Chapter 26: Night Time

16 2 0
                                    

Raquel's POV

At long last. May-POV nanaman ako. Salamat author dahil pinagbigyan mo pa ako 😒.

(A/J: Welcome, Eonnie! ☺️)

Kasalukuyan akong nakatayo dito sa labas. Alam kong gabi na pero gusto ko parin dito. Kahit mahamog basta makalabas lang ako at makita ang labas pwede na saakin.

Sinuot ko ang jacket ko dahil bigla akong nilamig. Niyakap ko ang sarili ko dahil sobra na ang lakas ng hangin. Nasa tabing-dagat kasi ako kaya ganun pero it's okay.

Napa-pikit ako nung may nag-back hug saakin. I assume na si James ito dahil siya lang naman ang kasama ko. Kaysa lang kung kasama ko ang kaluluwa ng mga walang-hiya kong Pinsan.

Naramdaman ko ang pag-lapag niya ng baba sa balikat ko. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Nagulat ako nung iba ang naramdaman ko.

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Jaden. Tinulak ko siya kaagad palayo saakin. Ngumiti siya ng malungkot bago tumakbo palayo. Walang hiya na yun. Alam niyang kami ng Kaibigan niya tapos todo parin ang dikit saakin.

Kinalimutan ko nalang ang nangyari at tumingin ulit ako sa dagat. Ang ganda ng tanawin. Naisipan kong bumalik na sa loob ng bahay kaso gusto ko pang i-enjoy itong dagat.

Umupo ako sa buhangin at hinawakan ko ang tubig. Ang lamig. Kamay ko lang ang pinang-tampisaw ko dahil ayaw kong isama ang paa ko. Lamig na Lamig na ako dito pero todo parin ako sa pag-lalaro.

Natigilan lang ako nung may humawak sa wrist ko. Tinignan ko ng mabuti ang kamay at napansin kong kay James kaya inangat ko ang tingin ko. Nakita ko siyang nag-aalala.

Nginitian ko siya bago ulit tumingin sa dagat. Binitawan niya na ang kamay ko at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako kaya napatagilid ako ng konti.

Pumikit ako at in-enjoy ang comfort niya. Masiyadong warm ang braso niya kaya enjoy ako. Hindi na gaanong kalamig kumpara sa kaninang temperatura. Naramdaman ko ang pag-halik niya sa noo ko kaya napa-ngiti ako.

"Do you feel warm?" Tanong niya kaya tumango ako. Hinimas niya ang braso ko kaya lalong nag-warm ito. Ginapang ko ang kamay ko papuntang likod niya.

Niyakap ko siya. Nawala ang ngiti ko nung winisikan niya ako ng tubig sa mukha ko. Inis kong minulat ang mukha ko at nakita kong natatawa siya. Binasa ko ang mga daliri ko sa tubig at winisikan rin siya.

Binitawan ko na siya kaya nakatayo na siya. Nilahad niya ang kamay niya pero binaling ko ang atensiyon ko sa dagat. Alam kong nailang siya duon pero hindi ko pinahalatang natatawa ako.

Kinalabit niya ang balikat ko pero hindi ko pinansin. Narinig ko siyang suminghal kaya kinutuban ko siya. Napansin ko nalang siya nung hinalikan niya ako sa labi.

Hinawakan niya ang manggas ko at tinayo ako. Naramdaman ko ang kamay niya papunta sa likod ng legs ko. Binuhat niya ako kaya kumalas ako sa halikan namin.

"Ano ba? Ibaba mo nga ako!" Complain ko kaya tumawa siya at hinalikan ulit ako. Saglit lang ang halik kaya ngumiti ako. Nag-umpisa siyang maglakad at sigurado akong ipapasok na ako nito sa bahay.

Sumimangot nalang ako dahil ayaw ko pang pumasok at gusto kong tumambay pa dito sa labas. Wala na akong magagawa dahil napansin kong nasa loob na kami. Nilapag niya ako sa sofa at pumasok siya sa kusina.

Ito ako ngayon. Naka-sibangot habang naka-tingin sa wala. Humiga nalang ako at pumikit. I crossed my arms and tried to sleep.

Nung malapit na ako sa Dream Land ko biglang may humalik saakin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si James. Kumalas siya sa kiss at nag-indian sit sa lapag.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at umupo sa tabi niya. Tumingin ako sa coffee table at napansing naka-handa na ang pagkain namin. Kinurot ko ang pisngi niya bago kumain.

~Time Skip~

Matapos kong kumain ay tumayo ako at umakyat ng kwarto. Kumuha ako ng isa pang makapal na jacket. Sinuot ko iyon bago lumabas. Naabutan ko si James na nakatingin saakin.

Parang tinatanong niya kung saan ako pupunta kaya tumaro ako sa labas. Inakbayan niya ako kaya nag-umpisa na akong maglakad.

Nung makarating kami sa labas ay dumeretso ako sa tabing dagat. Ang warm ng feels. Naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap saakin ni James. Hinarap ko siya at namumutla ang labi niya.

Inalis ko ang kamay niya saakin ay tinanggal ko ang jacket ko at pinatong sa balikat niya. Pinasok ko ang kamay ko sa likod ng jacket niya kaya mukhang magkayakap kami.

Niyakap niya ako pabalik. He smashed his lips onto mine. Natagalan ang kiss namin. Nung kumalas kami sa kiss ay pinatong niya ang noo niya sa noo ko. I giggled a little seeing him so happy.

~FLASHBACK~ (A/J: Ipu-push ko talaga 'tong mga flashback! Pagbigyan niyo na! Minsan nalang bumait ehh! Chos. >-<)

Kasama ko ngayon si Kuya Rob dito sa field nitong school. Sa sulok ng mata ko may nakita akong isang lalaki. Mukhang mag-isa siya dahil malungkot siyang nakain.

Bumitaw ako sa hawak saakin ni Kuya Rob at tumakbo ako dun papalapit sa lalaki.

"Hi! Ako nga pala si Raq! Anong name mo?" Masigla kong bati kaya napatingin saakin yung lalaki at ngumiti ng masaya.

"Mes!" Sabi niya at nag-shake hands kami. Umupo ako sa tapat niya kaya lalong lumaki ang ngiti niya.

"Bakit ka nga pala mag-isa kanina?" Tanong ko

"Kasi bago lang ako dito at walang may gustong makipag-kaibigan saakin!" Malungkot niyang kwento kaya tumango ako. Tumayo na ako sa kina-uupuan ko at nilahad ang kamay ko.

Pinasok niya sa lunch box niya ang kinakain niya bago humawak sa kamay ko. Sinamahaan ko siya sa nilalagyan namin ng bag nila Kuya Rob at pinalapag ang bag niya doon.

Nag-pahinga siya ng sandali sa tabi ng puno. Pagkatapos niyang magpahinga ay tumayo ulit siya. Tumakbo kami at naglaro. Napahinto lang kami sa pag-lalaro nung madapa ako.

Minulat ko ang mata ko nakita ko siya sa taas ko. Pinatong niya ang ulo niya sa ulo ko bago tumawa. Tumawa rin ako dahil sa katangahan ko.

~END OF FLASHBACK~

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon