Friday.
Yoon Ah's POV
Maaga akong nagising at naligo.
Suot ang turtle neck sweater, ripped jeans at loafers ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Naglagay ng manipis na make up, nagsuklay at nagspray ng pabango. Eksaktong nakatapos na ako nang kumatok si unggoy sa pinto. Pinagbuksan ko siya."Are you ready? Let's have breakfast". Sabi niya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka- green sweater at jeans, at naka-green ding rubber shoes. Naamoy ko ang pabangong napakasarap sa ilong. Ganun ang gusto kong pabango. Hindi matapang.
"Tch! Anong nangyari sa'yo? Inaantok ka pa ba?" Tanong niya. Napapikit pala ako ng hindi ko namalayan. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Mabilis akong tumalikod tuloy kinuha ang bag ko. Sling bag yun na kulay white. Magkaagapay kaming naglalakad sa hallway nang hindi sinasadyang magdikit ang mga braso namin. Para akong nakuryente kaya halos mapalundag akong palayo sa kanya. Literal na kuryente! Pati mga balahibo ko sa braso masakit!
"Baka dahil sa lamig ng klima kaya ganun", sabi niya.
"Naramdaman mo rin yun?" Tanong ko. Tumango siya. Inalahad niya ang kamay niya sa akin na wala sa loob kong inabot. Wala na yung literal na nakakakuryenteng pakiramdam pero kakaibang kilabot naman yung nararamdaman ko ngayon! Ano ba talagang nangyayari? Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Ang weird ng pakiramdam. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin pagkatapos ay sa kamay naming magkahawak. Napapatawa siyang napapailing pero parang sa sarili niya lang.
Bumitiw siya mula sa kamay ko at nagpasyang alalayan na lang ako sa siko. Pumasok kami sa elevator at bumaba para mag- agahan.
---000---
Natapos na namin ang breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang text.
From: Ji Hyun lalabz
Joheun achim ^_~
8:00
(Good morning.)Napangiti ako. Talagang nakakapanibago.
"Uhurm..."
Napaangat ako ng tingin ng may tumikhim. Si unggoy."We're on a date". Pinakadiinan pa niya.
"I know", sabi kong nakataas ang kilay.
"Then, what are you doing?" Siya naman ang nag- angat ng kilay niya.
"Reading a text message, maybe?"
Napabuga siya ng hangin. At pagkatapos ay tumayo na. "Let's go." Aya niya.
"Sandali". Isinenyas ko ang kamay ko at pagkatapos ay nagreply kay lalabz.
To: Ji Hyun lalabz
Joheun achimiyeyo! 💕
8:02
(Good morning!)Nakangiti kong inilagay sa bag ang cellphone ko.
"Where are we going?" Tanong ko kay unggoy.
"Outside".
Napaangat na naman ang kilay ko. Outside?
Naglakad nga kami palabas ng hotel. Kumanan kami at binaybay ang high way. Tumambad sa amin ang hilera ng tindahan ng iba't ibang prutas. Kumpleto ang mga prutas na nandoon. Nangangalingasaw ang bango ng langka. Nagsabit ang mangosteen, lansones, rambutan, sinturis at kung anu ano pa. May dragon fruit din, sampalok at mangga. Malalaki ang buwig ng saging na nakasabit. Napangisi ako at sinilip ang mukha ng unggoy na seryosong naglalakad."Mwo?" ( What? )
"Hindi ba tayo bibili?" Tanong ko.
"Later. Pagbalik natin", sabi niya.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomansaFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...