"Let's go!" Nakangiting sabi ni Jan Nara sabay angkla ng kamay niya sa mga braso ko. Dito na ako pumunta sa condo niya at dito ko na sila hinintay sa parking lot kesa naman sunduin pa nila ako sa bahay.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Wala ang dating malakas na pagkabog ng dibdib ko sa tuwing makikita ko siya at magkakalapit kami ng ganito.
Anong nangyari?
Naguguluhan kong tanong sa isip ko.Maraming kwento si Jan Nara sa buong byahe namin mula Manila hanggang Laguna. Iba't ibang topic din ang napag-usapan namin. Pero pagdating ng Tagaytay, nakatulog na siya. Hindi na siguro natiis ang matinding traffic sa Tagaytay dahil weekends.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas, hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ang pamilyar na mga tanawin. Naalala ko bigla si Yoon Ah.
Noong isang araw lang, magkasama naming nilalakad ang kahabaan ng kalsada ng Tagaytay na napapaligiran pa rin hanggang ngayon ng mga tindahan ng prutas at ng bulaklak. Hindi ko napigilan ang lalong paglawak ng ngiti ko nang dumaan kami sa tapat ng Lily's. Yung flower shop.
"Aba, anong iningingiti- ngiti mo diyan?" Tanong ni Jan Nara na nagising na pala.
"Wala, may naalala lang," nakangiti ko pa ring sagot.
"Ang lawak ng ngiti, ah. Kilala ko ba ang dahilan ng mga ngiting yan?" Nakangiting tanong niya, bahagyang naka-angat ang kilay.
"Oo naman. Kilala mo. Kilalang- kilala mo." Sabi ko sa kanyang nakangisi.
Nawala ang ngiti niya.
"Oppa, alam mo namang -- "
"Hindi ikaw." Putol ko sa sinasabi niya.
Napangiti na siya ulit.
"Mabuti naman kung ganun. Parang alam ko na kung sino," nakangisi na naman nitong sabi.
Napangisi na din ako, sabay kindat sa kanya.
Muli na siyang nagpikit ng mga mata. Naging tahimik ang buong byahe at napaidlip din ako.
"Oppa, we're here!" Bahagyang yugyog ni Jan Nara sa balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Nasa parking lot kami ng isang hotel, naririnig ko ang mabining hampas ng alon sa dalampasigan at naaamoy ko ang dagat sa hangin nang lumabas na ako ng sasakyan. Napalingon ako at tumambad sa akin ang napaka-gandang beach, himalang konti lang ang tao gayong weekend naman. Semi- white ang buhangin.
Binuhat ko na ang dalawang backpack na dala ko. Sa akin ang isa at ang isa naman na mas malaki ay naglalaman ng mga gamit nina Carding at JB na susunod dito sa venue after ng shift nila. Sila muna ang pansamantalang magiging bantay nina Ji Hyun at Jan Nara habang nandito kami buong weekend.
Pumasok na kami sa lobby ng hotel. Si manager Kim na ang bahala sa lahat. Naabutan ko si Yoon Ah na nakaupo sa couch na nasa lobby, panay ang selfie.
Parang tinambol ang dibdib ko.
Parang nagwala ang mga bituka ko.Nagtama ang paningin namin. Naghinang ang mga mata namin, medyo matagal, saka siya namumulang nagbaba ng tingin. Ako naman ay nag- iinit ang mga pisnging ibinalik ang tingin kay manager Kim na busy sa pakikipag- usap sa staff ng hotel.
Ang bilis talaga ng kabog ng dibdib ko. Para akong hinahabol ng pitong kabayo.
Napatingin ako kay Jan Nara. Ang lawak ng pagkakangisi niya, sabay ingunguso si Yoon Ah, bago titingin ulit sa akin. Napairap na lang ako. Natapos ang pagchicheck in namin at pumunta na kami sa elevator kasunod ang mga bell boy na may dala ng mga gamit namin.
"Uhurm. Pasabay ako," sabi ni Yoon Ah na tumayo at naghintay katabi ko sa tapat ng elevator. Pumasok kami sa loob ng bumukas ito. Pinauna ko siya, saka ako pumasok at pumuwesto sa bandang likuran niya.
"Excuse me," malakas na sabi ni Jan Nara, na mukhang sinadyang banggain si Yoon Ah. Nawalan ng panimbang ang bruha kaya maagap ko siyang naalalayan at napasandal siya sa likuran ko.
"Uhurm," malakas kong tikhim. Inaalis ang bara sa lalamunan ko. Bumara na ata ang baga ko sa lalamunan ko. Mabilis kaming naghiwalay at umayos ng tayo nang kapwa makabawi.
Ramdam ko ang pamumula ko. Humagikhik naman si Jan Nara sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Iniikot lang niya ang mga mata niya.
Hindi ko na tuloy alam kung sinasadya niya ba 'to para mapaglapit kami o sadyang asar lang siya kay Yoon Ah dahil sa pagiging malapit nito kay Ji Hyun.
Nakarating kami sa kani- kanyang kwarto. Magkatapatan pala ang kwarto namin ni Yoon Ah. Katabi naman ng kwarto ko ang kwarto ni Ji Hyun sa kaliwa na nalaman ko nang lumabas siya mula sa kwarto niya. Ang kanan naman ng kwarto ko ay ang magiging silid nina Carding.
Umidlip muna ang lahat at pagdating ng hapon ay nagsilabasan na kami sa mga kwarto namin para maglangoy. Tamang- tama dahil hindi na mainit ang sikat ng araw. Nauna na ang lahat sa ibaba, samantalang ako ay nagpahuli dahil may tumawag sa akin ng long distance. Si lolo.
"Kim Hyung Min, ang bilin ko sa'yo. Gawin mo na ang lahat ng gagawin mo diyan at next week ay bumalik ka na dito," maawtoridad niyang sabi in Korean.
"Ye, Hwejangnim," sagot ko naman.
(Yes, Chairman)"Siguraduhin mo lang. Dahil kapag lumampas ka pa diyan ng isang araw, ipapakaladkad na kita pabalik dito," sabi niya pa. Napalunok ako.
"Ye, Hwejangnim." Sagot ko ulit.
"Sige na. May dinner pa kami kasama ang YoonJang Group International. Isasama ko ang pinsan mo habang wala ka pa dito." Paalam na nito saka ibinaba ang telepono.
Napabuga ako ng hangin sabay napailing. Wala talagang makasusuway sa mga kagustuhan ni lolo. Lahat kaming mga apo niya, para lang mga puppet niya. Pati na ang mga anak niya.
Napabuntong- hininga ako sabay tumayo na saka lumabas ng kwarto. Nagkagulatan pa kami ni Yoon Ah na papalabas din ng kwarto niya.
Nagtama na naman ang paningin namin saka mabilis na nag- iwas ng tingin sa isa't isa. Siya ay tumingin sa kisame, samantalang ako naman ay napatingin sa sahig.
"Uhurm," tikhim niya. Napatingin ako sa kanya.
"Mauna na ako," nakataas- noo niyang sabi saka nagsimulang humakbang. Doon ko napansin ang suot niya.
"Sandali!" Malakas kong sabi. Napalingon siya. Kami lang ang tao sa hallway ng oras na iyon.
"Mwo?! Wae?!" Tanong niya. Naka-angat ang kilay.
(Ano?! Bakit?!)"Yang suot mo, halos kita na lahat!" Turo ko sa kanya.
"Ano bang problema mo?! Sa beach ang punta ko!" Sabi niyang nanlaki ang butas ng ilong, nagsimula nang umusok ang mga tenga.
Nakasuot siya ng two piece na pula na lalong nagpatingkad ng kaputian niya. Kitang-kita pati ang mahahabang legs niya. Pinatungan niya ang suot na two piece ng puting cover up, pero see through naman.
Nag-init ang mga pisngi ko pero mas nag-init ang ulo ko.
Nalilito ako.
Oo, gusto ko siyang nakikita nang ganun ang suot dahil bagay naman sa kanya talaga, pero pag naiisip kong ang daming makakakita sa kanya sa labas, parang hindi ko naman matanggap.
Bakit nagkaganun ako sa kanya bigla?!
"A- ang pangit tingnan! Kahit si Jan Nara, hindi ko pagsusuotin ng ganyan!" Nandidilat na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...