Chapter 40: Pre-Concert

8 3 1
                                    

A/N: Sa mga taong ito, maraming- maraming salamat sa inyo:

- heartless_nerd
- myroesobrino
- ckmemdoza18
- TrixielynVilla
- VanessaChristellDeGu

Yoon Ah's POV

Natapos ang performance ni lalabz, at ang sumunod naman ay ang paglabas ng iba pang cast ng Maria Leonora. Mga local celebrities at mga Korean celebrities na nagsadya pa talaga dito sa Pilipinas kahit wala naman silang scenes na naishoot dito. Full support talaga sila. Nakakatuwa. Tiyak na ang daming manonood nun. Ang ganda ng istorya.  Pagkatapos nun ay nagkaroon ng presscon, kung saan may Q&A ang media at nagkaroon din ng chance ang mga fans na magtanong. Ang huling part ng programa ay ang raffle kung saan kasali lahat ng bumili ng ticket ng event sa araw na yun at ang mananalo nga ay bibigyan ng VVIP tickets para sa concert. Nagkagulo na ang mga fans. Si Ji Hyun lalabz mismo ang bumunot ng tatlong stub. Nanahimik ang lahat, tutok na tutok sa idol nila. Habang nangyayari yun, napatingin ako kay unggoy, as usual, nakatingin pa rin siya kay Miss Jhara.

Kumukurap pa ba toh?

"Hindi kaya mahipan ka ng hangin sa sobrang titig mo dyan? Kukurap ka naman. Lilingon ka rin sa kaliwa at kanan. Baka ma- stiff neck ka", nakaismid na sabi ko. Saka lang siya lumingon sa akin. Nanlalaki ang butas ng ilong.

Hala?!

"Mukha kang gorilya. Hindi bagay", sabi ko. Pinaningkitan lang niya ako ng mga mata, tapos ibinalik na ulit ang tingin kay Miss Jhara na halatang hindi na komportable sa mga tingin niya.

---000---

Natapos ang event. Nasa backstage na kami, nag-aayos na lang ako para makauwi na kami ni Ji Hyun lalabz. Same din ang ginagawa ng iba pang mga p.a. Ang mga celebrities, nagkukwentuhan lang. Yung iba, nag- iinternet, nagpopost sa social media. Yung iba naggi- games lang. Eksaktong nakatapos na ako nang mapalingon ako kay unggoy. Kausap na niya si Miss Jhara.

Aba, aba, aba. Teka nga. Madaming media sa labas...

Pasimple akong lumapit sa kanila, nakikinig sa usapan nila. Kaso konti na lang ang narinig ko, ang sabi ni Miss Jhara, "...you're just a fan to me". Tapos tinalikuran na niya si unggoy.

Aray, ang sakit nun!

Biglang nagwalk- out ang unggoy, bagsak ang mga balikat. After ilang seconds, lumapit sa akin si Miss Jhara, sabay hawak sa braso ko.

"Please, sundan mo", nakikiusap ang tono niya. Lumingon ako sa exit.

"Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Oo, please naman", sabi niya. Aba, first time niya makiusap sakin ng hindi ako pinaplastic ah.

As usual, parang robot na naman ako, sumunod sa nilakaran ni unggoy, palabas sa exit, nakita ko siya sa tapat ng elevator kaya  naglakad ako papalapit dun.

Bumukas ang elevator, pumasok siya.
Pumasok rin ako.

Bumaba ang elevator sa basement parking, lumabas siya. Lumabas din ako.

Naglakad siya papunta sa kotse niya, sumunod ako.

Binuksan niya ang driver's seat, binuksan ko naman ang passenger's seat.

Nagmaneho siya palabas ng mall, tinahak ang kahabaan ng Edsa, pumasok sa SLEX, nag-exit sa Eton, lumabas ng Laguna, naipit sa traffic ng Tagaytay.

Nainis sa traffic, bumuntung- hininga, lumingon sa kaliwa, lumingon sa kanan...

O___O?

Wala nang mas nakakatawa pa sa shocked na reaction niya.

"A-ano gawa mo diyan?!" Tanong niyang halos malaglag na ang panga.

Hyung Min's POV

Wala na. Ayaw talaga niya sa akin. Pero hindi pa rin ako susuko. Laban at laban pa rin. Hangga't humihinga kaming pareho, may pag-asa pang mahulog din siya sa akin. Titiisin ko lahat ng sakit, lahat ng pambabalewala, lahat ng pagtataboy. Dahil sa kanya lang ako sasaya. Dahil hindi ko makakayang iba ang makasama. Kahit ilang beses niya pang paulit- ulitin na hindi niya ako mahal, katulad ng sinabi niya kanina, ok lang. Kahit ako lang ang nagmamahal, ok lang. Sapat na ang sobra- sobrang pagmamahal ko para sa aming dalawa.

~FLASHBACK~

"Jan Nara, kumusta? Napagod ka ba? Eto ang milk tea, inumin mo, favorite mo yan di ba?", Sabi ko sabay abot sa kanya ng umuusok sa lamig na milk tea. Tinanggap naman niya. Hindi niya matatanggihan yun. Minsan na siyang nakipag- away nung hayskul dahil sa milk tea na yun.

"Salamat," sabi niya sabay bukas sa cap ng milk tea at agad na ininom yon.

"Pero, Oppa. Napag- usapan na natin ang tungkol dito hindi ba? Nasabi ko na sa'yo, na wala kang maaasahan sa akin. May iba akong mahal. Kung paanong hindi mo ako kayang mabitawan, ganon din ako sa kanya, Oppa. Hindi ko rin maisip ang buhay na wala siya. Kung paano mong pinangarap ang bukas na kasama ako, ganun din ako sa kanya."

Natahimik ako. Ninamnam ang sakit na gumuhit sa dibdib ko. Inisa- isa ang bawat salitang binanggit niya.

"Just give me a chance to court you, Jan Nara. Give me a couple of months, at saka ka magdesisyon kung ayaw mo talaga at wala talaga akong pag-asa. Saka mo ako ipagtabuyan. After two months at wala ka pa ring maramdaman para sa akin, ako na mismo ang kusang lalayo. Ako na ang kusang bibitaw. Please, just two months?"

"No, I'm sorry." Tanggi niya.

"Ok, just a month. Or kahit two weeks. Give me a couple of weeks para maiparamdam sa'yo ang pagmamahal ko."

"I'm sorry talaga, Hyung Min. Pero kahit isang araw o isang oras lang yan, hindi ko kayang isakripisyo ang career ko para dyan. I hope you understand. Kung mahal mo talaga ako, maiintindihan mo," nakikiusap na din siya.

"Jhara, is there something wrong?" Tanong ni Ji Hyun habang naglalakad papalapit.

"Oh, nothing. Nothing. We're just talking." Nakangiting lumingon si Jan Nara sa kanya.

"Oh, ok. We'll celebrate later at a bar. No appointment or commitment tomorrow, so we can chill", sabi ng tukmol in Korean.

"Yeah, sure", sabi ni Jan Nara, aktong maglalakad na paalis. Agad kong hinawakan ang braso niya bago pa man niya ako iwan. Lumingon siya sa akin at pagkatapos ay sa braso niya, napapabuntong hininga, tila nawawalan na ng pasensya.

"Oppa, please, ako na mismo ang nakikiusap sa'yo. Bago pa ako may masabi sayong masasakit na salita na pareho nating pagsisihan sa huli, tigilan mo na." Sabi niyang pilit kumawala mula sa pagkakahawak ko. Napabuga siya ng hangin. Iiling-iling.

"Pero Jan Nara..." Kontra ko.

"Hyung Min, sa totoo lang napapagod na ako sa kaiiwas sa'yo. Napaparanoid na ako na baka bigla na lang may mga taga media na makaalam ng tungkol dito at gawan na naman ng kung anu anong issue. Hindi na ako komportable na naririyan ka sa paligid. Ayoko nang makita ka pang aali- aligid sa mga lugar kung nasaan ako."

"But Jan Nara, I can't do that! I can't last a day without seeing you. Noon akala ko kaya ko na ng hindi ka nakikita. Pero ngayong nakita na ulit kita, mukha mo na ang gusto kong agad makita pag gising ko sa umaga. Please don't do this, to me. I love you". Naiiyak na talaga ako.

"But you're just a brother to me", sabi niyang nakahalukipkip.

"Well, I never considered you as my sister". Sabi ko.

"You're just a friend". Sabi niya.

"Jan Nara, you're everything to me. Please don't do this. Please give us a chance", sabi kong nangingilid na ang luha. Tinalikuran na niya ako. Hinabol ko siya, hinuli ang isang kamay niya. Hinila niya ang kamay niya, saka pasinghal na humarap sa akin.

"You're just a fan! And you will forever be!" Malakas niyang sabi na narinig ni Ji Hyun at ng iba pang mga naroroon. Nagbulungan ang mga tao. Bagsak ang balikat na naglakad na ako palabas. Pakiramdam ko, bagsak din ang buong mundo ko.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon