"You have to wait until the end of the game for the results. Just like that, you have no idea how your life will turn out. During the last half of a soccer game, you might turn off the TV thinking that the team already lost. Right then, the team makes a goal. You must watch it until the end." - Professor Yoon
Yoon Ah's POV
"May pasok ka?" Tanong sa akin ni Sephy habang naglalagay ako ng face powder sa mukha.
"Oo. Nakuhang model ng isang sikat na apparel ang Jhaji. Akalain mo yun? Dahil sa hoodie issue nagkaroon pa ng bagong project ang dalawang yun. Ibang klase," sabi ko. Masaya ako para kay lalabz pero inis talaga ako kay Jhara. Ang galing kasi niyang magpaikot ng tao. Buti na lang di niya ako fan.
"Whoa! Daebak!" Reaction ni Sephy na namana niya saken.
"Daebak talaga," sabi kong nakahalukipkip, tumatangu- tango. Napa- inhale exhale ako. "Anyway, pinapadaan muna ako ni lalabz sa condo niya. May ibibigay daw", sabi kong ang lawak ng ngiti.
"Asus, kinikilig ka naman", sabi ni Sephy sabay siko sa tagiliran ko.
"Shemperdz!" Sabi ko na lang bago tumayo na at naglakad palabas ng pinto. "Baka gabihin ako. Direcho na kami sa photoshoot."
---000---
Isang sobre ang inilapag ni Ji Hyun lalabz sa coffee table.
"Ano to bossing, tinatanggal mo na ako?" Tanong ko sa kanya in Korean.
"Aniyo(No). If course not. Ano ka ba? Sweldo mo kaya yan," sabi niyang nakangiti. "Dinoble ko pa yan sa sweldo ng dati kong P.A", dagdag pa niya.
"Wolgup as in wolgup?(salary) Chinchayo? Jongmalyo?( Really, as in?)", Tuwang-tuwang sabi ko. Sinilip ko ang sobre. Ang kapal! "Pero bossing, di ba sabi ko naman kahit na walang sweldo ok lang? Kahit nga bigyan mo lang ako ng autograph araw- araw ok na yun saken." (Lalong mas ok kung kiss na lang. Pero sa isip ko lang yun. He-he)
"Saka hobby ko lang naman ang pagpi.P.A", dagdag ko.
"Eh saan ka kukuha ng panggastos habang nagbabakasyon ka dito sa Pilipinas? Saka labag yun sa work ethics. Minsan nga more than eight hours pa kitang kasama sa mga lakad ko", sabi pa niya. Ang bait naman ni lalabz! Aba, sobrang blessed pala ako bilang isang FanGirl. Imagine, ako lang ang tanging fan na nakakasama niya ng ganun katagal sa isang araw. Aba! Daig ko pa ang bruhang si Jhara!
"Saka Yoon Ah ssi, may irerequest pala ako sa'yo." Agaw niya sa pansin ko. Malayo na pala nalakbay ng isip ko.
"Ano yun bossing?"
"Pwede bang tulungan mo kami ni Jhara? Ituloy niyo lang ni Hyung Min ang pagpapanggap na magkasintahan. Si Hyung Min kasi ay panay ang sulpot kahit sa mga photoshoot. Panigurado, mamaya susulpot na naman yun. Minsan nga, naisip ko kung bakit di pa siya bumabalik ng Korea. Tapos naman na ata ang mga business appointment niya dito. I better ask his cousin", sabi niya.
Nagulat ako."Bossing, personal mo bang kilala si unggoy? Este si Hyung Min?"
"Masasabi kong kababata ko rin siya. Barkada ko ang kuya niya since Kindergarten. Pero highschool na kami nagkakilala ni Hyung Min. Noong naulila ang pinsan niya at tumira sa kanila. Only child yun kaya naman pumayag ang parents niya na doon na lang sa kanila ang pinsan niya tumira para daw di siya ma- bore. Busy kasi pareho ang parents nun," mahabang kwento niya.
"Wow, akalain mo yun. Magkakilala pala kayo ni unggo-- este ni Hyung Min?! Daebak!"
Sabi ko habang pinagkokompara sa isip ang malaking kaibahan ng ugali nina lalabz at unggoy.
"Walang problema bossing. Gusto niyo kausapin ko siya in advance para kung sakaling pumunta siya sa photoshoot mamaya alam na niya ang gagawin? Papayag yun, sure ako! Basta para kay Jhara papayag yun!" Sabi ko. Patay na patay yun kay Jhara eh. Parang ako kay lalabz."Sure! Sure! Sige, let's do that. May number ka ba niya? Kung wala, pwede nating hingin kay Jhara." Masayang sabi niya.
"Wala nga bossing eh. Sige tawagan mo si Miss Jhara tapos imimeet ko na si unggo-- este Hyung Min ngayon.
---000---
"Anong meron?" Tanong ni Hyung Min pagkatapos maupo. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop sa World Wide Corporate Center sa Mandaluyong ng mga oras na iyon. Uminom muna ako ng kape bago nagsalita.
"You see, may photoshoot mamaya ang jhaji. Alam kong alam mo na. Kaya let's make a deal. Alam kong pupunta ka doon mamaya para puntahan si Miss Jhara, kaya naman gusto kong ipagpatuloy natin ang pagpapanggap kapag magkakasama tayong apat para walang maging problema," sabi ko."Sinong nag-utos niyan sa'yo?" Sabi niyang nagngangalit ang mga ngipin..
"B-bakit mo naitanong?" Halatang nagalit siya.
"Obvious naman na ayaw mo sa akin at sa lahat ng mga pagkakataong magkasama tayo, palage tayong nag-aaway. Kulang na lang magkagatan tayo, tapos biglang gusto mong magpanggap na may relasyon tayo?" Hindi ka magkukusa, alam ko." Sabi niya in Korean.
"Well, si Ji Hyun ang humiling saken nito. Pero ayos lang sa akin.
Kahit naman hindi siya humiling ng ganun, gagawin ko pa rin talaga yun alang- alang sa career niya. Kaya ikaw, kung hindi mo maiwasang hindi puntahan si Miss Jhara, makipagcooperate ka na lang. Gawin mo 'to para sa kanya. Makakalapit ka lang sa kanya kung makikipagcooperate ka sa akin", sabi ko."Sino ka para sabihin saken yan?" Sabi niya. Grabe nakakatakot pala siya pag galit. Pero ang gwapo pa din.
"Well, mwo, kunyang... Pareho lang naman tayo ng gusto. Ang protektahan ang mga idol natin, di ba?" Sabi ko.
"Sandali," sabi niyang nakataas ang dalawang kamay. "I'm not a fan. Jan Nara is my first love. Personal ko siyang kakilala." Sabi niya.
"You mean wala kang bilib sa acting niya? Kaya di ka fan?"sabi ko naman.
"Hindi naman sa ganun. Bilib ako sa talent niya. But I don't want to be called merely as a "fan". Because I'm more than that".
"Oh, ok."nasabi ko na lang. "Pero, basta let's make a deal. Kung pupunta ka dun, magpanggap ka na lang din. Ikaw din, gusto mo bang masira ang career ni Miss Jhara? Ayaw mo naman for sure di ba?" Tanong ko. Matagal siya bago nakasagot.
"Fine, fine. Sige", pagpayag niya.
---000---
Sa photoshoot...
"Ok, last take na tayo. Yung couple na pink hoodie ang ipasuot niyo sa kanilang dalawa," malakas na announce ng photographer. Inumpisahan nang iretouch ang love team. Ipinasuot na ang couple hoodie. Habang ako ay busy na sa pag- eempake para go na agad kami pagkatapos. Habang nag- eempake, pasulyap- sulyap ako kay lalabz. Ang gwapo talaga.
Natapos ang pagreretouch. Tumayo na si Miss Jhara. Sumunod si Ji Hyun.
"Chamkamanyo, bossing(wait lang, bossing)", sabi ko. Yumuko ako at inayos ang sintas ng sneakers niya.
"Ok na bossing", sabi ko sabay thumbs up. Si lalabz naman in return ay ginulo ang buhok ko tapos ay nakangiting tumalikod na siya. Napalingon ako sa baklang make up artist. Nagtataasan ang magkabilang kilay niya, halinhinan sa pagtaas. Tinaasan ko lang din ng kilay. Pero di ko kaya yung ginagawa niya. Yung ganong halinhinan. Isang kilay lang ata kaya kong itaas. Yung kabila ayaw tumaas ng siya lang mag- isa. Bakit kaya ganun?
Napalingon ako kay Jhara. Ang taas din ng kilay niya. Grabe. Pwedeng pagsampayan ng damit! Sabay nagparinig...
"Ayos ah. Parang tuta. Give me a pat on the head, Pat on the head," she snorted sabay punta na sa harap ng camera.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...