Chapter 68: Ji Hyun

3 1 0
                                    


"Enough, guys!" Awat ni Jhara na pumagitna na sa amin. Nakatayo na kami pareho ni Hyung Min, masama ang tingin sa isa't isa.

"What's gotten into you, Ji Hyun? Alam mo nang lasing 'tong isa, pinapatulan mo pa?!" Pigil ni Jhara sa braso ko in Korean. "Halika na! Umakyat na tayo sa taas," hila niya sa akin maya- maya.

"Yoon Ah, ikaw na ang bahala kay Hyung Min. Manager Kim, pakitulungan si Yoon Ah." Baling ni Jhara sa mga kasama namin, umiral ang pagiging sunbae niya.

*Sunbae- senior

Tumalima naman si Yoon Ah, iiling-iling. Halatang disappointed sa amin.

"Hoy Ji Hyun, hindi pa tayo taposh! Hik! Layuan mo ang gelpren ko. Akin lang sha! Naiintindihan mooo?!" Nanlalaki ang matang sabi ng unggoy sabay turo sa sarili niya at kinabig sa bewang si Yoon Ah na naka- alalay sa kanya.

"Aba't talagang! Kapal naman ng mukha mong angkinin si Yoon Ah, nagpapanggap ka la----"

"Utang na loob, Ji Hyun! Oppa, please! Tigilan niyo na!" Pagmamakaawa na ni Jhara. "Halika na," hila niya pa ulit sa akin nang balingan niya ako. Pero hindi na talaga ako papigil. Kinakain na ako ng selos.

OO! AAMININ KO, NAGSESELOS AKO SA UNGGOY NA YAN!

"Para sa kaalaman mo, ha, unggoy! Si Yoon Ah lang ang may karapatang magdesisyon tungkol sa bagay na yan, kaya 'wag kang umasta na pag-aari mo siya! Hindi siya sa'yo at hindi siya magiging sa'yo kahit na kelan!" Malakas kong sabi in Korean pa rin.

"At bakit? Sha palagay mo, magiging shaa'yo hik! sha? Ha! Hik! Lumalabash na ngayon ang itinatago mong kulo! Bashang- basha na kita! Gusto mo rin sha!" Sabi ni Hyung Min na kinuwelyuhan ako.

"OO, gusto ko siya! At gagawin ko ang lahat para maging akin siya! Dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam na may taong pinapahalagahan bukod sa sarili ko." Mahabang sabi ko.

Tapos ikaw, ano? Sabi mo kanina, na gusto ko rin siya?! RIN?! Ibig sabihin, gusto mo siya?! Ha! Ang kapal din naman ng mukha mo, ang selfish mo naman, gusto mo dala- dalawa ang babae mo?" Dagdag ko pa.

Gusto mong ipagsigawan sa mundo na mahal mo si Jhara pero ngayon, isinisigaw mo sa mukha ko na gusto mo si Yoon Ah?! Pare, gago ka pala, eh! Ang kapal naman ata ng mukha mo---" hindi ko natapos ang mga gusto ko pang sabihin ng malakas niya akong suntukin sa mukha.

"Ikaw ang gago! Shi Jan Nara, ang tagal nang parang tangang habul ng habol sha'yo, hik! Pero hindi mo napapanshin, o baka shinashadya mo lang na magbulag- bulagan talaga! Hik! Bago mo shabihin sha mukha ko na gusto mo ang gelpren ko, tingnan mo muna at tapatin yang katabi mong asha ng asha shayo, gago!" Sabi niya.

Naasar ako sa kaka- "gago" niya sa akin kaya ako naman ang sumuntok sa kanya.

"Sesanghe! Utang na loob! Ano ba! Carding, JB, ano pang ginagawa niyo? Bakit mga naka- tanga lang kayo?!" Sigaw ni Jhara.

Mabilis namang tumalima ang kapwa nakatulalang mga body guard. Inawat kami at tinulungan si Hyung Min na nauna nang iniakyat sa kwarto nito sa itaas dahil sa sobrang kalasingan. Iniwan ako ni Jhara at sumamang ihatid si Hyung Min sa itaas.

"Sorry sa nangyari, bossing," hinging paumanhin naman ni Yoon Ah sa akin. "May sugat ka," natatarantang puna niya nang mapatingin sa labi kong kumikirot.

Napangiwi ako at ngayon lang nakaramdam ng hapdi sa parteng gilid ng labi ko.

---000---

"Sandali lang, Yoon Ah," pigil ko sa kamay niya sa tangka niyang pagtayo matapos gamutin ang sugat ko. Nakaupo kami sa kama dito sa kwarto ko. Siya na ang naghatid sa akin at gumamot nga sa mga sugat ko sa mukha.

"Seryoso ako doon sa mga sinabi ko kanina..." Dagdag ko pa. "I like you. I really do." Sabi ko pang pinisil ang kamay niya.

"P-pero bossing..."

"Ayos lang kung hindi mo pa ako gusto. Kaya ko namang manligaw at willing akong maghintay," sinserong sabi ko.

"Gusto rin naman kita, bossing..." Sabi niyang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig mo mula sa taong gusto mo na gusto ka rin niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Ilang araw ko ding na-miss na makasama siya. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama at katabi ko pa siya ngayon.

Nagtama ang mga mata namin. Unti- unting bumaba ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko akalain na darating pala sa puntong pananabikan kong mahagkan ang mga labi niya.

"P-pero... Sandali lang bossing... G-gusto kita, pero hindi hanggang doon sa point na m-mahal  kita."

Nawala ang mga ngiti ko at ang pumalit ay ang mabigat na pakiramdam.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon