A/N: Love this line, too.
"I wish for you to have a nice, enjoyable life. I don't want you to see the dirty underbelly of the world and only experience good, beautiful things. I'd like it if you tread on a road of flowers with a delicate aroma,". - Poong Yeon's wish.
Still on Yoon Ah's POV
"Ikaw ako hatid," sabi ng unggoy.
"Ano, magpapahatid ka saken? Wala akong sasakyan," sabi ko.
"Ako, hahatid ikaw", sabi niya. Napansin ko, hirap siya bumuo ng sentence minsan.
"Wag na. Malaki na ako. Kaya ko na," sabi ko.
"Jhara ikaw saken ibinilin", pangungulit niya, "saka alam nila ihahatid kita."
"Wag na sabi. Kulit mo --- ", sabi ko sabay gumewang ako na parang lasing. Naubos ata energy ko sa egg war kanina.
"Sabi na sa'yo eh, hatid na kita."
"Fine," sabi ko na lang.
"Icchoguro," (This way ) sabi niya bago ako iginiya patungo sa parking lot.
"Hep- hep, we need to change our clothes before we hop in." Awat niya sa pagsakay ko na sana sa sasakyan niya. Nagets ko na. Naligo nga naman kami sa itlog. Kawawa ang sasakyan niyang bagong bago pa. May inabot siya mula sa backseat. Extra clothes pala. Binigay niya sa akin ang isa. Sabay biglang naghubad siya sa harap ko! Napatakip ako ng mabilis sa mga mata ko.
Homaygawd! Ang abs! Ang muscles! Lamang ng isang paligo kay lalabz! Aniyo!(No!)
Aniyeyo!(No!)
Sabi kong umiiling iling habang nakasilip sa pagitan ng mga daliri ko.Tapos na pala siyang magbihis at nakapamewang na sa harap ko, hinihintay na ako naman ang magbihis. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mwo?!(What?)
Do you expect na magbibihis din ako sa harap mo?" Tumaas ang sulok ng mga labi niya, wearing a half grin. Nekekeenes. Ang gwapo niya."Never!" Sabi kong itinataboy ang kung ano mang nasa isip ko.
Siya naman ang nagtaas ng kilay, mimicking me. Pagkatapos ay binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Kahit maghubad ka pa sa harapan ko, at kahit ipakita mo pa sa akin yang boobs mo este yang bilbil mo sa dibdib, hindi kita papatulan! Never!" Panggangaya niya sa huling sinabi ko kanina, in Korean, with matching pilantik pa ng mga daliri. Sa halip na ma.offend, natawa ako. Hindi ko mapigilan."Ako ba iyo pinagtatawanan? Wae? Wae?! (Why, why?!)
"Para ka kasing bading! Hahaha! Sorry, hindi ko talaga mapigilan," sabi ko, nagpapahid ng luha sa gilid ng mga mata, "Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko", sabi ko nang biglang kinabig niya ako sa bewang. Napasubsob ako sa dibdib niya. Itinukod ko ang mga kamay ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Anu toh, ibibigay niya ang second kiss ko? Siya na nga yung first kiss, siya pa din magiging second kiss? No way! Pero ang second kiss ay hindi dumating. Bigla siyang nagsalita.
"Eh yung ganito kalapit, bading pa rin ba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot.
Inilapit pa niya ang mukha niya. "Eh yung ganito, bading pa din?" Pangungulit niya. Anebeyen, 1cm na lang ata ang layo ng mga mukha namin. Naduduling na ako! Yung puso ko ang bilis ng tibok! Parang sasabog! Hanggang sa ilalapit pa niya ang labi niya kaya iniharang ko na ang kamay ko sa mukha niya.
"Wait, wait. Magbibihis na ako. Excuse meh!" Sabi ko sabay pasok sa kotse niya at sabay sarado ng pinto. Tinted naman ang kotse niya kaya pwede na. Sabay talikod ang unggoy habang nagbibihis ako. Aba, gentleman naman pala kahit panu.
---000---
Hyung Min's POV
"So, saan ang sa inyo?" Tanong ko kay mangkukulam nang palabas na kami ng parking lot ng building.
"Boni, Sunrise Garden Condo," sabi niyang nakatungo. Parang maiiyak.
"Oh, halos magkapitbahay lang pala tayo. Sa kabilang kanto lang yung sa amin", sabi ko in Korean. Wala siyang reaksyon.
"Hoy, iyo loob masama ba? Kasi kanina ikaw di ko hinalikan?" Sabi kong sa daan nakatingin. Sumulyap ako sa kanya. Ang sama ng tingin niya tapos tumungo siya ulit. Maya maya, may narinig ako. May sinasabi siya.
"Pakilakasan naman", sabi ko.
" Pahinging asin," sabi niya, nakasahod ang kamay sa akin. Napapreno ako bago itinigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Malapit na naman kami. Isang liko na lang sa may kanto.
Sinapian ba toh ng kung ano? Balak ba niya akong batuhin ng asin? Binibiro ko lang naman siya kanina ah. Sabi ko sa isip ko. Hanggang sa napansin ko ang 3 itlog na hawak niya. Nanlaki ang mata ko. Kinuha talaga niya yun kanina? Pinanlakihan niya din ako ng mata.
"Alangan naman iwanan ko to dun? Inihagis nila toh sa akin kaya deserve ko toh! Ang sakit kaya!" Sabi niyang hinihimas ang ulong tinamaan ng hard boiled egg kanina. Hindi ko napansing dala dala niya ang tatlong itlog kanina pa.
"May sinasabi ba ako? Wala naman ah," sabi kong napapatawa sa kanya.
"Pengeng asin," sabi ulit niya.
"Mukha ba akong pataguan ng asin?" Sabi ko. Nanghaba ang nguso niya.
Yoon Ah's POV
Inalis ng unggoy ang seatbelt niya. Binuksan ang pinto.
"Oh, odi kayo?" (Oh, saan ka pupunta?)
"Magpapapawis. Magja- jogging. Para may pang- asin ka dyan sa hard boiled mo". Sabi niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. Pinanlakihan ko siya ng butas ng ilong. Epektib yon lalo na sa kuya ko. Pag nang-aasar siya at naiinis na ako, pag ginawa ko yun, titigil na siya sa pang-aasar..
"Jowk lang," sabi niya, nakataas ang mga kamay. Aba epektib nga. Sabi ko sa sarili ko habang pinanonood siya nagkakabit na ulit ng seatbelt niya.
"Kelangan pa bang magseat belt ang mga unggoy?" Ganting pang- aasar ko sa kanya. Siya naman ang nanglaki ang mga butas ng ilong. Aba, manggagaya ka ah. Sabi ko sa isip ko lang. Pinaningkitan ko siya ng mata. Pinasingkit din niya ang mga mata niyang maliit na. Naglaban kami sa tingin. Maunang kumurap, talo.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomansaFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...