Chapter 23: My Baby

18 2 0
                                    

James' POV
One Week Later

Nagising ako at napansin kong wala na akong katabi. Bumangon na ako dito sa kama at lumabas ng kwarto. Wala akong paki kung topless ako sanay naman na si Raquel.

Pagkarating ko sa sala ay wala si Raquel. Nag-umpisa na akong kabahan. Pumasok ako ng kusina pero wala parin siya.

~Time Skip~

Nahalughog ko na ata ang buong bahay pero no sign of Raquel pa rin. Kumuha ako ng t-shirt at sinuot iyon. Pagka-labas ng pintuan palabas ay nakita ko si Raquel na naka-upo sa tabing dagat.

Naka-hinga naman ako ng maluwag. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Akala ko naman kung napano kana! Ang tagal kitang hinanap sa loob ng bahay natin!" Malungkot kong saad kaya napunta saakin ang atensiyon niya.

Ngumiti siya at tumingin ulit sa dagat. Umurong siya ng konti kaya magka-lapit na kami ngayon. Kinuha niya ang braso ko at ipinatong sa balikat niya.

Nilapag niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Yung puso mo? Natibok paba para saakin kahit ganito na ako?" Mahina niyang tanong kaya hinaplos ko ang buhok niya. Hinalikan ko ang batok niya.

"Siyempre! Kahit ano pang mangyari basta ikaw!" Sagot ko kaya inangat niya ang ulo niya at tumingin sa mata ko.

"Anong gusto mong Anak?" Tanong niya

"Babae!" Sagot ko. Gusto ko ng Babae'ng Anak dahil gusto kong magkaroon ng Anak na katulad lang ni Raquel.

Nung masagot ko ang tanong niya ay tumahimik ulit siya at nilapag ulit ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi na rin ako nag salita dahil masiyadong maayos na ang paligid.

Tahimik man o Maingay atleast maganda ang tanawin namin. Nilipat ko ang ulo niya at nilapag sa balikat ko. Pinatong ko ang ulo ko sa ulo niya.

"Ang sweet namern! Naiigit akiz! Hug me rin, Sweety!" Narinig ko ang boses ni Grace kaya napabitaw ako kay Raquel at humarap sa likod ko. Nakita ko siyang naka-ngisi pati narin ang kasama niyang si Jaden.

"Leshe kayo! Beach House pala tinitirhan niyo! Pfft! Hindi man lang kami in-invite!" Tampong sabi niya kaya napakamot ako ng batok.

"Anong ginagawa niyo rito?" Cold na tanong ni Raquel pero hindi parin siya nalingon dun sa dalawa.

"Uhmm! Dun kami naka-stay ngayon sa kabilang Resort! Nag-lakbay lang kami netong si Jaden kaya napadpad kami dito!" Sagot ni Grace

"Umalis na kayo!" Utos ni Raquel

"Bakit? Kakarating lang namin dito sa lugar niyo ehh!" Naka-poit na sabi ni Grace

"Umalis na kayo." Sagot ni Raquel

"Okay! Fine! Aalis kami!" Sabi ni Grace sabay umalis na sila ni Jaden. Binalik ko ang atensiyon ko sa Dagat. Inakbayan ko ulit si Raquel at hinaplos ang braso niya.

"May problema ba kayo ni Grace?" Mahina kong tanong pero iling lang ang sagot niya.

"You can tell me!" Pamimilit ko kaya hinarap niya ako. Puro pasa ang mukha niya. Tumingin ulit siya sa Dagat.

"Sinong gumawa sa'yo niyan?" Nag-aalala kong tanong habang pilit na hinaharap muli saakin ang mukha niya.

"Patawarin mo ako dahil hindi ko kayang sabihin sa'yo!" Sabi niya kaya hinalikan ko ang noo niya.

"Tell me!" Sabi ko huminga siya ng malalim bago ako tignan sa mata.

"Si May! Siya yung bagong Anonymous! Siya ang gumawa nito saakin! Kagabi lang!" Sagot niya

"Don't worry! Ako na rin bahala sa kaniya!" Pag-papatuloy niya kaya tumango ako bago ulit halikan ang noo niya.

"Hindi ka pwede! Makakasama yan kila Jay!" Sabi ko kaya tumingin ulit siya sa dagat.

"Bahala na!" Sabi niya sabay patong ng ulo sa balikat ko.

"I just want the best for you!" Sabi ko

"I know." Sagot niya

"Wait lang, Baby! Naiinitan ako!" Sabi ko kaya umurong siya palayo saakin ng konti kaya naalis ko ang t-shirt ko. Hinila ko ulit siya pabalik saakin at inakbayan.

"Nagugutom kana ba?" Tanong ko kaya naramdaman ko ang pag-tango niya. Bumitaw na ako sa pagkakaakbay ko sa kaniya at tumayo.

"Nag-luto na ako! Tara!" Sabi ko habang naka-lahad ang kamay. Tinaggap niya naman ang kamay ko at tumayo. Niyakap niya ako sa bewang at pumasok na kami sa bahay.

Dumeretso kami sa kusina. Umupo siya sa lamesa at hinanda ko na ang niluto ko kanina.

~Time Skip~

Pagkatapos kong maghugas ay bumalik ako sa bangko at tinulungang tumayo si Raquel. Yumakap siya sa bewang ko habang ako ay umakbay sa kaniya.

Nag-umpisa na kaming mag-lakad pabalik sa labas. Umupo ulit kami sa tabing-dagat. Hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya dahil pakiramdam ko ay parang nanghihina ako.

Pumikit ako pero walang balak na matulog dahil kakagising ko lang kanina. Rinig na Rinig ko ang pag-hinga niya. Minulat ko ang mata ko at umayos ako ng upo.

Umurong ako ng konti palayo sa dagat at inupo siya sa kandungan ko. Nilapag ko ang ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Hinalikan ko ang pisngi niya bago tumingin sa dagat.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kanang pisngi ko. Inangat ko ang kanang kamay ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sana pala lagi nalang tayong ganito." Pabulong niyang saad kaya tumango ako. Sa di kalayuan ay may nakita akong isang isla. Ang ganda dun kaso hindi pwede dahil una, hindi pwedeng iwanan tong si Raquel at pangalawa, wala akong gagamitin na kahit ano para maka-punta duon para maisama ko si Raquel.

Humiga ako ng maayos kaya napahiga rin siya. Niyakap ko ang bewang niya at pumikit. Naramdaman ko ang pag-galaw niya kaya alam kong gusto niyang magkaharap kami ng pwesto.

Minulat ko ang mata ko at tama ang hinala ko. Nakita ko siyang nakangiti saakin. May pasa pa siya sa pisngi pero it's not important. Ang importante ay kasama ko siya at babantayan ko siya.

"Raquel." Tawag ko

"Yeah?" Sagot niya kaya hinalikan ko ang labi niya pero sandali lang iyon.

"Alam mo bang simula nung dumating sila Jay ay hindi na tayo naging ganito ka-close?" Tanong ko kaya tumango siya.

"Atsaka! Thanks for giving me such an amazing gift!" Sabi ko kaya natawa siya.

"Thanks for being my Husband!" Sabi niya

"I love you!" Sabi ko bago siya halikan. Narinig ko rin na nag-I love you rin siya saakin.

I really love this girl! 🙂

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon