A/N: hi to PinkPrincess1204! Thanks for following me!
Not able to check how many stars have you guys hit on the first chapter. But anyweiz, better continue this pa rin. Hello sa mga nanonood jan ng weightlifting fairy kim bok joo.I'm watching episodes again for the nth time. XD
Episode 4 n ulit ako.Now let's continue. Mema lang... XD
Still on Hyung Min's POV:
It's been 2 days mula ng dumating ako sa Pilipinas. Pansamantala akong nakatira sa bahay nina Mang Paeng sa Mandaluyong city, isang two- story house sa isang pribadong compound. Naisettle ko na ang tungkol sa family business namin kahapon, isa sa mga reasons kung bakit ako pumunta sa bansa. Today, isang bagay na mas importante ang dapat kong asikasuhin.
Matapos kong magshower, magshave at magbihis, I'm good to go. Muli akong humarap sa salamin, sinipat ang suot kong three- fouths sky blue colored shirt and blue jeans at inayos pa ng konti ang aking buhok, naghanda na ako para umalis. Bitbit ang aking bagong biling cellphone , wallet at car keys, bumaba na ako ng hagdan, diretso sa sala ng bahay. Nasa kaliwa ang main door, at iyon na ang tutumbukin ko ng marinig ko ang tawag ni aling Conching mula sa kusina.
"Sir Hyungmin, mag- almusal muna kayo. Nagluto ako ng paborito niyo", aya niya sa akin na agad kong pinaunlakan. Nakakaintindi ako ng kahit anong Tagalog na halos parang dito na ako lumaki, pero ewan ko ba, pag ako na ang magsasalita, bali- baliktad na ang Tagalog ko. Mali- mali na rin ang grammar ko.
Pritong itlog, tuyo, tocino, longganisa at sinangag na kanin ang paborito kong kainin pag nasa poder ako nina aling Conching, ang asawa ni Mang Paeng. Para ko na silang mga pangalawang magulang. Or mas tamang parang sila na ang mga magulang ko. Si Mang Paeng, si Aling Conching at si yaya Eda. Busy kasi masyado sa pagpapayaman ang mga parents ko na halos minsan ko lang sa isang buwan makita. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra silang magtrabaho. Iisa lang naman ang anak nila. Nagsimula na akong kumain bago pa lumamig ang mga nakahain sa mesa.
"Aling Conching, kayo po kumaen na? Sabay na tayo po", sabi ko.
"Naku , tapos na ako Sir Hyungmin. Alam mo naman, maaga akong gumising kaya maaga rin akong magutom", sabi niya.
"Sina Jet at Jeng Jeng po? Saan po?" Tukoy ko sa kanyang mga apo na kasama namin sa bahay.
" Naku baka nasa kapitbahay na naman ang mga yun. Kapag ganitong bakasyon , parang ang bahay ng kapitbahay ang tirahan nila. Nauwi lang ang mga yun pag kakain na at tutulog na. Hindi ka pa nga pala nakapunta dito ng bakasyon mula ng matutong mangapitbahay ang mga yun", sabi niya.
"Opo. Mga 2 years ako hindi uwi dito eh."
"Oh, siya. Ako'y magdidilig muna sa labas. Kain ka ng madami ha. Tawagin mo ako pag paalis ka na", sabi niya, bitbit na ang mga gamit sa paghahalaman.
***
Bandang alas- onse ng makarating ako ng Tagaytay. Tanghali na halos pero malamig pa rin sa balat ang sikat ng araw. Nice. Matapos kong mai- park ng maayos ang kotse ko, pumasok na ako sa entrance ng Picnic Grove, mula sa pangalan, alam nang pasyalan ang lugar na ito. Diretso ako sa trail, pababa doon sa bandang kita ang magandang view ng bulkang Taal. Hindi lang miminsang nakarating ako sa lugar na ito kaya kabisado ko na ang pasikot- sikot dito. Minsan kasama ko sina Mang Paeng at ang pamilya niya, minsan ako lang mag- isa para mag- unwind. Minsan kasama ko ang kababata ko at babaeng gusto ko, si Jan Nara.
Speaking of, nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga bench, sa ilalim ng isang malaking payong, habang nireretouch ang make up niya ng isa sa mga make up artists niyang si Mi Suri.
"Guys, last take na lang tayo," sabi ng direktor in Korean na pumapalakpak, wanting to catch the attention of all the staff, "mamayang hapon ulit tayo magreresume para sa mga susunod na scenes, at para na rin makapag- rest si Miss Jhara ", dagdag pa niya, bago lumapit sa isa pang Pinoy naman na direktor. Team up ang movie project na shinu- shoot nila. Binubuo ang casts ng Filipino and Korean celebrities. At dahil big project ito, hindi maiwasang mayroong mga taga media na makiki- usyoso para makakuha ng scoop. Bawal ang video at camera ng media sa shoot. Pwede lang magdala ng papel at recorder para sa interviews. Nagsimula na ang taping para sa last scene. Matiyaga akong naghintay at umupo sa bench na kinapupwestuhan ni Jan Nara kanina.
"Sir Hyung---", napalingon sa akin si Mi Suri, napatakip ang kamay sa kanyang bibig, hindi inaasahan na makikita ako sa Pilipinas. Kaway ang sagot ko. Lumapit siya sa akin at kinumusta ako in Korean.
Lumipas ang halos isang oras, natapos ang shoot at naghanda na ang mga staff para sa kanilang team lunch.
"Mi Suri, nasaan si Seo Hee?" Tanong ni Jan Nara in Korean habang papalapit. Huli na ng mapansin niya ako dahil nakatalikod ako kanina at sobra siyang nagulat ng humarap ako.
"O-- Hyungmin Oppa?! Anong ginagawa mo rito?!", Shocked niyang sabi.
" Masama bang bumisita?" Sabi ko.
"Aniyo. Keureon keon aniyeyo", (hindi naman sa ganon...)...
" Keureonde..."
(Pero... Kaya lang...)"Kaya lang ano?" Tanong ko.
Click ng cellphone camera ang umagaw sa aming pansin. Cellphone ng isa sa mga taga- media...
Sa mga nakabasa na nito, comment naman po kayo. Thanks much! 😘
Don't forget to hit like.
⬇
⬇
⬇
⬇
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...