A/N: Sinisipag akong mag- update so mag- update ako ng 2chapters today. At wala kayong magagawa dun. Bwahaha! Echoz lng! 😅
Photo above is tan.ta.na.nan!
Miss Jan Nara/ Jhara JangHyungmin's POV:
Ang sakit pala. Ang sakit palang malaman na ang espesyal na tao sa buhay mo ay halos hindi mo na makilala dahil sa laki ng ipinagbago niya. 2years. 2 fucking years kaming hindi nagkita tapos ipagtatabuyan niya ako? Talagang napakalaki na ng ipinagbago niya. Hindi lang sa hitsura. Simple lang siya dati. Simpleng manamit, hindi nagmimake- up. Pero ngayon ibang iba na, hindi lang ang panlabas, maging sa panloob. Ibang iba na ang ugali niya. Dati, parang nakadepende siya sa akin... Hindi makatiis na hindi ako makita maghapon. Pero ngayon, ang makita ako maski isang segundo ay parang....
Hay....
Naalala ko bigla ang huling beses na nagkita kami...
"Hyungmin oppa, anong ginagawa mo?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Nagrerelax lang Nuna. Dami projects gawa kanina eh. Mas tanda ikaw di ba, saken?" Sabi ko.
"Ah, pagbigyan mo na ako. Wala akong kuya eh..."
Yun ang isa sa mga gustong gusto ko sa kanya eh. Tagalog kami kung mag- usap. I practically grew up in a household full of Filipinos. Gustong gusto ko pag nagtatagalog sila pero hindi ko sila makausap in Tagalog pag nasa paligid ang lolo ko. Sobrang istrikto nun. Mahigpit sa Korean culture.
"Sige na nga Nuna. Tara, movie tayo. Treat ko." Aya ko sa kanya.
"Wow, talaga ba? Yey! Pwede ko ba isama si Seo Hee? Sige na please?"
"Sige na nga", pagpayag ko na. Baka hindi pa sumama kapag naiwan ang girl bestfriend niya. Kung si Seo Hee ang girl bestfriend niya, ako naman ang guy counterpart.
"Yey! Thanks kuya! Uy, nga pala, punta ako jan sa inyo bukas ah, panood ako ng Maze Runner", sabi niya.
"Ano?! Di ba nanood mo na yun kahapon?" Sabi ko.
"Ehh, sige na, please? Fan na ata ako ng Maze Runner eh. Please, please, please? Jebal, jebal, je..."
"Oo na, kulit nito. Basta dala ka ng gate pass mo ah?", Sabi ko. Alam na this. Yung paborito ko.
"Oo na. Ilang kilo gusto mo?" Tanong niya.
"Kilo tatlo". Sabi ko.
"Baliktad, oppa. Tatlong kilo." Pagtatama niya. Tatlong kilong longganisang gawa ng abeoji niya.
Maraming tao sa sinehan. Blockbuster kasi ang showing ngayon. Naunang dumating si Seo Hee. Siguro dahil mas malapit sa sinehan ang bahay niya. Ayaw pa kasing sumabay ni Jan Nara sa akin kanina kahit na magkapitbahay lang kami. May pupuntahan pa raw siya. Makalipas ang sampung minuto, dumating din siya. Mas ok sana kung kaming dalawa lang, para mas espesyal ang araw na to... Kaso...
"Uy, guys, sori na- late ako."
"Ok lang", sabay naming sabi ni Seo Hee. Marunong din siya magtagalog ng konti. Tinuturuan ni Jan Nara. Napangiti siya, sabay kapit kay Seo Hee sa kaliwa at sakin sa kanan. Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Maganda ang palabas. Hindi na namin namalayan ang oras.
Ewan ko kung kelan ko naramdaman ang damdamin ko para kay Jan Nara. Basta ang alam ko, siya lang ang babae para sa akin...
Nag- isnack na kami sa isang ice cream parlor nang magring ang cellphone niya. Napansin kong naiiyak siya nang matapos ang tawag...
"Guys, kailangan naming tumira sa Pilipinas... F- for good." Garalgal ang boses niya.
At yun nga ang huling beses na nagkita kami. Naging busy na ang family niya sa pag- aayos ng mga dapat ayusin.Hindi na siya nakapanood ulit ng Maze Runner. 3days after kami manood ng sine, nalaman kong paalis na sila kinabukasan. Pinlano kong magtapat sa kanya. Kaso...
Madaling araw nang umalis sila papuntang airport. Early flight ang kinuha ng Papang niya. Ni hindi na siya naka- attend ng high school graduation ceremony. Tinanghali ako ng gising. Hindi nag- alarm ang lintik na alarm clock.
Gumuho ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomansaFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...