko kaming parehong humarap sa nagkikislapang mga camera, kumakaway, ngumingiti. Dumating si Manager Yeon. Ini- announce sa media na magkakaroon kami ng pre- dinner presscon pagkatapos ng appointment namin ngayong alas tres. Tuwang- tuwa ang media. Scoop na naman. Meron ilang mga fans na naipon na sa parking lot at dumarami pa. Tuwang- tuwa at kilig na kilig sa aming dalawa.

Yoon Ah's POV:

Ang galing talaga ng timing ko. Solve na ang problema ni lalabs. Ang kailangan na lang ay maayos na matapos ang presscon mamaya. At itong katabi ko ngayon na unggoy ay hindi pwedeng makawala hanggang hindi natatapos ang presscon at hanggang hindi nakakauwi sa kani- kanilang bahay ang dalawa.

Tama. Ito ang magiging misyon ko ngayong araw. Naisip ko sabay silip sa bintana ng sasakyan, inuusyoso kung ano nang nangyayari sa loob. Boses ng unggoy ang umagaw ng pansin ko.

"Sa loob nanyayare ano?" Tanong niyang nakasilip din sa bintana. Natatawang napalingon ako sa kanya para lang mapasinghap nang malaman kong ang lapit- lapit lang niya. Nakikisilip din pala sa bintana ang unggoy.

Bakit kaya palageng curious ang mga unggoy? Looking for banana, eh? Just... Kidding....

Napatingin ako sa mga labi niya. Naisip ko... Hindi marunong magyosi ang unggoy na ito... Napatingin ako sa mga mata niya para lang magbawi ng tingin ng malaman kong nakatingin din pala siya sa akin. Napatikhim ako. Napatingin sa bubong ng sasakyan. Napakagat- labi. Napabuntong- hininga. Napabalik ang tingin ko sa mukha niya ng maramdaman kong hindi pa rin siya kumikilos. Papagalitan ko na sana, kaso...

What the hell?! Saan siya nakatingin? Sa ... Labi ko?! Napalunok siya. Napalunok din ako. Parang bumagal na naman ang oras at parang hindi ako humihinga pero hindi naman tumitigil sa pagtibok ang puso ko. In fact, sobrang lakas ng pagtibok nito.

Just.what.the.hell.is.happening. here?

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon