Chapter 71: Yoon Ah

6 1 0
                                    

Grabe naman ang unggoy na yun! Ganyan ba talaga siya kakulit kapag may nagugustuhan? Psh! Kaya siya hindi nagustuhan ni miss Jhara, eh!

Hay! Nawala na tuloy ang antok ko sa mga pinagsasabi niya!

Kalma ka lang Yoon Ah! Kapag nagpadala ka sa mga pambobola niya, pareho lang kayong masasaktan sa bandang huli. Kaya huwag na huwag kang magpapa- apekto. Huwag na huwag kang magpapadala sa nararamdaman mo. Araso?! Sigaw ng utak ko.

*Araso/ arasoyo- do you understand?

Malakas akong napabuntong-hininga saka napalinga sa mga kasama ko. Nagtama ang mata namin ni Ji Hyun. Siya lang ang gising sa mga kasama namin bukod sa akin. Naiilang akong nag- bawi ng tingin sa ibang direksyon.

"Keu saram, unggoy?" Tanong ni Ji Hyun.

*Keu saram- that person

Tinatanong niya kung yung nakausap ko daw ba sa phone ay si Hyung Min.

Tumango ako.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng unggoy, bossing?" Natatawang tanong ko sa kanya in Korean. Tumango siya.

"I searched it via Google translate. Monkey. Wonsungi." Nakangisi niyang sabi.

Napangisi din ako.

"But you like THAT monkey." Seryoso niya biglang sabi. Nawala ang ngisi ko.

Nag-aalangang napatitig ako sa kanya. Puno ng lungkot at panghihinayang ang mga mata niya.

"If I just knew my feelings for you before you met that guy, baka iba ang kinalabasan ng mga pangyayari. Baka tayo na ngayon at ako ang mahal mo." Dagdag pa niya in Korean.

"Sarang? Ha-ha! Aniyeyo!" Sabi kong may pagkumpas pa ng mga kamay.

Imposible! Love? No!

*Sarang- love
Aniyeyo- no/ not

"Baka LIKE, bossing, pwede pa. I like him, but I DON'T love him," natatawa kong sabi.

Hindi nagbago ang seryoso niyang itsura. Matiim pa rin siyang nakatitig sa akin.

"Not Yet." Sabi niya.

"No, bossing. Hindi na mapupunta pa sa love ang feelings ko for him. Pawala na 'to." Natatawa ko pa ring sabi sabay hawak sa dibdib ko.

"No. I'm not telling you that 'you don't love him yet'. What I'm telling you is that 'you don't know you're feelings yet'."

Doon na nawala ang ngiti ko.

Ako, maiinlove sa unggoy? Seriously?!

"Maybe you loved the guy the first time you met," seryoso niya pang dagdag.

"Ganun kabilis, bossing? Love agad? Hindi ba pwedeng like lang muna?"

Nagkibit- balikat lang siya.

I first met that guy nung pumunta siya sa condo ni miss Jhara. Impossible namang nainlove agad ako sa kanya nun?! Siya nga ang first kiss ko, pero talagang napaka- impossible! At mainit agad ang dugo ko sa kanya nung umpisa pa lang! Paano nasabi ni bossing na inlove ako sa kanya?!

"Nagseselos ka sa tuwing magkasama sina Hyung Min at Jhara," sabi niyang parang nabasa ang mga iniisip ko.

"No."

"Yes. I saw it." Seryoso niyang sabi. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Umayos siya sa pagkakaupo saka malakas na bumuntong- hininga. Magkatabi kami sa upuan.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon