Chapter 27: Ang Pagputok ng Bagong Issue 1

22 5 0
                                    

A/N: my goosh! Tagal kong hindi naka- update! Mianhae! Jongmal mianhae! Babawi ako. Mag- uupdate ako ng limang chapters ngayong araw. ;)

Salamat sa walang sawang pagsuporta. Salamat sa mga bagong followers at readers na nagdagdag ng mga story ko sa kanilang reading lists:

ChristianRivera158
IskaJeon_97
weirfyyy
Mary Jane Ricalde
Unhappy15

Thanks guys!

Jhara's POV:

"Talaga bang hindi ka na mapipigilan?" Tanong ko kay Seo Hee. Busy ang kaibigan ko sa pag- iimpake. "Ako na ang bahalang mag- explain sa family mo. Please naman oh". Ungot ko. Humarap siya sa akin. She sighed.

"Hindi na mababago ang isip ng parents ko. Desidido silang pauwiin ako. Naexplain ko na sa kanila ang nangyari. Hindi naman daw sila naniniwala pero baka daw iba ang isipin ng mga tao. Lalo na ang side ng family ni Hyung Min. Ayaw ng gulo ng family ko. Tahimik ang kanilang pamumuhay. Pero sa nangyaring issue, may pailan ilan nang reporter sa Korea na pumupunta sa bahay. I better stop all of this before it gets worse." Sabi niyang inumpisahan ng pagulungin ang kanyang maleta.

"Pero Seo Hee, si Hyung Min kasi palaging bigla bigla na lang sumusulpot. Paano kung biglang pumunta siya dito at wala ka tapos may media at---" hindi ko natapos ang sasabihin ko. Napatigil siya sa may pinto, hinarap ako. Napapailing.

"Sabi ko na nga ba. Akala ko pa naman kaya mo ako gustong manatili dito kasi gusto mo talaga akong makasama. Yun pala kailangan mo lang ako para mapagtakpan sa media ang tungkol kay Hyung Min. Ano ba ang problema sa pagpunta niya dito? Magkaibigan naman kayo di ba? Alam na rin yun ng media." Sabi niya.

"Pero kasi baka mag- isip na naman sila ng masama tungkol sa amin saka baka magtanong sila kung bakit pumupunta pa siya rito gayong nakaalis ka na at---"hinawakan niya ako sa balikat.

"Sino ba talaga ang ipinag- aalala mo? Ang media o si Ji Hyun?" Sabi niya sa akin, nakatitig sa aking mga mata. "Pareho". Sagot ko.

"Im sorry. I have to go. Ayaw ko lang na mas lumala pa ang sitwasyon. Baka sa kakahabi mo ng kasinungalingan, bigla mo na lang iannounce na nabuntis niya ako at ikakasal na kami. Hindi yun kakayanin ng pamilya ko. Lalo na ng pamilya niya. So before that happens, I better go. Thanks for all your help. Next year, pag bakasyon sa school, bibisitahin kita," sabi niya sabay pisil sa kamay ko at halik sa aking pisngi. Hila ang maleta na lumabas na siya ng pinto.

Napaupo na lang ako sa sofa. Kagat- kagat ang well- manicured finger nails ko na umisip ako ng panibagong paraan.

Park Ji Hyun's POV:

Salamat naman at naayos na ang problema kay Hyung Min. Wala nang threat sa career ko. Makakapagrelax na pansamantala. Sana nga lang , dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko. Sabi ko sa isip ko habang nag- scroll down sa music folder ng phone ko. Suot ang headset, nahiga ako sa sofa at nakinig sa paborito kong music. Instrumental ng "Autumn's Melody". Espesyal ang song na ito para sa akin. Ang tagal kong hinanap ang instrumental version ng kantang ito. This was a song that was never released to the public. Tandang tanda ko pa ang bawat lyrics at himig ng kanta. Parang kahapon lamang mula ng akin itong marinig, direkta mula mismo sa taong nagcompose nito. Paano kaya ito nahanap ni Yoon Ah? Siya kasi ang nagpasa sa akin ng kanta kani kanina lang. Galing siya dito sa condo ko kanina. Matapos makapaglinis, nagpaalam na maggo.grocery daw dahil nakitang wala na akong stock sa ref. Sa totoo lang hindi naman niya kailangan gawin ang lahat ng ito. I mean ang mag- astang yaya ko. Pero sabi niya masaya daw siya sa ginagawa niya dahil  fan ko daw siya. Nung una ayaw ko siyang tanggapin. Pasunod sunod kasi siya sa akin. Parang stalker. Present sa lahat ng concert ko nung nasa Korea pa ako. Present sa lahat ng tapings, photo shoot, commercial shoot, minsan pati pag bumibili ako sa paborito kong convenience store na malapit sa bahay, andun din siya to the point na natatandaan ko na ang mukha niya. Mas lalo pa akong nagulat nang pagdating ko dito sa Pilipinas, nandito din siya. Hindi inaasahang nagresign ang dati kong PA, nag- apply siya. Tinanggap ko na. Kailangan eh. Sulit naman. Maalaga siya. Sobrang thankful ako sa kanya. Para akong may secretary at yaya in one. Para din akong may dalawang fashion consultant. May taste siya sa damit. Mas magaling pa ata sa totoong consultant ko. Lalo ko siyang naappreciate kanina...

Kakatapos lang ng photoshoot ko at pauwi na kami sa condo ko... Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi mag- hum ng paborito kong music dahil masaya ako. Napansin ko na malakas siyang napasinghap. Napatingin ako sa kanya, titig na titig siya sa akin at gulat na gulat siya. Tinanong ko kung bakit. Di agad siya nagsalita, tapos sabi niya wala lang daw. Pamilyar daw sa kanya ang kanta. Malapit na kami sa condo ko nun nang magsalita ulit siya. Alam daw niya ang instrumental ng kanta. In fact, meron daw siya. Pinasahan niya ako. Excited na pinakinggan ko agad. Yun nga mismo ang Autumn's Melody. Noong makababa na kami ng sasakyan, pagkasarado niya ng pinto, tinawag ko siya sabay nayakap ko siya ng mahigpit. Sobrang saya ko.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon