"Oppa, puntahan mo na si Yoon Ah. Kanina pa sila doon ni Ji Hyun," pangungulit ni Jan Nara.
"Hayaan mo na sila," sabi ko habang kumakagat ng mansanas.
"Pero Oppa, nalalamangan ka na ni Ji Hyun oh." Inunguso niya ang dalawang nasa dagat pa rin, pero hindi naman naglalangoy at halos magkadikit na.
"Wala akong pake," sabi kong pinanggigilan ang mansanas.
"Ikaw ang bahala," iiling iling si Jan Nara habang nagbabalat ng ponkan.
"Gusto mo?" Alok niya sa akin ng tatlong pirasong ponkan nang matapos niya itong mabalatan.
"No, thanks," sabi ko, masama ang tingin dun sa ponkan.
Ang lecheng ponkan. Naalala ko bigla ang bruha pati yung roadtrip namin papuntang Taal.
"Himala ata. Paborito mo 'to ah," nagtataka niyang tanong.
"Dati yun. Pinaka- ayaw ko yan ngayon." Sabi ko saka pumitas ng saging. Ang dami naming prutas, courtesy of the hotel na tinutuluyan namin.
"Oppa, ilayo mo na si Yoon Ah kay Ji Hyun, o. Please na," hindi nakatiis na sabi ni Jan Nara.
"Tch! Ako pa talaga?! Sa akin mo pa hiniling yan?!" Naka-angil kong sabi. "Alam mo ang damdamin ko sa'yo tapos hihilingan mo ako ng ganyan? Maawa ka naman!" Hindi ko na napigilang sabi.
"A-akala ko kasi---" napapayuko niyang sabi.
"Akala mo na ano? Na naka-move on na ako? Hindi yun ganun kadali, Jan Nara! Kung ganun lang kadali mag- move on, baka wala ng tao sa mundo ang nasasaktan ngayon! Lahat masaya!
Ang pag- momove- on, hindi yun nangyayari overnight na para ka lang nag- marinade ng karne at pwede nang i- barbecue kinabukasan!
Kung kaya ko palang mag- move on agad- agad, eh di sana, noon ko pa ginawa! Sana noong araw na umalis ka ng Korea, nakapag- move on na ako! Pero hindi eh. Hindi nangyari yun!
Tapos eto ako ngayon, kasama na naman kita. Pinipilit ko naman eh. Sinusubukan ko. Kasi nga ayoko na layuan mo pa ulit ako. Ayoko na namang ipilit ang sarili ko sa'yo kung ayaw mo talaga, pero Jan Nara naman! Kaunting respeto sa nararamdaman ko!" Sabi kong napaiyak na!
Hindi ko alam kung bakit biglang bad trip ako ngayon. Ang bilis uminit ng ulo ko.
"Sorry, Oppa. Nagpaka- selfish na naman ako. Hindi na mauulit," sabi niyang nakayuko, saka mabilis na tumayo at tumakbo papasok ng hotel.
Nakaka- tatlong saging na ako nang mapansin kong umahon na si Ji Hyun mula sa dagat. Hindi man lang ako nito pinansin nang dumaan siya sa gilid ko, samantalang si Yoon Ah naman ay naiwang nakatulala.
Nagpasya akong sunduin na ang mangkukulam dahil gumagabi na at siya na lang ang tao roon. Gusto ko na din kasing umakyat muna sa kwarto ko at magpahinga pero hindi ko naman matiis na maiwan ang babaeng 'to dito mag-isa.
"Hoy, bruha, tara na sa taas, gumagabi na!" Tawag ko sa kanya habang naglalakad ako papalapit.
"Hoy, unggoy, halika nga dito, tingnan mo nga 'to," sabi niya kaya naman lumapit pa ako sa kung nasaan siya. Hanggang bewang ang lalim ng tubig.
"Ang alin?" Tanong ko nang makalapit.
"Itong lips ko, namamaga ba?" Tanong niyang inilapit pa yung mukha niya sa mukha ko.
"Bakit mo natanong?" Tanong ko din.
"Tinitingnan kasi ni Ji Hyun kanina eh, baka kako namamaga kaya niya tinititigan" sabi niya.
Aba! Gagu yung Ji Hyun na yun ah!
"Uhurm! Konti." Sabi ko na lang.
"Psh! Kasalanan mo kasi 'to eh! Kung di mo ba naman pinanggigilan ang nguso ko, eh di sana hindi namaga! Kaya ata nag walk out si Ji Hyun eh!"
Napangisi ako dun.
"Ang lalaki, kadalasan, kapag tumitingin sa labi ng babae, gusto niya itong halikan. 99% yun!" Seryoso kong sabi.
"Eh ano naman yung 1%?" Tanong ng bruha.
"May kulangot ka sa labi, kaya niya yan tinitingnan," sabi ko.
"Yuck! Kadiri ka!" Sabi niyang sinabuyan ako ng tubig- dagat. "Sure naman akong wala akong kulangot sa mukha 'no! Kaya dun na lang ako sa gusto niya akong halikan," animo nangangarap niyang sabi, nakatingala pa sa madilim nang langit.
Ilaw na lang mula sa mga cottage ang nagsisilbing liwanag namin. Wala ring ilaw sa mga floating cottage dahil wala namang gumagamit, pero kita ko pa din ang mukha niya.
Mukha siyang tanga kakatingala.
"Sige lang, mangarap ka nang gising," sabi kong siya naman ang sinabuyan ng tubig.
"Aray! Nalagyan ako sa mata," sigaw niyang biglang napapikit.
"Masakit ba? Patingin?" Sabi kong agad siyang nilapitan.
"Jowk lang. Ha- ha!" Nakatawa niyang sabi, naka-peace sign.
"Hayan ka na naman sa mga jokes mo," pasinghal kong sabi.
"Bakit nga pala hindi ka nag-swimming?" Tanong niya bigla.
"May syokoy kasi sa dagat kanina," sabi ko.
"Talaga? Nakita mo?" Nanlalaki ang matang tanong niya.
"Oo, magkasama yung syokoy at saka si Barakuda, magka- holding hands. Ang sarap nila ihawin," sabi ko pa.
"Dyinu- jowk mo ata ako eh! Dapat maligo ka rin! Unfair yun!" Sabi niyang sinabuyan na ako nang sinabuyan ng tubig.
"Malamig na! Ayoko na maligo!" Pigil ko sa kanya.
"Di pwede yan! Eto pa! Ayan!" Sabi niyang sinabuyan ulit ako saka ako binitinan sa balikat na siyang ikina- out balance ko. Sumampa pa siya sa likod ko na tuluyan kong ikinalublob.
"Sarap di ba?" Nakangisi niyang sabi.
"Ang kulit mo," iiling-iling kong sabi.
Isip- bata na naman 'tong kasama ko.
Sabi ko sa isip ko saka ako naglangoy na ng tuluyan.
---000---
"Yoon Ah, kakain na!" Narinig naming sigaw ni Ji Hyun mula sa pampang.
"Oh, kakain ka na raw," nakangisi kong sabi sa bruha.
"Sira, siyempre ikaw din. Tara na!" Sabi niyang umahon na.
Nang makalapit kami sa tabi ng dagat ay inabutan pa namin doon si Ji Hyun na naghihintay pala kay Yoon Ah. Inabutan siya nito ng tuwalya.
Ang sweet ah!
"Salamat sa pagbibigay ng tuwalya sa girlfriend ko," nakangisi kong sabi saka inakbayan si Yoon Ah na inirapan lang ako.
"Tch! Ayoko lang na magkasakit siya," masama ang tingin niya sa kamay kong naka- akbay sa balikat ng bruha.
Ayos 'tong isang 'to ah. Duma- da moves pa!
Sabay- sabay na kaming nagsi-akyat sa kani- kanyang kwarto para maligo at magbihis.
Ang dinner ay ginanap sa harap ng isang bonfire. Nag- barbecue party kami. At siyempre, hindi mawawala ang inuman. Korean kaming lahat pero malakas ding uminom sina Carding at JB na kadarating lang. Inimbitahan na rin ni manager Kim ang tatlong jhajinaticz na nagpa- picture kanina, na may kasama pa palang apat na jhajinaticz din sa cottage nila, kaya ang nangyari, lumaki ang grupo namin.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomanceFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...