Chapter 73: Yoon Ah

5 1 0
                                    

"Bru, ayos ka lang? Namumutla ka," puna ko kay Sephy nang makapasok siya sa unit namin.

"Bru, I think malaking problema ang nabigay ko sa'yo," sabi niyang naiiyak na at parang batang nagpapapadyak sa sahig. "Sa sobrang laki nun baka hindi mo na ako mapatawad," sabi pa niyang naiyak na ng tuluyan.

"Teka lang, kalma lang," sabi kong inalalayan siyang makaupo sa sofa. Pumunta ako sa kusina at ikinuha siya ng tubig.

"Now tell me, ikwento mo kahit pakonti- konti. Ano ba ang nangyari?" Tanong ko sa kanya matapos niyang makainom ng tubig at maipatong ko ang baso sa maliit na mesa sa harap namin.

"Remember, yung song na ginawa mo?" Tumango ako.

Tapos ikinuwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala nung magdeliver siya minsan sa unit ni Ji Hyun, pati yung nangyari pagkatapos ng concert, na hinatid siya ni Ji Hyun pauwi. Pati yung kung gaano ka- interested si Ji Hyun sa kantang ginawa ko.

"Nakalimutan ko na namang ikwento sa'yo kasi pareho tayong naging busy. Panay ang holiday ot ko tapos ikaw naman nag-out of town. Nawala na talaga sa isip ko bru, sorry." Sabi niya.

"Tapos kanina, nung salubungin kita diyan sa baba, ayun nga nagkita ulit kami, saka ko lang naalala yung mga pinag- usapan namin, pero hindi na ako nagkaroon ng chance na sabihin sa'yo kasi kinausap na niya ulit ako tungkol dun.

Tapos kanina, nung sabihin ko na ikaw yung gumawa ng kanta, ayaw niya maniwala, bru. Pinipilit niya na ibang tao ang gumawa nun.

May binabanggit siyang pangalan ng babae. Hindi ko na matandaan kung ano yung name, basta pinipilit ko ding i- push na ikaw talaga yung may gawa nung kanta pero sabi niya ninakaw mo lang yung kanta at ginaya mo lang yung boses nung singer. Galit na galit siya bru." Sabi niyang nag- umpisa na namang umiyak. Inalo ko siya at hinimas- himas ang likod niya.

"Nakakatakot siya pag galit bru. Mukha siyang yung sa The Grudge. Ang liit- liit ng mata niya pero pilit niyang pinalalaki! Huhuhu!" Sabi niyang panay ang iyak.

Takot na takot siya sa movie na yun.

"Tapos bru," patuloy pa niya habang sumisinghot at panay ang tulo ng luha. "Sinabihan niya ako ng "shut up"! Ni minsan sa buhay ko, wala pang nagsabi sa akin ng ganun, maski ang parents ko.

Sumalangit nawa ang kaluluwa nila pero baka bumaba sila bigla. Inapi ang anak nila, bru! Kahit ang boss ko sa work, hindi ako sinabihan ng shut up, bru!" Sabi niyang umatungal na ng iyak.

Napatiim- bagang ako. Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko.

"Yoboseyo," sagot ko. Si Ji Hyun ang tumatawag.

*Yoboseyo- hello

"Come here," malamig niyang sabi saka pinatay na niya yung tawag.

Siguro nga dapat kaming magkalinawan. Para malaman ko rin kung ano ba talagang nangyayari.

---000---

"Yes, bossing?" Tanong ko sa kanya pagpasok ko pa lang ng pinto ng condo niya. Obviously, wala ang manager niya at siya lang ang tao sa unit niya, napansin ko habang nagsusuot ng fluffy na tsinelas pambahay na sadyang para sa akin sa bahay na iyon. Naroon kasi sa shelf ang kay manager Yeon.

Seryoso siyang nakaupo sa sofa at matamang nakatingin sa akin, habang nakahalukipkip.

"Anja."sabi niya sabay lahad ng kamay sa katapat ng kinauupuan niyang sofa.

Kinabahan na ako. Galit nga siya. Napaka- business- like ng tono niya.

*Anja- sit down

Tumalima naman ako saka seryoso ding naupo.

"I will not beat around the bush. One question. Ikaw ba talaga ang gumawa ng kantang iyon? Yung instrumental na pinasa mo sa akin noon?" Mababa ang tinig na tanong niya in Korean.

"Yes, bossing," seryoso ring sagot ko.

"Tch! You're lying."

"Ako talaga ang gumawa nun boss. Autumn's Melody ang title nun," giit ko.

"Alam ko." Sagot niya.

"Ako ang nagbigay ng title nun. Ha- ha! Natural, ako ang gumawa eh. Pero may dahilan kung bakit yun ang title nun, at malaki ang kinalaman nun sa'yo."

Halatang nagulat siya pero pilit niyang hindi ipinahalata.

"I don't believe you and I would not ever. Kilala ko ang gumawa ng kantang yun. She's my first love. I might love you now, but I don't trust you anymore.

I even gave you a chance para i- deny at bawiin ang sinabi mong ikaw ang gumawa ng kantang yon, mas ginusto kong marinig na napulot mo lang yun kung saan, mas ginusto kong paniwalaan na nagbibiro ka lang, pero hindi eh.

Pinipilit mo talagang i- push yang kasinungalingan mo. Hindi ko alam kung ano bang makukuha mo sa pag- angkin sa kantang hindi naman sa'yo. Ni hindi nga naipakilala sa mundo ang kantang yun."

"Will you not let me explain?" Frustrated ko nang tanong.

"Para ano? Para humabi na naman ng panibagong kasinungalingan? Yoon Ah, I personally know the person who made that song. I'm so disappointed in you," malamig niya pa ring sabi.

"Well, boss, kung ganyan din namang biased kayo at hindi niyo din naman pala paniniwalaan ang kahit anong explanation ko, mas mabuti pang magresign na lang ako. Hindi na magiging maayos ang working relationship natin kung ganyang wala ka na palang tiwala sa akin," sabi kong tumayo na.

"Ang sabi mo, gusto mo ako. Pero hanggang saang degree ba yung pagkaka- gusto mo sa akin? Hindi ko naman akalaing may limitasyon pala? Akala ko nga kilalang- kilala na kita, mukhang nagkamali pala ako.

Mula noong kumakanta ka pa sa lansangan kasama ang Frozen Melody hanggang ngayong sikat na artista ka na, akala ko, kilala na talaga kita ng sobra, pero hindi pa pala."

Halatang nagulat ulit siya sa mga sinabi ko.

"Oo boss, isipin mo na kung iisipin mong stalker ako, pero ngayon ko lang sasabihin sa'yo 'to. Hindi sa mga fanmeetings at concert mo una akong bumuntot- buntot sa'yo.

Hayskul ka pa lang, nung kumakanta pa kayo sa Han river ng mga kaibigan mo, sinusundan na kita. Pero siyempre, hindi ko na ikikwento sa'yo yung iba pa." Sabi kong tumayo na.

"I may not be your personal assistant anymore, pero asahan mo pa rin ang support ko bilang president ng fans club mo. After all, ang talent mo naman ang nagustuhan ko," sabi kong humakbang na mula sa kinatatayuan ko.

Speechless pa rin siya.

Saka ko nakitang tumayo siya at lumapit sa salaming dingding ng unit niya at tumanaw sa city na makikita sa labas.

"Pero what if bossing, ako talaga yung may- ari nung kanta, ano'ng gagawin mo?

Alam ko kung gaano mo kamahal ang musika, boss. Pero alam mo naman siguro kung gaano kasakit para sa isang song writer na maakusahang ninakaw lang niya sa ibang tao ang kantang pinaghirapan niyang gawin?"

Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"Babalik ako bukas para kunin ang mga gamit ko. Wala na lang akong lakas para makipagtalo pa sa'yo. Or kung ayaw mo nang bumalik ako bukas, itapon mo na lang," sabi ko pang pumiyok na habang pinipigilang 'wag maiyak, saka ako mabilis na lumabas ng unit at mabilis ding nakasakay ng elevator na swerteng walang gumagamit, saka ko doon mag-isang ibinuhos ang luha ko dahil sa sobrang sama ng loob ko.

Ganun ang tingin niya sa akin?

Ganun kababa?!

Sabagay. Ang taas nga pala niya. Ilang taon ko rin siyang tiningala eh. Ang nasa mababa nga pala palagi ang tumitingin sa itaas.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon