Chapter 43: Daddy Who? 😱 (Robert Kwon Special)

20 1 0
                                    

Continuation of his POV...

Robert's POV

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago kausapin at lapitan si Jr..

"Romeo. Give Tito the phone." Utos ko kay Jr. kaya hinagis niya saakin 'yung cellphone ko. Buti nalang at alerto ako dahil na salo ko 'yung phone ko.

Pagkabukas ko ng CP ko ay mga missed call ni Jamskie agad ang bumungad saakin. Kaso, may isang message talaga ang nakaagaw ng pansin ko. Ayun ang in-slide ko at nagulat nalang sa aking nakita.

Bibi Skie ko:
Hi Bibi Rob Rob! May sasabihin ako sa'yo! Buntis si ako! Happy kaba? Kasi ako excited na! Magiging Daddy na si Ikaw! Kanina pa kita tinatawagan kaso hindi nasagot si ikaw kaya ti-next ko nalang sa'yo. Alabyu po, Bibi Rob Rob ko! Oo nga pala, sana hindi ka na shock! Hihi! Meet tayo ahh! Dun sa may lugar kung saan tayo nagkakilala! Ha? Ha? Alabyu po ulit! Wait kita dito! Paki bilisan mo nalang kasi walang nagbabantay saakin! Atsaka... Maraming mga rapist dito 'di ba. Faster ahh. Alabyu. Ingat. 😘😘😘.

Natural na napatayo naman ako kaagad sa nabasa ko. Gago talaga 'tong si Skie kahit kelan. Alam naman pala niya na maraming rapist nag-unta pa talaga mag-isa. Kapag ako nainis pakakasalan ko 'to agad ehh.

"Romeo. Are you coming with Tito Rob?" Tanong ko sa batang muntik ko nang patayin kanina. Tinignan niya ako at umiling.

"I called my friends. They're coming."

Aba puta! Anong sabi? Baka sapukin ko 'to! Papuntahin ba daw ang mga kaibigan niya! Nako! Kung hindi lang talaga 'to Anak ng panganay namin nasapak ko na 'to.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago tumakbo palabas ng office, school at kung saan-saan pa.

~Time Skip~

Nang makarating ako sa lugar kung saan kami nag kita ni Skie ay may nakapalibot na mga lalaki sa kaniya. Pero, here's the catch, duguan ang mga mukha at nakabagsak sa lapag.

Nakaupo lang si Skie dun sa bench kung saan ko sa nakita. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Bumati muna siya saakin bago ilapag ang ulo niya sa dibdib ko.

"Sorry kung natagalan ako ahh." Pag-hingi ko ng paumanhin kaya tumango naman siya kaagad. Inakbayan ko siya habang naka-tingin dun sa mga lalaki'ng nasa lapag na nakahandusay at duguan ang mga mukha.

Naramdaman ko namang hinalikan niya ang pisngi ko. Natural naman na napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Napangiti ako nang makita ko siyang nakatingin saakin habang naka-ngiti. Bigla nalang siyang nawalan ng malay.

Sa gulat ko ay hindi ako maka-isip ng maayos. Kumalma muna ako bago tumayo at buhatin siya. Dinala ko siya sa pinaka malapit na hospital sa lugar na ito.

~Time Skip~

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masisiraan ako ng bait dito ehh. Ano bang nangyayari kay Skie?.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa pwesto ko. Hindi talaga ako mapakali. Napahinto ako sa pag-iikot nung lumabas bigla ang doktor ni Skie. Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso. Inuga-uga ko siya habang nag-tatanong.

"Anong nangyari sa Asawa ko?" Ayan ang paulit-ulit kong tanong sa doktor.

"Mister, kumalma ho muna ikaw. Ayos na ang iyong Misis. Kaso nga lang may diperensiya siya sa kaniyang puso. Kung patuloy niyo ho siyang papagudin ay puwedeng hindi na siya maka-hinga at puwede pa niyang ikamatay." Sabi ng doktor saakin.

Nabitawan ko siya at kusang nanghina ang tuhod ko. Bumagsak ako sa lapag kaya tinapik niya ang balikat ko bago ako iwanan. Umiyak na ako dito sa lapag.

~Time Skip~

Pagka-gising ko ay nasa hospital pa din si Skie. Gising siya at naka-tingin saakin. Umayos ako ng upo at kinusot ang mata ko. Matapos iyon ay hinarap ko na muli si Skie. Naka-ngiti siya saakin kaya nginitian ko siya pabalik.

"Baliw. I still need you in my life. 'Wag kang masiyadong maglili-likot ahh. Hindi ko kakayaning mamatay ka." Bilin ko sa kaniya kaya tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Inangat niya iyon at nilagay sa tapat ng puso niya.

"Rob. Hangga't kasama kita titibok pa 'tong puso ko. Hindi 'yan titigil." Sabi ni Skie kaya hinalikan ko siya sa labi niya. Binitawan na niya ang kamay ko kaya nailayo ko na ito kaagad sa tapat ng puso niya.

Kumalas na kami sa kiss at tinulungan ko na siyang tumayo. Pinasan ko na siya sa likod ko at nag-lakad na ako palabas ng kwarto. Diretso alis na kami kasi kahapon ko pa sila binayaran ehh.

Naka-salubong pa namin 'yung doktor niya kahapon. Nginitian ko nalang iyon at umalis na. Sinakay ko na si Skie sa tabi ng driver's seat at sinaraduhan ng pinto.

~Time Skip~

Nang makarating kami sa bahay ay nagulat ako nung nakita ko ang mga kotse nina Kuya Roumel at Randell. Nandito pala sila. Bakit hindi ako na-inform. Nagkatinginan kami ni Skie bago lumabas ng kotse. Nilapitan ko siya at inakbayan.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Hala? Anong ginagawa mo dito? Ang angas mo ahh! Kasama mo pa talaga ang kapatid ni James Santillan!" Gulat na sabi ni Ate Cy. Inirapan ko nalang siya at pinaupo ko na si Skie sa tabi ko.

~Time Skip~

"ROBERT KWON!"

Napasigaw naman ako nung biglang tinawag ako ni Ate Cy. Muntanga ang puta. Parang gago.

"Anong kasalanan mo?"

"Na-buntis ko si Skie."

"Nako. Malaking kasalanan iyan. Magdasal ka sa panginoong Diyos."

Aba gago! Madre ba 'to? 😑

"Anong kalokohan 'yan Cyriel?" Naiinis kong tanong. Nag-peace sign naman siya kaagad saakin.

"Gaano katagal kanang buntis, Skie?"

"2 months"

"Aba! Langya ka talaga, Robert. 2 months palang kayo ni Skie 'di ba?"

Nahihiya naman akong tumango. Ito ang masakit. Binatukan ako ni Rex. Kung ako lang ang mas matanda dito ng sampung minuto siguro ako ang gumagawa ng ganoon sa kaniya.

"Wala kang paawat. Siguro nug sinagot ka niya ginawa niyo na."

"Kaya nga hiniwalayan ako ni Robie ehh."

Aba! Sumagot pa talaga ang very good kong syota! Sipain ko 'to ehh!

"Okay na. Tama na. Baka magwala na 'yang si Rob. Mag-ayos na kayo. Pupunta kayo dun kila James." Sabi ni Ate Cy kaya tuwang-tuwa na 'tong syota ko.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon