Chapter 34: 'The War'. Who will win "her" heart?

14 1 0
                                        

No one's POV

Matapos na madatnan ng magkaibigan na sina Raquel at Jaden ang kani-kanilang kasintahan na sina James at Grace ay nagkaroon na ng away.

Kaibigan laban sa Kaibigan. Pinag-aawayan nila ang iisang Babae. Sa kabilang dako habang masama na ang titigan nung magkaibigang lalaki ay nanduon ang 19 years old na dalaga na buntis ay biglang kumikirot ang tiyan.

Mabilis na kumapit ang buntis sa manggas ng kaniyang Asawa. Bumitaw ang buntis sa pagkakahawak niya sa kamay nung Binata at kumapit na sa kaniyang Asawa.

Binuhat naman kaagad siya ng kaniyang Asawa at dinala siya sa opisina ng pagamutan nila. Nung maihiga ang buntis ay umalis ang kaniyang Asawa at binalikan ang Binata.

Dito na magsisimula ang laban nila. Ang premyo ng mananalo ay ang puso at pag-ibig ng buntis.

Hinawakan agad ng Asawa nung Buntis ang kwelyo ng Binata. Hinila nito ang kwelyo ng Binata hanggang sa onti nalang ang agwat ng mukha nila.

"Saaakin lang siya! Alam mo ba 'yun?!" Pasigaw na tanong nung Asawa. Ngumisi nalang ang Binata bago ilayo ang mukha nung Asawa sa kaniya.

"Bakit? Minahal mo ba siya? Hindi naman, di 'ba?" Pambabara nung Binata kaya sinapak siya kaagad nung Asawa. Hinawakan lang ng Binata ang ilalim ng kaniyang labi dahil ramdam nito ang dugo na natulo.

Humugot ng lakas ang Binata at sinipa ang Asawa nun Buntis. Bumagsak naman ang Asawa habang namimilipit ang tiyan. Masiyadong malakas ang pagkaka-sipa sa kaniya ng Binata.

Kumuha ng tulong ang Asawa sa pagtayo gamit ang lupa. Ngunit nung pabangon na siya ay sinipa muli siya ng Binata. Namaga kaagad ang mukha nung Asawa dahil sa malakas na sipa ng Binata sa kaniya.

Hindi na nag-abalang bumangon ang Asawa at hinigit nalang ang paa nung Binata. Bumagsak kaagad ang Binata sa lupa kaya nagkaroon ng oras ang Asawa para makabawi. Pumatong siya sa Binata at tinadtad ito ng suntok.

Nung maka-sampung suntok na ang Asawa ay nilayuan na niya ang Binata. Ika-Ika ito nung tumayo. Sa palagay ng Asawa ay tapos na ang laban ngunit duon siya nagkamali.

Bumangon ang duguang Binata at tinulak ang Asawa. Nug bumagsak ang Asawa ay agad niyang ipinatong ang kaniyang paa sa tiyan nito. Wala ng nagawang iba ang Asawa kundi hawakan ang paa ng Binata at baliin iyon.

To Be Continued.......

~~~~~~~~
Hanggang diyan nalang muna!
Para may thrill! Atsaka!
Baka sa Birthday ko nalang ako babawi!
Hehe! Pis yow!
Atsaka...
Marami na akong sinusulat na mga stories!
'Di ba joicey_joice at CyLeheavenlydayne 😅😅😅

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon