Chapter 76: Hyung Min

31 8 0
                                    

"E- engaged?!"  Hindi makapaniwala kong tanong.

"O- oo," napatungo niyang sabi, panay pa rin ang tulo ng luha.

Nagtagis ang mga ngipin ko.

"Who's the guy? Do you love him?" Tanong ko sa kanya.

Tumunghay siya at diretso akong tiningnan sa mga mata.

"I haven't even met that guy. Basta ang alam ko lang Yoo Min ang pangalan niya."

"Tell me about it. I mean the engagement. Lahat- lahat. Makikinig ako." Sabi kong inalalayan siyang tumayo.

Pinahiga ko siya sa kama niya, saka ko siya binalot ng comforter. Humiga ako sa gilid ng kama niya. Tumagilid siya paharap sa akin saka ako niyakap. Niyakap ko din siya saka ko inihilig ang ulo niya sa dibdib ko.

Nagsimula siyang magkwento.

"Normal naman ang takbo ng buhay ko noon. Masaya. Para nga akong prinsesa kung ituring sa bahay namin. Pero nagbago ang lahat nung mag- 16 years old ako.

Merong kaibigan si Lolo. Mag-best friends sila. Tulad ni Lolo, meron ding malaking negosyo ang kaibigan niyang iyon. Hindi ko alam kung anong negosyo yun, pero nag-simula yung bumagsak.

Naisip ni Lolo na tulungan ang kaibigan niyang yun. Muling nakabangon ang kompanya ng kaibigan niya at ngayon ay maunlad na ulit at isa sa mga nangunguna sa Korea.

Nainggit ang Tita ko dun sa kompanya ng kaibigan ni Lolo. Sabi niya kay Lolo, dapat daw may makuha naman silang pakinabang sa pagtulong sa kaibigan na yun.

Tumanggi ang Lolo ko. Ang sabi niya, tulong daw yun at wala siyang hinihinging kapalit. Pero may biglang inungkat si Tita.

Ang sabi niya, nakapangako daw yung kaibigan ni Lolo na yun 12 years ago na ipapakasal daw niya ang apo niya sa akin. Wala akong natatandaang ganung kasunduan kasi nga bata pa ako nun.

Pero iginigiit ni Tita na childhood sweetheart ko yung apo ng kaibigan ni Lolo. Si Yoo Min. May pinirmahan daw silang kontrata na pag nag- 18 ako, ipapakasal kami.

Ang sabi ni Tita, ako daw ang nagpumilit at nag- umpisa ng kasunduan na yun. Pero hindi ko na yun natatandaan talaga. 12years ago? 4 o 5 years old pa lang ako nun!

Pinu- push ni Tita ang kasal dahil ang kompanya ni Lolo at ang kompanya ng kaibigan niya ang top- grosser companies ng Korea sa ngayon."

Tumigil siya sa pagkikwento saka nagpahid ng luha.

"Noong nag- 16 ako at tinanong nila ako, pumayag ako. Wala naman akong love life saka mukhang hindi naman ako mapapansin ng crush ko.

Akala ko ganun lang kasimple ang magpakasal, pero ilang araw matapos nun, naaksidente si kuya. Na- trauma ako sa nangyari sa kanya. Hindi niya magawang umibig sa ibang babae nang mawala sa kanya ang first love niya. Hanggang ngayon, yung babae pa rin ang mahal niya.

Naisip ko, paano kung hindi ko magustuhan yung ipapakasal nila sa akin? Paano kung may makilala akong iba na mamahalin ko talaga? Sinabi ko yun kay Tita pero sinampal niya lang ako," kwento niya.

Nagtiim na naman ang mga ngipin ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko.

"Matapos nun, palagi nang inuungkat ni Tita yung nangyari kay kuya. Kasalanan ko daw yun, kaya ako ang dapat magbayad at magsalba sa kompanya namin. Kasi si kuya daw ang inaasahan sana sa kompanya, siya kasi ang panganay. Kaso, naging imbalido si kuya.

Dapat tulungan ko daw na mas mapalaki pa ang  kompanya. Kapag daw nagpakasal ako sa apo ng kaibigan ni Lolo, magiging worldwide na ang company namin kapag nag-merge na ang dalawang kompanya.

Pero international company na kami, hindi pa ba siya makontento? Nung tinanong ko yun sa kanya, sinampal na naman niya ako.

Lahat ng pananakit niya, tinanggap ko. Walang alam ang parents ko sa nangyayari. Walang alam si kuya, walang alam si Lolo.

Pero ang hindi ko na natiis, nang pati yung kaisa- isang bagay na mahal ko, pinakialaman niya. Pangarap kong makapasok sa music school, pero ang ginawa ni Tita, ini-enroll ako sa cooking. Pinaka- cancel niya ang application ko para sa music school.

Aanhin ko ba naman daw ang music? Hindi ko daw naman kailangang mag-artista o kumanta kasi mayaman na kami. Ano naman daw ba ang pakinabang na makukuha ko dun pag nag-asawa na ako?

Dapat daw akong matutong magluto para sa mapapangasawa ko. Bullshit lang! Hawak na nga niya ang future ko, pati ba naman yung kasalukuyan kong ini- enjoy at pinagkukunan ko ng lakas, papakialaman pa rin niya?!

Hindi na ako nakatiis. Pagkatapos nun, hindi umabot ng 24oras, nagpa- book ako ng flight papunta dito sa Pilipinas. Tinulungan ako ni yaya Miling tumakas. Pinay siya. Sanay na rin naman ako dito sa Pilipinas kasi nakadalawang punta na ako dito, pero palagi kong kasama si yaya. Noong nakasabay mo ako sa eroplano, unang byahe ko yun na mag- isa.

Sinuwerteng natanggap ako as PA tapos Korean pa yung amo ko. Tapos super- idol ko pa.

Malaking bagay na nagkaroon agad ako ng trabaho para kahit papaano, maka-survive ako dito. Hindi ko magamit ang credit card ko, kasi sigurado ako, ipapa- trace yun ni Tita. Or worse, ipa- cut niya pa.

Ginawa ko ang lahat para makapag- tago. Hindi ko binubuksan ang mga personal account ko sa social media. Kaso, mahirap talagang magtago, lalo na kung showbiz personality ang amo mo.

Mula nang magdidikit ako kina Ji Hyun at Jhara, palagi na akong nakukuhanan ng mga pictures. Tapos nadamay- damay pa ako sa MinYoon na yan. Doon nila ako nahanap ," mahabang salaysay niya. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ayaw kong magpakasal doon sa lalaking yun, Hyung Min." Sabi niyang umiiyak na isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Pinipilit na nila akong pabalikin ng Korea. Ipapakaladkad daw ako kung hindi pa ako bumalik agad," humigpit ang kapit niya sa comforter.

"Sssh. Tahan na," alo ko sa kanya. Hinaplos ko ang likod niya.

"Ang sabi mo, you'll gonna marry the guy once you turned 18, di ba?" Tanong ko sa kanya. Tumunghay siya sa akin tapos tumango.

"Ibig mong sabihin, wala ka pang 18?" Nandidilat na tanong ko.

Tumango ulit siya.

Napa-igtad ako sa hinihigaan ko. Nahulog ako sa kama. Siya naman ay litong bumangon.

"M- menor de edad ka pa?!" Tanong ko ulit. Nanghaba ang nguso niya.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon