Yoon Ah's POV
"Crush ka ni Hyung Min".
Napaangat ang paningin ko mula sa pagpi- Facebook sa cellphone niya nang magsalita siya.
"Ha- ha! A-anong sinasabi mo diyan?" Napapatawang napaangat ang kilay ko.
"Si Hyung Min. Crush ka". Nakangising ulit niya.
"Hahaha! Saan mo naman napulot yan?!" Natatawa ko na talagang sabi.
"Nakita ko sa kanya kanina. Namumula pag tumitingin sa'yo. Saka napapangiti. Panay ang sulyap sa'yo. Panay ang titig pag di ka nakatingin tapos pag nakatingin ka na, ibabaling sa ibang direction ang mga mata. Tapos nung makaalis ka na, habol ang tingin sa'yo", sabi niya pa.
"Nakita mo pa lahat yun?!" Di makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya. "I think hindi lang pala crush yun. I think the guy has fallen in love with you". Seryoso at direcho siyang nakatingin sa akin.
"Hahahahahahahaha!
Fallen in love- fallen in love ka pa diyang nalalaman! May Jhara yun! Head over heels inlove yun kay Jhara! Head over rubber shoes pala kasi wala siyang heels!" Tatawa- tawang sabi ko pa."Psh! Korni mo!" Nakangiwi niyang sabi saka muling sumeryoso.
"Maaring di ko pa nakita kung paano siyang tumingin kay Jhara, pero isa lang ang nakita ko kanina. At yun ang itsura ng taong inlove", seryoso niya ulit sabi. "Kung di man inlove na inlove, itsura yun ng taong babago pa lang naiinlove. At kung tama ako ng hinala, hindi pa niya yun alam sa sarili niya."
"Impossible yang sinasabi mo. Palagi niyang sinasabi na halos kalahati na ng buhay niya, minamahal niya si Jhara. Ano yun, ganon niya kadaling napalitan si Jhara sa puso niya?! Psh! Imposible! Ang tagal niyang hinabol- habol yun! Iniyakan pa nga niya eh", mahabang sabi ko pa.
"Just watch. Sa mga darating pang araw na magkasama kayo, pakiramdaman mo siya. Mapapansin mo ang mga pagbabago. Linawan mo ang mata mo, talasan mo ang pakiramdam mo", sabi pa niya. "I'm sure, babalik ka sa akin at sasabihin mong tama ang observation ko".
"Pero imposible talaga yung mangyari!" Sabi ko pa.
Was it because of what happened last night?
Was it because of the kiss?!"Paano kung tama ako?" Biglang sabi niya. Napatingin uli ako sa kanya. Hindi ako makasagot.
"At paano kung mainlove ka rin sa kanya?"
Yun ang mas hindi ko nasagot.
"Paano kung hulog na hulog na siya sa'yo? Sabi nila, love is sweeter the second time. Pero sabi din nila, love is more painful the second time", sabi niya pa.
"Alam mo naman ang sagot sa tanong mo", seryoso akong nakatingin sa kanya.
"Hindi siya pwedeng mainlove sa akin." Sabi kong nagbaba ng tingin. "Hindi siya pwedeng mahulog dahil hindi ko siya masasalo".
Hyung Min's POV
Bahay.
"Oh, Hyung Min iho, kumusta ang bakasyon mo?" Salubong ni Aling Conching. Alam niya ang sorpresa ko sana kay Jan Nara na bakasyon sa Tagaytay.
"Ayos naman po 'Nay." Nakangiti kong sabi. (Nanay na ang tawag ko sa kanya ngayon.)
"Aba, ang lawak ng ngiti mo ngayon ah. Mukhang nakabuti nga ang bakasyon sa'yo", nakangiting aniya pa. "Tiyak mas lalawak yang ngiti mo pag nalaman mo kung sinong nanggaling dito", tuwang- tuwa niya pang sabi. Napangiti din ako.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...