James' POV
Ano ba 'yan. Pangatlong araw na ng intrams. Isang araw lang dapat ito pero ito kami pangatlong araw na. Sana naman ngayon na ang last na intramurals.
Bumangon na ako sa pagpapahinga ko dito sa kama. Kahapon pa ako bihis kaya wag ka. Nilabas ko ang cellphone ko at tumingin sa FB.
Princess Lyca Magbato-Tuazon is feeling scared
Ano ba 'yan? Nung actual date ng Intrams natin may biglang namaril kaya hindi natuloy! Oo nga pala! Pagaling ka Fafa James Tuazon. Tapos kahapon may Fafa na namatay! Bumagsak mula sa rooftop! Sino ang sunod? Sana hindi ako at lahat ng mga Lalaking Fafa! Pero ang wish ko ay sana sumunod si Raquel Kwon or si Grace Marie Kassandra Jimenez-Lawrence.
Comments
Raquel Kwon
Gusto mong ikaw isunod ko? Baka nakakalimutan mong isa akong makapang-yarihang Prinsesa? Mamamatay ka rin, Malandeng Princess Lyca Magbato-Tuazon. And for your information! I'm still James Tuazon's Wife. 😏😏😏Grace Marie Kassandra Jimenez-Lawrence
I'm with you, Raquel Kwon. Patayin na nating tong malanding 'to, Beshy! 😏😏😏Jaden Mark Harris Lawrence
Ehem! Your the next one! Ehem! 😒😒😒Rex Denielle Salazar
Hey! Tigilan mo nga si, Princess Kwon! Baka mamaya panindigan niya ang sinabi niya at mapatay kapa ng wala sa oras! 😒😒😒Randell Kwon
Delete this post immediately!!!!!Princess Lyca Magbato-Tuazon
What if I don't want to? 😑Robert Kwon
FC here! Go ako sa plano ng kambal ko! Ako nalang ang papatay kay Lyca, bunso ahh! 😇😇😇Dwayne Martin
Delete this 😑😑😑James Tuazon
Hayaan mo, Lyca! Ikaw ang mauuna kaysa sa Asawa ko! Remember that! Huh?Prince Lyndell Magbato
Hey guys! Sorry for the inconvenience! Patawarin niyo po ang kambal kong pasaway! Atsaka... Please! Again! Bash me instead! 😔😔😔. I don't want my sister to receive multiple hates from people! So please! Bash me. I'll be waiting for you bad words for me. 😞😞😞.Kawawa naman tong kaibigan kong si Lyndell. Oo, tropa ko si Lyndell at alam kong kakambal niya si Lyca but until now hindi ko pa rin nakikita si Lyca ng personal.
Lumabas na ako ng Dorm at nag-punta sa court ng hindi natingin sa dinadaanan ko. Buti nalang at naka-rating ako sa court ng walang nabubunggo.
Binulsa ko na ang cellphone ko at hinanap sila Raquel. Nakita ko siya sa may harap na kasama si Grace at Jamskie. Naka-hinga ako ng maluwag dahil babae na ang mga kasama niya ngayon.
Buti wala pang masiyadong tao dito kaya naka-lapit ako sa kanila. Umupo ako dun sa likuran ni Raquel para close kami sa isa't isa. I'm not ready to risk pa kasi.
Bi-nack hug ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko.
"Pinuntahan ka namin kanina kaso busy ka sa phone mo." Bulong saakin ni Raquel kaya napa-tingin ako kay Jamskie. Tumango nalang ang kapatid ko bilang tugon.
"Ayy. Sorry ahh." Bulong ko pabalik habang nilulubog ang ulo ko sa leeg niya.
"It's okay." Sabi niya sabay kiss sa noo ko at binalik niya ang atensiyon niya sa harap.
Inalis ko ang pag-kakalubog ng ulo ko sa leeg niya at binagsak nalang sa likod niya. Nagulat naman siya pero nawala naman agad. Pumikit ako at patulog na.
"Psst." Sitsit saakin ng isang tao kaya napa-harap ako dun. Si Jaden lang pala. Yung FC.
"Yes?" Tanong ko
"Wala lang! Sorry pala nung isang araw ahh! Kailangan niya kasi talaga ng sho..." Baoutol ang sasabihin niya nung sinapak ko siya.
"Kung kailangan niya edi sana tumanggi ka at binigay mo siya kay Rex!" Sigaw ko kaya nagtaka siya.
"Rex ano?" Tanong niya
"Ito *turo kay Rex*. Kaklase natin siya!" Sabi ko
"Ahh! Sorry na! Siyempre kailangan niya na nun kaya hin..." Naputol nanaman sasabihin niya nung sinapak ko ulit siya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Ikaw ang dahilan kung bakit kami umiyak ni Grace at dahilan kung bakit ako may galos ngayon!" Sabi ko kaya hinawakan niya damit ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya kaya magka-tapat kami ngayon.
"Wag ka nang mag maang-maangan James! Ikaw rin ang dahilan kung bakit ako kinausap ni Raquel nun! Da..." Naputol ang sasabihin niya nung sinaway kami ni Raquel.
"Ano? Hindi kayo titigil sa pag-aaway niyo? Baka nakakalimutan niyong nasa harap niyo lang ang topic niyo! Tsk! Let's go!" Sabi ni Raquel sabay hawak sa wrist nila Jamskie at Grace bago umalis.
"This is all your fault!" Singhal ko kay Jaden bago alisin ang kamay niya sa damit ko at tumayo. Tumakbo ako papunta sa likod ng building namin.
Nakita ko si Raquel sa may puno. Naiyak siya. Nilapitan ko siya at kinandong ko.
"Bakit ka naiyak?" Tanong ko at nilapag ang ulo niya sa balikat ko.
"Ako may kasalanan. Kaya nagkaka-ganito!" Hagulgol niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang pisngi niya.
"Wala kang kasalanan! Ako ang nauna! Okay?" Tanong ko kaya huminga siya ng malalim at pumikit.
"Let's go?" Tanong ko kaya tumango siya. Tinayo ko na siya at ako ang sunod na tumayo. Niyakap niya ang bewang ko at bumalik na kami sa court.
Pinag-stay ko muna siya at tumakbo ako papasok sa building. Kumuha ako ng isang bangkuan at tumakbo pabalik sa court. Nilapag ko ang upuan at pinaupo ko si Raquel.
Umupo naman siya kaagad at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik at ki-niss ang noo niya. Tumingin ako sa harap pero wala ng estudyante. Marami ng nag-tatago at maraming may pinupuntahan na booth.
Halos sumigaw ako nung may nag-takip ng mata ko.
"Humawak ka lang saakin. Hindi kita sasaktan." Bulong saakin ng isang lalaki kaya tumango ako at humawak sa dulo ng damit niya.
~Time Skip~
Huminto kami pagka-tapos naming umakyat sa hagdan. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Pero may good feeling ako. It sounds weird pero may good feeling talaga ako.
Inalis ang blindfold at nakakita ako ng isang Badyao,Anghel at Nuno sa Punso. (A/J: Badyao-RapMonster,Anghel-Suho at Nuno sa Punso-N)
Umirap ako tapos tinulak ako papalapit dun sa tatlo. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang bampira kong kaibigan. (A/J: Bampira-TaekWoon)
"Kayo ahh! Pinag-kakaisahan niyo ako! Nasaan ba ako?" Tanong ko kaya nag-tinginan sila at may naitulak saaking Babae. Niyakap naman agad ako nung Babae.
Inalis ko ang braso niya mula saakin bago harapin. Laking gulat ko na kahawig ni Lyndell yung Babae. Naka-ngisi siya saakin. Pilit akong pumiglas palabas nitong kwartong to pero may malakas na kapit mula sa braso ko.
Nakakapit parin saakin yung Babae. Gusto ko ng umiyak dito sa kinatatayuan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang mukha ni Taekwoon na may bakas na pag-aalala.
Ayaw ko na dito! Gusto ko na kay Raquel! Huhu! Someone save me! Raquel! I need your love before I fall~~~
BINABASA MO ANG
Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]
Teen FictionThey started with a fight.... Then it turned out that they were Destined to be Together.... But now.... How can they survive living together?.... Imagine this.... A 19 year old and a 24 year old living together. None of them graduated College.... Wo...