Mugto ang mga mata ko habang nakasakay ng taxi pauwi. Hindi ko na nagawang makapag- jeep o bus para makatipid dahil siguradong pagtitinginan ako ng mga tao.
"Di ba, ikaw yung girlfriend ni Oppa? Yung love team na MinYoon?" Tanong ni manong driver.
Oh, di ba? Kahit si manong, kilala ako? Kung mag-jeep ako, eh di lalo na akong pinagkaguluhan? Baka pagtawanan pa nila ako.
"Ayos ka lang ba, ineng?" Tanong niya.
"Opo, napuwing lang po," sabi ko.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag. Korean number. Pinag-isipan ko pa kung sasagutin ko ba, pero sa huli ay sinagot ko na rin.
"Yobose---"
"Hoy, Yoon Ah! Kelan mo balak umuwi, ha?! Ang kapal din naman ng mukha mong bata ka, na umalis ng hindi nagpapaalam?! Tumatakas ka sa responsibilidad na iniatang sayo!
Sayang lang ang pagpapalaking ginawa sa'yo kung hindi ka rin naman pala mapapakinabangan! At ano'ng ginagawa mo diyan sa Philippines, ha? Pulos paglalandi ang inaatupag mo! Kung hindi ko pa nakita sa Facebook nung isang katulong ang picture mo, hindi pa namin malalaman na andiyan ka?!
Umuwi ka na dito ngayon din, at wag mo nang hintaying ipakaladkad pa kita pabalik dito! Mas lalo kang mapapahiya!" Mahaba at malakas nitong sabi in Korean, pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Tiyahin ko yun. Kapatid siya ng tatay ko.
Mas lalo akong napahagulhol nang maalala ko ang isa ko pang problema. Ang isa sa mga rason kung bakit ako tumakas at nagpunta sa Pilipinas.
"Ineng, ayos ka lang ba?" Tanong ulit ni manong driver.
"Ngayon po, hindi na talaga. Pinipilit kasi nila akong bumalik sa isang lugar na para sa akin ay masahol pa sa impyerno," sabi kong panay ang tulo ng luha.
"Aba, kung ganon ay wag kang bumalik. Kung hindi ka sasaya sa isang lugar, umalis ka. Para sa akin ay hindi naman kaduwagan yun. Lalo na't kung tatanda ka naman sa konsumisyon," sabi niya.
"Aba'y nasa lupa pa naman tayo, wala tayo sa impyerno. Kung yun ang tingin mo sa lugar, aba'y wag ka nang bumalik," dagdag pa niya.---000---
Lumipas ang buong araw kinabukasan na nakakulong lang ako sa kwarto ko. Ni ang kumain ay hindi ko magawa.
Katok sa pinto ang nagpagising sa akin sa naglalakbay at pagod kong diwa.
Oo, diwa. Ang lalim nun, mga bes.
Sumilip sa pinto si Sephy.
"Bru, may bisita ka. Pasensya na, tinawagan ko na siya. Ayaw mo kasing kumain. Baka mapipilit ka niya." Nag-aalangang sabi pa nito.
Baka si bossing. Wala akong ganang humarap sa kanya.
Sa halip na bumangon ay lalo akong umayos ng higa saka tumagilid patalikod sa pinto.
"Papapasukin ko na siya dito sa kwarto mo?" Sabi niya pa. Nang hindi ako sumagot ay sumarado na ang pinto.
Akala ko wala nang tao, pero may narinig akong yabag ng mga paa.
"Hoy, bruhang mangkukulam! Bumangon ka na diyan at kumain. Sayang naman ang adobong niluto ni Sephy. Paborito mo raw 'to. Native na manok pa naman 'to." Sabi niyang naramdaman kong umupo sa kama.
Hindi ko siya pinansin.
Bigla akong may naamoy na mabangong ulam. Kumulo ang tiyan ko sa gutom. Mahapdi ang sikmura ko, ngayon ko lang naramdaman.
BINABASA MO ANG
FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )
RomantikFan girl ka ba? Paano nga ba maging isang fan girl? Maraming collection ng tungkol sa idol mo? Pumupunta sa lahat ng concert niya? Member ng fans club niya? Full support sa mga projects niya? Fan girl ka nga! Pero gaano mo kamahal ang idol mo? Si Yo...