Chapter 56:. Concert

3 2 0
                                    

Hyung Min's POV

Riiiiiing! Riiiiiing! Riiiiiing!

Tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin.

~Harabeoji calling~
(Lolo calling)

"Yoboseyo", sabi kong pupungas- pungas na sinagot ang tawag.

"Where have you been?" Bungad ni Lolo. "I only gave you a week of vacation to take care of our business in the Philippines, what happened? You've been there for almost three months now!" Sigaw niya pa. Napalayo ang tenga ko sa cellphone. Nawala ang antok ko.

"Chesonghamnida, Hwejangnim", (I'm Sorry, Chairman) hinging paumanhin ko. Aminado akong nakalimot tumawag kay Lolo.

"Sorry, sorry! Is that all you can say?!" Sabi pa niya. Natahimik ako.

"Im giving you a couple of weeks more. Do whatever you have to do, then go back to Korea. Stay here for two weeks and then you will be needing to go to the US", pinal niyang sabi.

"B-but Hwejang---"

"No more buts, Hyung Min. You already wasted so much time there. The Chairman of  Yoon Jang International wants to meet you. Make sure you'll be here by Saturday next week", yun lang at tinapos na niya ang tawag. Napatiim-bagang ako.

Yoon Ah's POV

Concert.

Sa isang malaking mall sa Pasay ginaganap ang concert ni Ji Hyun. Sobrang kapal ng tao at halos wala nang madaanan sa entrance pa lang. Sold out ba naman ang ticket. Meron pang ibang naubusan at nagtityaga na lang manood sa malaking screen sa labas.

Hindi pa nag- uumpisang kumanta si Ji Hyun. Mga artistang guest ng concert pa ang kumakanta. At eto siya, inaayos pa ng mga personal staff niya ang kanyang damit at make up. May staff siya na nag-aayos ng buhok niya, merong nakatoka sa mukha niya, tapos iba pa rin yung sa damit at sapatos niya. Ako naman ay nakaupo lang sa isang tabi at kakatapos lang siyang ipagtimpla ng mainit na tsaa. Ang saya- saya niya ngayon kasi eto talaga ang gusto niya. Ang kumanta.

Naalala ko bigla nung una ko siyang makilala. Kasama siya sa isang boy group noon. Ang Frozen Melody.

~FLASHBACK~

Specialty ng Frozen Melody ang pop,ballad at rnb. Ang alam ko, high school pa lang ay tinitraining na sila ng isang malaking recording company. Tuwing weekends, hinahayaan silang magpraktis sa isang park sa tabi ng Han River para daw masanay sila magperform sa gitna ng maraming tao. Tambayan ang park na yun ng mga artist, indie musicians at mga mahilig sa sports. Napakalawak ng park na yun. Parang isang barangay ang laki nun. At pag weekends, dun pumupunta ang karamihan sa mga pamilya na mula pa sa iba't ibang bayan para mag- get together, mag-picnic at magrelax.

Doon ko siya nakilala. Minsang nagkayayaan kami ng mga kaklase kong magpicnic at magjamming sa park na yun isang weekend ay narinig ko ang band nila. Dahil music lover ako, naakit ako ng boses nila. Sobrang ganda. Sobrang lamig ng mga boses ng mga miyembro ng Frozen Melody at ang sarap sa pandinig. Mapapapikit ka talaga pag narinig mo silang kumanta. Lalo na siya. Ang ganda-ganda ng boses niya. Bass guitar ang hawak niya at lahat sila, magaling kumanta. Pero pinaka-gusto ko ang boses niya.

Mula noon, sinigurado kong wala ng palya ang pagpunta ko doon. First year high school pa lang ako noon. Samantalang narinig kong sabi nung mga babaeng nagtsitsismisan sa likod ko noon ay mga fourth year high school daw sila. Simula noon, talagang palagi akong may dalang video camera. Nag-pipicture ako at nagvivideo sa kanila, partikular sa kanya. Sobrang idol ko na siya, sila. Crush na crush ko siya noon at palagi kong binibida sa mga classmate ko ang Frozen Melody. Yun nga lang, di ko alam ang mga pangalan nila.

Kaso bigla na lang silang nawala na parang bula, hindi na nakapag debut ang banda nila. Hanggang sa pagkalipas ng halos isang taon, ipinakilala sa public ang isang Park Ji Hyun, isa sa mga pangunahing cast ng isang bagong KDRAMA. Hindi siya main character. In fact, kontrabida siya. Na- shock ako. Kilalang- kilala ko ang taong yun. Ang bassist ng Frozen Melody. Yung member ng band na crush na crush ko.

Ah Ji Hyun pala ang name niya.

Noong una, hindi talaga siya magaling umarte at halatang baguhan pero pagkaraan ng ilang buwan, sobrang galing na niya. Natapos ang kdrama at nabigyan pa siya ng acting award for promising young star ng taon. Sunod-sunod na ang naging projects niya. Merong ka-love triangle siya ng bida, merong kontrabida pa rin siya ng bonggang- bongga, until dumating yung time na siya na yung leading man. At ngayon nga, isa na siya sa masasabing pinakamagaling na artista sa larangan ng showbiz sa Korea. At sa lahat ng achievements niya, andun ako. As a fan. Para na nga akong stalker, present ako sa lahat ng activities niya bilang artista. Sa lahat- lahat. Naging bahagi siya ng halos buong highschool life ko. Pero hindi niya ako kilala.

~END OF FLASHBACK~

"Guys, stand by. Ji Hyun, you'll be the next performer, kindly stand by", nakangiting sabi ng director na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napatingin ako muli kay Ji Hyun, hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa labi. Napatingin siya sa akin, at napansin kong mas lumawak ang pagkakangiti niya. Unti-unti siyang lumakad papalapit sa akin. Napalunok ako.

"Aren't you going to give me a good luck?", nakangiting sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko. Napanganga ako. Naninibago.

Hindi ka ganyan sa akin dati. Bakit nagkaganyan ka bigla?
Tanong kong sa sarili ko lang.

Naalala ko ang nangyari kanina pagkapasok ko pa lang sa dressing room niya.

~FLASHBACK~

"You're late", nakangusong sabi ni Ji Hyun habang minimake- up-an siya ng make up artist niya.

"Sorry bossing", napapakamot sa ulong sagot ko. Napasarap ang tulog ko. First time kong na- late.

"It's ok. Come here", senyas niyang natapos nang ayusan, palabas na ang make up artist at likod na lang nito ang nakita ko hanggang sa magsara ang pinto.

Lumapit naman ako. "Do you need something, bossing?"

Umiling siya at nagulat na lang ako nang bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit! Ang tagal din nun! May tatlong minuto ata! Pagkatapos nun ay nakangiti siyang tumingin sa akin at mariing pinisil ang mga pisngi ko. Ang lawak ng pagkakangiti niya kaya naman labas na labas ang mapuputi niyang ngipin. Napalunok na lang ako, naninibago sa inaasal niya.

"Ang cute- cute mo", sabi pa niya, pinisil ulit ang pisngi ko. Napanganga na naman ako.

"What took you so long? You've been in Tagaytay for three days. That's too long!" Animo nagtatampong sabi pa niya. Nanghahaba ang nguso na parang bata. Naalala ko bigla si unggoy. Natawa ako.

"Na- miss kita", seryosong sabi niyang nakatingin ng direcho sa mga mata ko.

Tug*dug*tug*dug*tug*dug

Wait lang! Ang puso ko, bumara ata sa lalamunan ko!

Heck! Anong mga ginawa mo nung 3 days na wala ako, bossing?! Saan mo natutunan yan?!

Pero hindi ko na naisatinig yun dahil may kumatok na sa pinto. Mabilis akong lumayo sa kanya. Pumasok ang fashion consultant niya at pinagpalit na siya ng damit tapos inayos ulit nung make up artist ang make up at hair niya.

~END OF FLASHBACK~

"G- goodluck bossing! Aja! Huwaiting!" Maaksyong sabi ko pa na nakakuyom ang mga kamay at itinataas- taas sa hangin matapos kong maalala ang mga kawirduhan niya kanina.

"Watch me, ok?" Nakangiti pa niyang sabi.

Napatango na lang ako.

Siyempre naman! Meron ka bang event na pinalampas ko?!

Umalis na siya at nagtungo sa backstage. Ako naman ay nagligpit na ng kailangang ligpitin at nagtungo na sa gilid ng stage. Meron doong upuan para sa mga staff na gusto ring manood. Pwede naman basta tapos na ang mga gawain namin.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon