"Aaaaargh! Kakainis! Kakainis!" Sigaw ko habang nakahiga sa kama ko. Nagliparan at nahulog sa kama ang mga unan at kumot na pinagsisipa ko dahil sa sobrang asar.
Sumobra ang katangahan ko kagabi!
"Aaaaah!" Sigaw ko ulit.
"Yoon Ah! Are you okay?! Open the door." Sabi ni Sephy, kinakalampag ang pinto.
Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Anyare sa'yo? Natulog ka pa ba? Ang laki ng eye bags mo!" Nanlalaki ang matang tanong niya.
Napangiwi ako.
"Hindi ka pa rin maka-move on sa concert ng idol mo, 'no?" Nakangisi niyang tanong. "In fairness, ang galing nga niyang kumanta," nakangiti niyang sabi.
Hay.
"Sana nga, yun ang dahilan," sabi ko sa kanya saka tumalikod at lumapit sa laptop ko. Ini- on ko ang power nito.
"Hep- hep! Kain muna tayo, mamaya na yan! May sasabihin nga pala ako sa'yo mamaya." Pigil niya sa akin saka ako hinila palabas ng kwarto at patungo sa dining.
"So, kung hindi ang concert ng idol mo ang dahilan ng eye bags mo, malamang, si Hyung Min ang dahilan, tama ba?" Tanong ni Sephy. Kakatapos lang naming kumain nun at kasalukuyan kaming nagkakape sa maliit na balkonahe ng condo.
Napangiwi ako.
"Tell me. What happened?" Nakangisi at excited na tanong nito.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Pero siyempre hindi na masyadong detalyado. Pahapyaw lang pero nakwento ko sa kanyang nahalikan ko ang unggoy.
"Ow em gee! Really?!" Napapatakip sa bibig na tanong niya matapos ang kwento ko. "Nakakakilig naman! Eeeeeeh!" Malakas na sigaw niya.
Napatakip ako sa tenga ko.
"Ang bibig mo! Baka may tulog pa sa kabilang unit!" Saway ko sa kanya. Panay pa rin ang pigil na tili niya na napatayo pa sa kinauupuan niya.
"Saka anong nakaka- kilig dun? Nakakainis kamo ang katangahan ko. Pahiyang- pahiya pa ako dun sa tao," Nakangiwi kong sabi.
Inubos ko lang ang kape ko saka tumayo na.
"Mauna na ako sa'yo. May gagawin pa ako." Sabi kong tumayo na.
Tumango lang siya, nakangisi pa rin at kilig na kilig sa kwento ko. Inirapan ko lang siya.
Nagtungo ako sa kwarto ko at muling hinarap ang laptop ko. Ganito ako tuwing bago at matapos ang concert ni Ji Hyun. Busy!
Bakit?
Because it's FANGIRL DAY!
Bilang president ng jhajinaticz, ako ang nakatoka tuwing matatapos ang isang event sa buhay ng idol namin.
Halimbawa, may concert, photoshoot, commercial o taping ng kdrama, ako ang bahalang i- update ang mga website at social media accounts namin para sa kapwa namin mga fans. Si Jessa naman na vice president namin ang bahala bago ang event. Siya ang tagapag- announce at tagapag-pakalat ng anumang information na kailangang malaman ng bawat member pati na ng publiko. Ganun kami ka- organisado.
Ngayon nga, abala ako sa pagkalap ng photos ng mga fans na nagpunta sa concert. Gagawin ko yung collage at ilalagay sa website namin pati sa mga social networking sites.
Magkakaroon din kami ng pa- raffle mamayang hapon para sa mga active members na palaging naka- online. May ipopost kaming questions tungkol kay Ji Hyun at ang unang makakasagot ng mga questions, mananalo ng close up shots ni Ji Hyun sa concert with matching autograph pa niya. Sino pa ba ang magpapapirma ng mga prices? Siyempre ako!
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomantikFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...