Chapter 10: Kwon University

31 2 0
                                    

Raquel's POV
1 week later

Nandito narin ako sa wakas. First time kong makita 'tong Kwon U. Ang ganda dito grabe. Sana pala dito na ako nag-enroll nung umpisa palang ehh. Joke.

Pumasok na kami sa pinaka-building. Medyo maliit lang itong school pero napaka-ganda. Ang payapa tignan ng school ehh. Kaso nga lang, medyo malungkot kasi hindi kami kumpleto.

Dumeretso kami sa Principal's Office.

"P-Princess Raquel!" Kinakabahang sabi nung Babaeng Principal.

"What brings you here, Cassidity?" Tanong ni Randell habang hinaharangan ako para hindi makaharap yung Principal.

"P-Patawarin niyo ako! Princess Raquel! Patawarin mo ako sa mga ginawa ko sa'yo noon!" Iyak nung babae habang nag-mamakaawa saakin. I just looked at her weirdly. Wala akong maintindihan.

"Princess Raquel! Please forgive me!" Patuloy niyang pag-mamaakaawa. Pumikit ako ng mariin at pinilit na alalahanin ang nakaraan.

FLASHBACK*****

Kasalukuyan akong nag-lalaro dito sa playground kasama ko ang mga kaibigan ko na sila Kuya Mes at Ate Mandy. Kasama ko rin sila JeongMin Oppa at Kuya Rob Rob pati narin si Kuya Dwayne.

"Kuya Mes! Habulin mo ako!" Sigaw ko kaya hinabol ako ni Kuya Mes habang si Ate Mandy naman ay pinapanood kami habang natawa.

"Nandiyan na ako Baby Raq! Bilisan mo na ang takbo mo!" Sigaw ni Kuya Mes habang mabilis akong hinahabol. Tumawa lang ako dahil sa kakulitan namin.

Tumingin ulit ako sa puno kung nasaan si Ate Mandy at nakita ko siyang biglang tinulak ng isang Babae. Napahinto ako sa pag-takbo at tinignan lang sila.

Napatakbo ako papalapit sa kanila nung makita ko yung Babae na tinulak si Ate Mandy.

"Ate! 'Wag mong saktan Ate Mandy ko!" Saway ko habang hinaharangan si Ate Mandy

"Pfft! Bakit?" Tanong nung Babae sabay tulak saakin. Bumagsak naman ako kaagad sa lapag. Tinignan ko siya ng masama.

"Tss! Bakit ka naiyak?" Tanong niya kaya inangat ko ang kamay ko at may luha ng natulo mula sa mata ko.

"H-Hey!" Narinig kong sigaw ng mga Kuya ko.

"Anong ginagawa mo sa kapatid ko?" Matapang na tanong ni Kuya Rob Rob.

"Bakit? May magagawa kaba?" Tanong nung babae sabay dumating si Oppa JeongMin.

"Ya! Cassidity! What're you doing to my Baby Sister?" Galit na tanong ni Oppa JeongMin

"Isn't it obvious, JeongMin?" Tanong ni Cassidity. Tumapang nanaman siya kaya tinulak niya ang dalawa kong kapatid. Si Kuya Rob Rob ay nauntog sa puno habang si Kuya JeongMin ay tumama ang ulo sa lapag.

"Sumusubra kana ahh!" Sigaw ni Ate Mandy sabay napansin ko na susugurin niya na si Cassidity kaya tumayo ako at hinarangan siya.

"Ate Mandy! 'Wag kanang pumatol! Hayaan nalang natin siya!" Naka-yuko kong sabi

"Anong 'wag? Papatulan ko siya! Sinasaktan ka niya pati narin si Robert at JeongMin ehh!" Inis niyang sabi kaya humarap ako kay Cassidity.

Ngumisi siya sabay hinablot niya ang buhok ko.

"A-Aray!" Iyak ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Hila lang siya ng Hila.

"Bitawan mo siya!" Rinig kong sigaw ni Kuya Dwayne sabay tumakbo siya papalapit saakin. Hinampas niya ang kamay ni Cassidity kaya nabitawan niya ito.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon