Chapter 37: We Found The One

11 1 0
                                    

Hindi na po ako nag-tanong sa inyo dahil sigurado po akong walang sasagot kaya ako nalang ang pumili. No hard feelings! 😞😞😞
-Author Jam
~~~~~~~~

Raquel's POV

Pinatay ko na ulit ang cellphone ko bago pumasok sa loob ng Dorm. Naluha naman ako kaagad. Ang napili nila ay si.....

James. Si James. Ang Asawa ko.

"Bunsoy! 'Wag kang umiyak! Siya na talaga ang naka-tadhana sa'yo!" Masayang sabi ni Robert. Hindi na talaga ako nakapag-pigil at nilabas ko na lahat ng luha ko.

Nagulat ako nung may biglang nag-backhug saakin. Sinulyapan ko iyon at nakita ko si James. Masaya siya. Parang ako. Humagulgol na ako sa tuwa. Naramdaman ko ang pagpupunas niya ng luha ko.

"Yieee!" Kantiyaw nila Jamskie at Rex. Gusto ko man silang pagalitan pero hindi ko kayang gawin dahil nga naiyak pa ako. Hindi ko kakayanin ang feelings ko. Walang kalokohang kasama. Ang saya ko pero naiyak ako. Parang baliw pero hindi.

"Shh! Baby, don't cry!" Pag-papatahan saakin ni James. Hindi ko siya inintindi at patuloy parin ako sa pag-iyak ko. Inikot niya ako kaya napaharap ako sa kaniya. Niyakap niya akong muli at hinalikan ako.

I missed this! I missed his kisses! I missed his hugs! I missed his love! I missed his presence! I missed how he care for me! I missed how he holds me! I missed everything about him!

I kissed back. Medyo natagalan din ang kiss namin dahil nung bumitaw kami ay nag-ring na 'yung bell. Bumitaw na siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko. Nag-lakad na kami pabalik sa classroom namin. Ngiting-Ngiti naman 'tong kasama ko.

Pagkapasok namin ng classroom ay andaming nangantiyaw kay James.

Jaden Mark Harris' POV

Rex: Jaden! Boto man ako sa'yo kaso... Si James ang nanalo! I'm so sorry!

Hindi ko kinaya ang nabasa ko. Hinampas ko ang desk ko habang patayo. Napatingin naman saakin ang lahat. Binalewala ko nalang iyon at tumakbo ako palabas ng classroom. Tumakbo ako papunta sa likod ng building. Umupo ako sa may bandang puno at dun naglabas ng sama ng loob.

Inangat ko ang tuhod ko at nilapag duon ang ulo ko. Iyak nalang ako ng Iyak. Bakit ba kasi mas nagustuhan ko pa si Raquel kaysa sa syota kong si Grace?!.

Habang naiyak ako ay hindi ko napansin na may dumating na pala. Nalaman ko nalang 'yun nung may umupo sa tabi ko. Pagkaangat ko palang ng ulo ko ay may biglang nahalikan na agad ako. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Grace sa harap ko.

Sobrang nakaka-miss pala si Grace! Bakit ngayong ko lang 'to na-realize?. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang batok niya. Hinila ko siya papalapit saakin. I just kissed her naturally but deeply.

Nung kumalas kami sa halik ay nakatingin lang siya sa mga mata ko. Bakas sa mata niya ang lungkot at saya. Inupo ko siya sa tabi ko. Inakbayan ko siya kaya nilapag niya kaagad ang ulo niya sa balikat ko.

"Alam mo, Grace! Na-miss kita!" Naka-ngiti kong bigkas. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Ako rin!" Sabi niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. We intertwined our fingers with each other.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon