Chapter 28: Ang Pagputok ng Bagong Issue Part 2

12 6 0
                                    

Still on Ji Hyun's POV

"Anong ibig sabihin nito?!" Stressed na inilapag ni Manager Yeon ang kung anong sobre sa coffee table ko. May kung ilang oras din pala akong napaidlip habang nakikinig ng music sa phone ko. Madilim na pala sa labas. Tiningnan ko ang phone ko. 6:30 pm na. May text, binasa ko. Galing kay Yoon Ah.

Idol, di na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo. Yung mga groceries naisalansan ko na sa cupboard at sa ref mo. Naipagluto na rin kita ng hapunan. Kung malamig na paggising mo initin mo na lang. 💕
(Text niya in Korean)

Inilapag ko ang phone at tiningnan ang laman ng nakabukas nang sobre. Mga pictures namin ni Yoon Ah kanina. Magkayakap. Gayunpaman, hindi nakikita ang mukha ni Yoon Ah. Nakatalikod sa camera. Pero ang mukha ko, malinaw na malinaw na ako yung nasa picture. Ang bilis naman. Kanina lang yun nangyari ah. Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Issue na naman!

"Bakit di yata ako nainform na may mini.meet kang ibang babae maliban kay Miss Jhara? Paano na? Kung hindi ko pa agad naharang ang paglabas ng picture na toh kanina, tapos ang career mo! Akala ko ba target mong maging international celebrity? Ano nah? Wag munang unahin ang puso at puson! Utak ang gamitin! Utak! Sino ang babaeng yan? Sinoooo!" Nanggagalaiting tanong ng manager ko. Tumandang dalaga na sa kaka.manage ng mga artista. Pero infairness, lahat ng minanage niya mga international celebrities na ngayon. Yun na daw ang kaligayahan niya at parang mga anak na niya kami. Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, mukhang nadagdagan ata ng ilang hibla ang puting buhok niya.

Maya- maya, nag.ring ang phone niya. Nakapamewang na sinagot niya ang tawag.

"Yes?" Sabi niya. Patlang. Nagsasalita ang nasa kabila.
"What?!!! Ok, thanks. Bye." End call.

"Shit, shit!" Sabi niyang nagpaikot ikot sa living room ng condo ko. Paroo't parito. Ilalagay ang kamay sa noo, imamassage ang sentido, ang batok. Halatang stress na. Maya maya ay humarap sa akin.

"Open your laptop, please," sabi niyang paroo't parito pa rin.

Binuksan ko ang internet ko. Trending online ang pictures namin ni Yoon Ah.

- Park Ji Hyun's Secret Girlfriend?
- Da Who is the Girl in Pink Hoodie?
- Jhara No More?

Mga headlines sa lahat ng search engines in big bold letters.

"Paniguradong alam na ito nina Jhara at Manager Kim. Sino ba kasi ang babaeng yan?" Tanong ni Manager Yeon na tumigil na sa kapaparoo't parito, umupo sa katapat na couch. Maya-maya ay may dumating, hindi na nagdoor bell, direcho sa loob in panic mode.

"Omo... Ottohke?!" Si Yoon Ah, hindi malaman kung anong gagawin. Si Manager Yeon, nakatingin lang, shock was written all over her face, then she shouted, "Guys, what have you done?!"

Obviously, kilala na ni Manager Yeon ang babae sa picture. No other than Yoon Ah herself.

"Change your clothes, Ka! (Go!)
Palli! Palli! (Quick!)"
Sabi niya kay Yoon Ah na itinulak na papasok sa kwarto ko. May ilang minuto din sila sa loob nang lumabas na sila na suot ni Yoon Ah ang isa sa mga damit ko.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko sa assistant ko. Namumula ang pisngi na parang natatae na ewan. Namimilipit, wala naman atang masakit.

"Bossing idol, pwede bang saken na lang toh?" Tanong niya. Ang lawak ng ngiti.

FAN BOY MEETS FAN GIRL 1 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon