Chapter 52 Part 2

7 2 0
                                    

A/N: I would like to say hi! To these people:
- blesilachinie
- Sunshine Joy Gino
Salamat guys!

Kinailangan ko din putulin ang Chapter 52 nung nakaraan dahil kinapos ako sa oras at kinailangan ko na iyong ipublish.

Hyung Min's POV

"I d-did that?!" Namumula ang pisngi at nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Napangisi ako, tatangu-tango.

"Imposible!" Lalong namula niyang sabi. Napatingin siya sa labi ko.

Wala sa sariling napahawak ako doon. Bahagyang namamaga ang labi ko at may sugat.

"D-did you k-kissed me back?!" Nanlaki pang lalo ang mga matang tanong niya. Pulang-pula na ang mga pisngi niya. Parang kamatis. Napangisi ako, nahihiyang napakamot sa batok.

"Y-you!" Sigaw niyang dinuro- duro ako. "Y-you!"

"Mwo?!" (What?!)

"You kissed back!" Sabi pa nitong nakahawak sa sariling labi at pagkatapos ay nagtanong...

"B-bakit ganyan yan?!" Tanong niya pa.

"Ang alin?"

"Yan! Yang l-labi mo, b-bakit may sugat?!"

"Kinagat mo."

"No! I will never do that! That's impossible! Wala akong maalala!"

"Ulitin natin, gusto mo?" Sabi kong nakataas ang kilay. Lalo siyang namula.

"I never did that! Chinjja! (Really!)" Cheoldae! (Never!) Andwae! (Hindi pwede!) Sigaw niya.

"But you did", nginisian ko lang siya.

~FLASHBACK~

Hindi ko alam kung gaano katagal ang paghalik na ginawa niya, pero habol ko ang hininga ko nang matapos siya. Hindi pa ako lubos na nakakabawi nang lumapat na naman ang mga labi niya sa akin, mariing sinisimsim ang pang- itaas kong labi. Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya papunta sa likod ko. Taas-babang hinahaplos ito. Biglang nag- init ang katawan ko. Mas idiniin pa niya ang katawan niya sa akin. Namalayan ko na lang ang pagtugon ko sa halik niya. Pagtugong pinantayan ang ginagawa niya o baka mas hinigitan pa. Napaungol siya bigla kaya naramdaman kong para akong inaapuyan, tumindi ang mga halik na iginagawad ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na kinakagat- kagat naman niya ang pang-ibabang labi ko. Nangigigil na siya. Pero sa halip na maalarma ako ay bahagya pa akong napaungol.

Saan nanggaling yun? Sino yun? Tanong ko sa isip ko na parang biglang hindi nakilala ang sarili ko.

Matagal naming ginawa yun. Paulit-ulit. Hanggang sa bigla na lang may magdive sa pool at tumalsik ang tubig sa amin. Siya na ang kusang humiwalay sa akin. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig pa rin sa mga labi ko samantalang ako naman ay ramdam kong pulang-pula na at hindi na makatingin sa kanya ng diretso.

Meron na namang nagdive sa pool kaya natalsikan na naman kami ng tubig. Ang lakas ng tawa niya. At doon nagtapos ang second at third kiss ko.

"Unggoy, look! Shi Jhara!" Sabi niyang itinuro ang elevator. Napalingon ako doon, wala namang tao. Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya pero wala na siya sa tabi ko. Nakalagay ang yellow dress niya sa upuan. Bahagya akong natilamsikan ng tubig. Maya-maya pa ay narinig ko na ang buhay na buhay niyang tawa. Tumalon pala siya sa pool.

~END OF FLASHBACK~

"No! Hindi ko ginawa yun!"

"Yes, you did". Seryosong sabi ko, muling humalukipkip.

"I never kissed someone before". Seryoso rin niyang sabi. Pulang-pula.

"Baka you mean, 'You never kissed someone like that before", pagtatama ko.

"No. I never did kiss any person before", sabi niya. Napanganga ako.

"Y-you mean that is your---"

"Yes",putol niya sa sasabihin ko. "First kiss. I mean second kiss. Ikaw rin naman yung nauna. Sa 7th floor, remember?" Nakayukong sabi niya. Napamaang ako lalo.

Pareho kami.

Padausdos siyang muling nahiga sa kama, tuluyan ng nagtalukbong ng kumot. Hindi siguro makapaniwala sa mga nagawa niya at nahihiya ng sobra. Dumaan ang mga ilan pang minuto bago siya sumilip at muling nagsalita.

"Ano nang nangyari pagkatapos nun? Paano akong nakarating dito?"

Napatayo na ako sabay pinamewangan siya.

"Sinukahan mo lang naman ang pool. Wala ka pa nga atang limang minuto doon. Nagkagulo ang mga naglalangoy. Sinira mo ang party. Iniahon kita mula doon. Nakatulog ka matapos mong sumuka. Binuhat kita hanggang dito. Si Aling Melba, yung babae kanina, staff siya ng hotel na ito. Siya ang nagpaligo sa'yo at nag-alalay sayo pahiga sa kama." Mahaba kong sabi in Korean. Hiyang- hiya siya, napatungo.

"Mag- ayos ka na. Magchicheck- out na tayo in an hour. Sa Green Ants na lang tayo magbibreakfast. Masarap daw dun". Sabi ko pa.

Hindi siya kumilos.

"Hoy." Tawag ko. Nakatungo lang siya. Sinilip ko ang mukha niya. Pilit niyang itinatago ang mukha niyang pulang-pula na.

"Nakita mo na ang halos lahat sa akin". Sabi niya pa.

"Kwits lang tayo. Nakuha mo na rin naman ang halos lahat sa akin", nakangisi kong sabi. Lalo siyang namula. Itinakip ang magkabilang kamay sa mukha. Pero maya- maya lang ay nagulat ako nang taas- noo siyang humarap sa akin.

"Atleast, wala naman akong natatandaan", sabi naman niya saka ngumisi... At nagpatuloy... "Kaya wala akong kinuha mula sa'yo."

Ah, ganun?!

"Talaga lang ha? Gusto mo talaga ng ipinapaalala pa sa'yo?!" Humakbang ako palapit sa kanya. Inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"A-ano ka ba?! N-nongdam yun! Nongdam!" Pigil niya sa akin.

Translation: *Nongdam-- Joke*

Humalukipkip ako. "Maligo ka na. Bilisan mo", sabi ko na lang.

"Ye," todo ang pagyukong sagot niya.

Aba biglang naging magalang.

*Ye--- means yes*

Pulang-pula pa rin ang mukha niya. Napatingin na naman ako sa mga labi niya at pagkatapos ay napapalunok na tinalikuran siya. Isinarado ko ang pinto ng kwarto niya at wala sa sariling napahilamos ako sa mukha ko nang nasa hallway na ako.

Little witch, what have you done to me?!

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon