Chapter 19: Intramurals Last Day (Pt. 2)

15 1 0
                                    

Raquel's POV

Kakakita ko palang na walang tao sa loob ng court. Tumingin ulit ako sa kanan ko at wala na si James. Tumayo ako at tumingin sa likod ko. Nakita ko si Taekwoon na akay-akay si James.

Natawa naman ako kasi walang kaalam-alam yung Asawa ko kung saan siya dadalhin. Sinundan ko naman sila.

~Time Skip~

Matagal-Tagal din ang nilakbay namin papunta dun sa patutunguhan namin. Pumasok sila ni Taekwoon at ako naiwan sa labas. Sinarado niya ang pinto kaya naka-dungaw ako sa may bintana.

Ang ganda sa loob. Yung tipong pang kasalan ang style. Tumigin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Ken na may akay-akay na Babae. Naku-curious na talaga ako.

Papasok na sana ako kaso bigla nilang sinara ang pinto. Dumungaw ulit ako sa bintana at nakita kong niyakap nung Babae si James. Tinitigan ko ng mabuti ang Babae at napansin kong familiar siya.

Kahawig niya yung tropa kong si Lyndell. Di kaya yung Babae ay si Lyca na lagi kong bina-bash?. Medyo nilapit ko pa ang mukha ko dahil may sinabi si James pero late na ako wala akong narinig.

Inalis ni James ang braso ni Lyca mula sa kaniya bago harapin. Laking gulat niya na kahawig ni Lyndell yung Babae. Naka-ngisi si Lyca sa kaniya. Pilit siyang pumiglas palabas nung kwartong yun pero nag-pakaweak siya kaya nahila siya ni Lyca

Naiinis na ako. Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa mata. Hindi ako magagalit kay James dahil lahat ng galit ko ay nandun sa malanding epal na yun.

Nag-lakad ako papalapit sa pinto at sinipa iyon pabukas pero sa katangahan ko. Na-injure pa ang paa ko kaysa mabuksan ko ang pintuan. Ika-Ika na akong bumalik sa hallway.

Swerte ko nalang at naka-salubong ko si Rain.

"Anong nangyari sayo, Ms. Kwon?" Pagiging pormal niya. Andami kasing estudyante dito sa paligid dahil medyo tago itong lugar at mga nagtatago sila.

"N-Na-injure lang p-po, S-Sir!" Utal kong sagot habang tinitiis ang sakit at hapdi ng paa ko.

"Come on! Let's get you to clinic!" Sabi niya habang naka-lahad ang kamay. Tumango nalang muna ako bago kumapit sa kamay niya. Nung makarating kami sa clinic ay inupo niya agad ako sa bangko.

~Time Skip~

Nandito na ako ngayon sa Dorm. May saklay sa gilid ng kama ko dahil hirap akong maglakad gamit ang kanan kong paa. Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang FB.

Dwayne Martin is with Raquel Kwon

Hi Ms. Kwon! Take care of your foot! It's really injured! I hope your foot will get better!

Comments

Robert Gwapo Kwon
Waaahhh! Anong nangyari sa Bunso ko! Bakit nagka-ganiyan paa niya?! Ayusin niyo paa niya! Papatayin ko ang gumawa niyan sa kaniya! Waaahhh!

Jaden Mark Harris Lawrence
Cill, Bro! I know James has something to do with this! 😤😤😤

Grace Marie Kassandra Jimenez
Pfft! Selos kalang kay James grabehan kung makapag-bintang! Ehh kung pag-bintangan rin kaya kita katulad sa bagay na hindi mo ginawa! Ano? Papayag ka? 😒😒😒

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon