A/N: hello sa lalaking nakasabay ko sa jip na byaheng balayan at bumaba ng dacanlao. Kamukhang kamukha ka ng crush ko na sumali sa bench model search. Lamang ka sa kanya ng 1point kasi nagbabasa ka ng manga. I heart you na! 😍
(Ang landi ng lola niyo. 😝)Mema lang ulit! Hwehehe
Still on Hyung Min's POV:
Wala akong choice kundi sumakay sa tinted na sasakyan. Ikaw ba naman ang utusan ng bruha. Nakakatakot.
Just kidding. Cute siya.
Isinara niya ang pinto nang makapasok kami, tapos kinuha ang cellphone niya at may tinext. Umandar ang sasakyan at umatras ng kaunti para bigyan daan ang entrance ng hotel. Pinatay ulit ng driver ang makina. Kung ganon hindi naman pala kami aalis sa lugar. Nakahinga ako ng maluwag.
Park Jihyun's POV:
Patapos na kaming kumain nang may magtext sa cellphone ko. Si Yoon Ah. Iniwan daw niya ang lunch box sa may pinto. Itinabi ko ang cellphone. Napatingin ako kay Jhara. Nakatingin din siya sa akin, sabay nag- iwas ng tingin at nagblush. Tumikhim ako.
"Salamat dito sa niluto mo. Anong tawag dito?" Tanong ko sa kanya in Korean.
"Longganisa yan." Sagot niya in Tagalog. Naintindihan ko naman.
Nakatapos na kaming kumain at magligpit at umiinom na lang kami ng tsaa sa kanyang couch nang magsalita uli ako...
"So, you see, nagpunta ako dito hindi lang para bisitahin ka kundi pati na rin linawin ang issueng lumabas tungkol sa inyo ni Hyung Min." Sabi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko. "Walang namamagitan sa amin. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Yung picture na nakuhanan ng media, inaalalayan lang niya ako noon. Sadya lang pinalaki ng media ang issue", paliwanag niya.
"Pero di ba may kasabihang what can't be seen by the eye can be caught by a camera or... something like that?". Napamulagat siya at namula.
Napabuga ako ng hangin. "Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin napapansin o sadyang nagbubulag- bulagan ka lang? Bata pa tayo, napansin ko nang may pagtingin sa'yo ang batang yon. Nung mga panahong pumupunta ako sa bahay nila dahil bestfriend ko ang pinsan niya, na nagkakataong nandoon ka din, nakikita kong iba ang tingin niya sa'yo. Tinging may paghanga. Ikaw lang ang nakikita as if we don't exist". Napatungo siya.
"I... I don't know....", Tanging nasabi niya. Anyong nalilito.
Tumunog ulit ang cellphone ko. Si Yoon Ah ulit ang nagtext.
"Time to go", sabi kong tumayo na.
"May appointment tayo ng 3pm, di ba?" Sabi ko,"hatid mo naman ako sa labas, please?" Lambing ko sa kanya.Jhara's POV:
Nasa may pintuan na kami nang may iniabot siya sa akin na dalawang lunchbox. Pasalubong daw niya. Kimchi ang isa at dessert naman yung isa pa. Bumalik ako sa kitchen para ilagay sa ref. Pagkatapos ay lumabas na kami.
"Ihahatid na kita hanggang sa may lobby", sabi ko sa kagustuhan kong makasama pa siya ng mas matagal. Napangiti siya. Inakbayan ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pigil ko ang hininga habang hinihintay namin ang pagbaba ng elevator. Hanggang sa nakasakay na kami kasama ang mga na- star struck na tao sa elevator ay nakaakbay pa rin siya sa akin. Naramdaman kong bumaba ang kamay niya sa bewang ko at bahagyang kinabig niya ako. Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko ang pag- iinit ng aking mga pisngi. Kumindat siya sa akin. Mas lumawak ang ngiti. Para na akong lalagnatin. Bumukas ang elevator sa first floor. We walked accross the lobby, then exited on the door to the left, going to the back parking lot. Pero hindi na kami nakalabas nang tuluyan dahil sa dami ng media na sumalubong sa amin. Automatically, we both charmingly smiled.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...