Chapter 17: Intramurals Day 2

19 1 0
                                    

Raquel's POV

Haysst. 2nd Day ng Intrams namin ngayon. Dahil nga nagulo ang Intrams kahapon uulitin para ngayon. Ang angas di 'ba. Oops. Wait. May special guest ako dito.

Special na Special siya sa isa kong kapatid at Special rin siya saakin. Nahulaan mo ba?. Kung hindi mahal kapa daw ni Author. Bumangon na ako sa pagkaka-upo ko nung may kumatok sa pintuan.

Inayos ko ang damit ko at kinuha po ko ang phone. Lumapit na ako sa pintuan at lumabas na. Nakasalubong kong mukha ay si Jamskie. Siya kasi ang gustong mag-sundo saakin dito sa Dorm dahil nauuna siyang magising kaysa sa Kuya niyang Abno.

"Tara na?" Tanong niya kaya tumango ako at nag-lakad kami papunta sa Dorm 15.

Nung makarating ako dun ay pumasok agad si Jamskie. Sumunod naman ako. Nakita kong nagbibihis palang si James dahil may hawak siyang gold color na shirt at topless pa siya.

Tumalikod siya at napaharap saamin. Ganun parin walang pinag-bago abs niya. Nung mapansin niya kami ni Jamskie ay nag-takip agad siya ng katawan.

"Hey! Sarado niyo nga yung pinto! Mamaya may makakita pa saakin dito! Give me privacy!" Sabi ni James habang naupo sa kama niya para mag-tago.

"Tara na, Jamskie! We're not welcome here!" Naka-ngisi kong sabi bago lumabas ng Dorm. Pagka-labas namin ay nasalubong ko si Jaden.

"Sabay kana saakin?" Tanong ni Jaden kaya hinarangan siya ni Jamskie

"Layuan mo si Raquel! Ikaw ang dahilan kung bakit nabarail ang kapatid ko at ikaw rin ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay!" Sabi ni Jamskie

"Okay! First of all, wala kang karapatan na kausapin ako ng ganiyan dahil mas matanda ako sayo. Second, wala akong kasalanan sa pagka-baril kay James. And last, wala akong kasalanan sa pagka-himatay ni Raquel!" Sagot ni Jaden

"Okay! Fine!" Sabi ni Jamskie sabay alis. Bumukas ang pintuan sa likod ko at ito ang kinakatakutan ko. Mag-kaharap si James at Jaden.

"Anong ginagawa mo dito? You're not welcome around what's mine!" Sabi ni James habang hinihila ako papunta sa likod niya.

"Chill, Bro! Wala akong pake sa'yo! Gusto ko lang naman na samahan ang Asawa mo! Iniwanan ko kasi dito ehh!" Sabi ni Jaden habang nahawak sa braso ko.

"Hey! Hey! Hey! Nasasaktan si Ms. Kwon! Bitawan niyo nga at ibigay niyo siya saakin!" Saway ni Rain kaya binitawan ako nung dalawa at yumakap ako kay Rain.

"Don't be too clingy, Bunso. Baka may makakita saatin." Bulong niya kaya bumitaw ako sa kaniya. Nag-umpisa na siyang maglakad at ako naman ay sumunod sa kaniya.

Nang makarating kami sa court ay dumeretso na ako sa pwesto ko kahapon. Nag-indian seat agad ako sa harap katabi ko si Jamskie at Grace.

Kahapon dapat talaga nasa kanan ko si Grace kaso ang tagal niya at si Jaden ang umupo sa tabi ko. Anyways, ito yung dalawa nagda-daldalan fealing close kumbaga. Hindi naman sila talaga magka-kilala pero ito sila makapag-usap akala mo wala ng bukas.

O.P is real guys alam niyo yun? Haysst. Ang quiet ko tuloy pero sanay naman na ako. Wag kang mag-alala sanay na ako. Sanay na Sanay.

"Hoy, Raq! Kanina kapa tahimik! May problema ba?" Nag-aalalang tanong nung dalawang living microphone (A/J: Ang nickname po ay galing sa story ni Author joicey_joice )

Umiling nalang ako bilang tugon pero sa totoo lang ay may problema akong napakalaki mas malaki pa sa Jupiter. Mas fresh pa sa loob ng meat locker na nakalagay sa -1000 degrees.

"Huy! Kilala kita! Hindi ka okay!" Kalabit saakin ng isang lalaki. Humarap ako sa likod ko at nakita ko ang mga Kambal kong Abno.

"Kasi naman ihh! Si James at Jaden magkaaway!" Sabi ko kaya hinimas nila likod ko ng sabay. Huminga ako ng malalim at pumikit.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Robert

"Kahapon... Nagkaroon ata ng little misunderstanding!" Sagot ni Grace habang nagpapakita ng hand gesture.

"Haysst! Alam ko na pala yung problema bakit ko pa tinanong?" Tanong ni Robert kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"I should've seen that coming!" Singhal ni Rex habang nakahawak sa likod ng ulo niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"A-Ahh! Wala yun! Natamaan lang ako!" Sabi niya kaya lalo kong tinaas ang kilay ko.

"Okay! Nabato ako ng bote!" Sabi niya sabay pakita ng kamay niya na may onting dugo. May bubog din na nakadikit sa kamay niya kaya tumayo ako at hinila ko siya papuntang clinic.

Nung makapasok kami ay agad na tumakbo papasok sa isang kwarto sa loob si Rex. Habang natakbo siya ay kita ko ang daloy ng dugo mula sa ulo niya.

May Anonymous nanaman ba? Kung meron sino siya? Anong kailangan niya sa pamilya ko? Bakit hindi man lang siya saakin magpa-ramdam?

Kung gusto niya ng away saakin dapat siya lumaban! Saakin siya magparamdam hindi sa pamilya kong walang kasalanan! Makilala ko lang talaga yung Anon...

Nabalik ako sa realidad nung may humawak sa wrist ko at hinila ako palayo sa pintuan ng clinic. Tinignan ko kung sino at si Roumel lang pala. Hinablot ko pabalik ang wrist ko at kusa na akong sumunod sa kaniya.

~Time Skip~

Huminto kami ni Roumel sa may rooftop. Magulat nalang ako nung makita ko si Chris. May hawak siyang shotgun. Naka-Uniform pa siya na pang Spy U.

Tumalikod siya at nakita niya ako. Hinawakan naman ni Roumel ang kamay ko na mahigpit yung para pang sinasabi niya na mag-tiwala ako sa kaniya. Lumunok ako bago titigan si Chris.

"So nice for you to give me what I want, Principal Aziyu!" Naka-ngising sabi ni Chris sabay hablot saakin. Binitawan naman agad ako ni Roumel kaya nag-umpisa na akong kabahan.

"Not gonna fight, eh? That's what I like about you." Bulong ni Chris sa tenga ko sabay kiss sa pisngi ko. Naiiyak na ako pero I fought back my tears.

James! Sana dumating ka! Hindi ko kayang sumama kay Chris! Mamatay muna ako bago ako sumama sa kaniya! Please! Someone help me! I need a savior!

Pumikit nalang ako dahil pakiramdam ko talaga ay wala na akong ibang choice. Niyakap ako niya ako ng maayos at hinalikan ako sa labi. Hindi ko na talaga alamang gagawin ko.

Nagulat nalang ako nung biglang nawala si Chris saakin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Roumel na galit na galit. Sinakal niya si Chris at nag-lakad papuntang dulo nitong rooftop.

"Remember this, Chris Valdemore! Whateve happens I won't give you my Princess complete! Just a little taste and that's it! Now, say goodbye to her and the world!" Naka-ngising sabi ni Roumel sabay binitawan niya si Chris at bumagsak ito mula dito sa pinakataas.

"Kuya!" Naiyak kong tawag kaya humarap siya saakin at niyakap ko siya kaagad.

"I'm sorry, Princess! I just gave him a little taste of you! Now he's not here anymore! You'll live peaceful again!" Sabi niya kaya sumilip ako sa ilalim at nakita ko si Chris sa baba namin. Basag ang ulo. Patay na siya.

Maya-Maya na lamang ay madaming tao ang nag-kumpulan kay Chris. Nung may titingin dito sa taas ay hinila ko kaagad si Roumel para walang makakita.

"Tara na!" Sabi ko kaya tumango siya at bumaba na kami mula sa rooftop. Hinatid niya ako sa Dorm pero bago niya ako tuluyang iwanan ay ki-niss niya ang noo ko.

~~~~~~~
Hi guys!
Napaaga ata ako ng update!
No worries! Gift ko na 'yan for you guys!
Masiyado kasi akong happy ehh! May nangyari nanaman!
9th Monthsary namin ng BF ko at Weeksary rin namin! Hindi ko na na-count kung ilang weeks na kami pero OMG. Staying strong kami.
Geezs! So much feels na ako!
Anyways, sige na! Alam ko namang wala kayong paki saakin ehh!
Guys! I'm not sure kung ito ang last UD for tonight pero kung matatapos ko kaagad ang next Chappy baka mag-UD ulit ako.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon