Warning: Explicit words
"Di ba... Sabi ko... Jowk nga... Lang," hinihingal kong sabi matapos ang paghalik na ginawa niya.
Torrid kiss ang ginawa ng unggoy at ramdam ko ang pamamaga ng labi ko!
Humanda ka talaga sa akin! Gaganti ako!
"Hindi... Uso sa akin... Ang mga jokes!... And you... tortured me!" Sabi naman ng unggoy, masama ang tingin sa akin.
Kapwa kami naghahabol ng hangin matapos ang ginawa niyang paghalik. Dumaan sa amin ang mahabang katahimikan.
"Don't ever kiss or bite me again on my ears, Yoon Ah. Lakaki pa rin ako at hindi ako santo! Oo at wala pa akong karanasan sa babae but the moment you did it, I wanted to f*** you right then!" Namumula niyang sabi, galit na galit ata sa ginawa ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Hindi dahil sa ang bulgar niyang magsalita kundi dahil...
Waah! Inisip niya sa akin yun?! Pinagnasaan niya ako ng ganun?!
Ako 'to, si Yoon Ah!
And he wants to....
Arghhh!!!Saka ko biglang naisip...
"Virgin ka pa?" Napangisi kong sabi.
Nawala ang bangis ng mukha niya saka namumulang ibinaling ang tingin sa bintana.
"Eh ano naman ngayon?" Tanong niya.
"Myot sar iyeyo?" Tanong ko.
(Ilang taon ka na?)"19." Sagot niya.
Mas matanda pala siya sa akin.
"Teka nga, inilalayo mo tayo sa topic eh! Kung makapagtanong ka naman parang hindi ka virgin! 'Wag mo nang uulitin 'yon, ha?! Lalong wag mong gagawin yun sa ibang lalaki! Nako, baka kung saan ka pulutin pag nagkataon!" Mahabang pangaral niya sa akin in Korean.
"Ye, algessmida," nakangisi kong sabi.
(Yes, I understand.) *Politely"Kahit kay Ji Hyun, hindi pwede?" Dugtong ko.
"Mas lalong hindi pwede!" Nanlalaki ang butas ng ilong na sabi niya.
"Ang istrikto naman ng boyfriend ko!" Nakairap pero nakangiti kong sabi.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Namumula pa rin siya saka pinagpapawisan kahit bukas naman yung aircon?
"Halika nga. Payakap nga ng isa, istrikto kong boyfriend," nakangiti kong sabi saka ibinuka ko ang mga braso ko at inabot siya.
"Don't touch me!" Pawisan niyang sabi.
Nawala ang ngiti ko.
"Sungit mo bigla?" Sabi kong tinangka siyang lapitan.
"Diyan ka lang. 'Wag kang lalapit. Magbihis ka na!" Sabi niyang umurong sa may headboard ng kama saka inihagis malapit sa tuhod ko ang jersey niya.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Pulang pula pa rin siya saka pinagpapawisan.
"Ah, alam ko na," napapangisi kong sabi saka tumayo na. Bitbit ang mga damit na pumasok na ako sa banyo.
Hindi naman ako ganun ka-ignorante, 'no. Parang alam ko na kung bakit siya nagkaganoon bigla. Napag-aaralan naman namin yun sa school kahit paano.
Arousal ata ang tawag dun. Oo, yun nga. Ha- ha!
"Bilisan mo diyan!" Sigaw ni Hyung Min sa labas habang isinusuot ko ang jersey.
"Wait lang, patapos na!" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...