Chapter 49: The Dinner

4 2 0
                                    

Yoon Ah's POV

Eksaktong nakabihis na ako nang may kumatok sa pinto. Si Hyung Min ang napagbuksan ko. Napapalunok niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa bago ko napansin ang pagtalim ng tingin niya sa akin.

"Ano na naman ang nagawa ko?" Nakangiwi kong tanong.

"Masyadong maikli damit mo", seryoso niyang puna sa dress na suot ko. Ito yung binili ko nung magshopping kami. Black dress yun na hanggang kalahati ng hita ang haba. May blue accents yun, dalawang blue stripes sa laylayan. Tinuwangan ko yun ng strappy blue sandals din na black ang straps.

"Maganda naman ah", sabi ko.

Humalukipkip siya. "Oo, maganda. Sa sobrang ganda, lahat ng lalaki maglalaway sa'yo. Kung si Jhara yan, hinding- hindi ko papayagang magsuot niyan", sabi pa niya.

"Kaso hindi naman ako si Jhara. Ako toh, si Yoon Ah. Saka dito lang naman ako makakapagsuot ng ganito, sa Korea hinding-hindi".

"You're my date tonight, Yoon Ah. And I want only my eyes looking at you".

"Exactly. Yoon Ah is your date tonight. Not Jhara, so please, stop mentioning her name, kahit ngayong gabi lang? We're here to enjoy the night and the place". Seryoso ko na ring sabi.

"I'm here to forget her." Seryoso siyang nakatingin sa akin, pero parang sarili niya ang kausap niya.

"Tch! Paano mo siyang makakalimutan? Eh, eto tayo at ginagawa ang mga activities na dapat sana ay gagawin niyo? Panay pa ang banggit mo ng pangalan niya!" Naka-angil kong sabi. "Dapat sa ibang place na lang tayo pumunta. Yung hindi niyo pa napupuntahan. Pwede tayong pumunta sa Baguio, Quezon Province, Palawan, Romblon or kahit saan na hindi mo siya maalala di ba?"

"Maybe we can go there next time?" Biglang tanong niya.

"Wala nang next time. Depende na yun sa'yo kung makakalimutan mo siya o hindi. Kahit na magkatabi pa kayo ng babaeng yun, kung handa kang magmove on at kalimutan siya, makakalimutan mo siya. Kung hindi mo 'to kayang gawin para sa sarili mo, gawin mo 'to para sa kanya kung talagang mahal mo siya. Dahil ang totoong nagmamahal, handang palayain ang minamahal kung hindi siya kailanman sasaya sa sa'yo", mahabang sabi ko.

"Help me forget her, then", seryosong hamon niya.

W-what?!

Napatulala ako. Hindi na ako makareact. Namalayan ko na lang na inilalahad niya ang kamay niya sa akin pero hindi agad ako makakilos.

Help me forget her, then.

Help me forget her, then.

Help me forget her, then.

Nagpapaulit- ulit yun sa utak ko. Hanggang sa namalayan ko na lang ulit na kinuha na niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa kung saan. Natagpuan ko ang sarili ko sa rooftop ng hotel kasama siya. Kakaunti lang ang tao doon. Para iyong paraiso sa ganda. Napalilibutan ng iba't ibang orchids ang lugar at sa pinakagitna ay may swimming pool na napaka-dramatic ng itsura dahil may mga ilaw sa gilid. Sa kanang bahagi ng pool ay may mini bar at sa kaliwang bahagi naman ay may restaurant.

Naka- closed sa public ang buong restaurant, pero namangha ako dahil doon kami dumiretso. Pagpasok namin sa bungad ay may nakaharang at may karatulang reserved. Inalis yun ng isang waitress at tuloy- tuloy kaming pumasok sa loob habang inaalalayan ako ng unggoy.

Iginala ko ang paningin...

Dinner with candle lights.

Naupo kami at agad na naiserve ang mga pagkain. May dumating pang tumugtog ng violin. Napakaganda ng tinutugtog nila. Masarap ang pagkain.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon