Still on Hyung Min's POV
Pagkatapos kong maalala ang nangyari sa byahe papunta sa Tagaytay, muli na naman akong napaisip...
Eh yung halik na pinagsaluhan namin? Bakit ako tumugon?
Nadala lang ako. Tama. Tama. Epekto lang ng alak yun dahil naka- ilang shots din ako nun.
EH, BAKIT KO SIYA INIISIP NA NAMAN NGAYON?!!!!
Wala sa sariling naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. May dalawang text na pala, hindi ko napansin yung unang dumating kanina.
Binasa ko ang mga text. Ang una ay galing kay Jan Nara.
From: My Love
Hi, Oppa! Sorry s mga nasabi ko sayo nung nakaraan. Let's talk. Manonood k b ng concert ni Ji Hyun? Tara! Babawi ako
11:45Tapos binasa ko rin yung text ng bruha.
From: bruhang mangkukulam
Thanks s pagsama s akin s Tagaytay.
11:53Napaismid ako saka nagtype ng reply.
To: bruhang mangkukulam
Tch! Akala ko nakalimutan mo n eh!
11:55Nagreply ang bruha.
From: bruhang mangkukulam
Sori nman. May iniisip lng.
11:57To: bruhang mangkukulam
Sino naman? Yung lalabz mo, ang panget n c Ji Hyun?!
11:57From: bruhang mangkukulam
Sino agad? Hindi b pwedeng ANO muna?
12:00To: bruhang mangkukulam
Anong iniisip mo?
12:00"Hyung Min, kakain na, bumaba ka na dyan", tawag sa akin ni Nanay Conching.
Bumaba na ako at dumulog sa mesa. Habang kumakain...
"Kuya, bakit panay ang tingin mo sa cellphone mo?" Tanong ni Jet na katabi kong kumakain.
"May hinihintay lang ako." Sagot kong sumubo ng kanin saka sumulyap ulit sa cellphone ko.
"Hinihintay mo po magkaroon ng bagong life yung sa Candy Crush? Yung sa akin nga po ubos na eh. 10 minutes pa daw po ang hihintayin ko ulit." Inosenteng tanong at kwento pa nito.
"Hindi naman ako naglalaro nun", sabi ko sa kanyang bahagya pang ginulo ang buhok niya.
"Baka ibang crush ang hinihintay niyan Jet! Come own! Finish yer fowd!" Sabi pa ni Carding. Napangisi na lang ako.
Ako ang nakatoka sa paghuhugas ng plato pagkatapos naming kumain. Sinabi ko nung dumating ako dito noon na bigyan ako ng bahagi sa gawaing bahay. Pakanta- kanta pa ako habang napapasulyap sa cellphone ko. Napapangiti lang si Nanay Conching na padaan- daan sa kusina at sa likod- bahay, naglilikom ng sinampay na damit..
Nakatapos na akong maghugas ng plato at nagdiretso na sa kwarto ko. Wala pa ring reply. Mga ilang minuto pa ay tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong tiningnan. Si Jan Nara ang nagtext.
From: My Love
Ui, Oppa? Ano n? Pupunta k b?
1:05To: My Love
Oo. Ano oras b?
1:06From: My Love
Ayun! Nagreply k din! Hehe! ;) Nakauwi n kayo? 8pm ang concert.
1:06To: My Love
Oo, ok.
1:07Hindi na ako nakatiis...
To: bruhang mangkukulam
Anong iniisip mo? Is it the kiss? 😁
1:08From: bruhang mangkukulam
Shut up!
1:10To: bruhang mangkukulam
I knew it! It is the kiss!
1:10From: bruhang mangkukulam
Shut up or I'll kill you! 🔪
1:12To: bruhang mangkukulam
Kill me with what? With your kiss?
😘😘😘😘😘😘😘
1:12Dumaan ang ilang minuto, hindi siya nagrereply.
To: bruhang mangkukulam
Pupunta k b sa concert?
1:20From: bruhang mangkukulam
Hinde.
1:22To: bruhang mangkukulam
Hala?! Bkit?
1:22From: bruhang mangkukulam
Nagtatanong k p? Malamang pupunta aq! P.A aq ng kakanta, di b?! Baka Hindi aq kailangan doon!? Hindi nya kc kailangan ng taga abot ng tubig, taga-timpla ng tea, taga punas ng pawis nya. At mas lalong hindi nya kailangan ng assistant na sisiguruhing maayos ang itsura nya. Hindi nya kailangan ng kahit sinong mauutusan pg kelangan nyang may ipagawa.
1:25To: bruhang mangkukulam
Sungit mo naman...
1:25Tch! Bruha talaga...
From: bruhang mangkukulam
Tinatanong pa kasi e obvious namang andun aq
1:27To: bruhang mangkukulam
Pupunta ako.
1:27From: bruhang mangkukulam
So?
1:30To: bruhang mangkukulam
Sungit mo tlaga. Hehehe.
Hintayin mo ko dun ah... Pupuntahan kita
1:30From: bruhang mangkukulam
Wag na.
1:31To: bruhang mangkukulam
Ano ka?! Basta pupunta ako. Yung kiss ko ah? 😘
1:31From: bruhang mangkukulam
😠
1:32To: bruhang mangkukulam
😍
1:32From: bruhang mangkukulam
😬
1:32^___^
Hindi ko na nireply kasi baka magalit na talaga. Sa halip, pumunta ako sa contacts ko...
Bruhang mangkukulam
Edit.
Little witch
Save.
Ayan, mas cute. Mas bagay. Hehehe!
Napapangiti pa akong napaidlip.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...