Chapter 31: Embarassed

12 0 0
                                    

James' POV

Nagulat ako nung biglang pumasok si Jamskie dito sa classroom. Hindi na nahiya kay Sir Alvin. Inabutan niya ako ng black card at dire-diretsong lumabas ng classroom.

Haysst! Regalo ko 'to sa kaniya ehh! Bakit niya isinaule? Letse talaga 'tong Batang 'to! Masasapak ko 'to ehh!😒

Nagulat nanaman ako dahil bigla kong nakita si Sir Alvin sa harap ko. Naka-ngiti siyang nakakaloko.

Haysst! Aasarin pa ako nito ni Sir Alvin! Malalagot talaga saakin 'to si Jamskie! 😒

"Girlfriend mo 'yun?" Nakangiting tanong ni Sir. Umiling agad ako kaya nag-umpisa na siyang kantiyawan ako. Tumingin ako sa paligid at naka-ngisi ang lahat. Yung iba ay vine-videohan na pala ako.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Nakaka-inis talaga pero nakakahiya din. Naramdaman kong may humawak sa wrist ko. Pinaghiwalay nito ang kamay kong magkasama at bumulaga saakin ang mukha ni Sir Alvin

"Bakit ka naiyak?" Nag-aalala niyang tanong. Umiling ako bago umayos ng upo. Tumango nalang siya bago bumalik sa harap at nagpatuloy sa pag-discuss.

Letseng Math Teacher 'to 😒

~Time Skip~

Nandito ako ngayon sa Dorm ni Raquel. Natutulog siya kaya naka-upo lang ako dito sa may paanan niya dahil ayaw ko siyang gisingin. Ginapang ko ang kamay ko papunta sa kamay niya.

I intertwined my fingers with hers. Ang kaliwa kong kamay ay nilapag ko sa tiyan niya. Hinaplos ko ang tiyan niya. Medyo nalaki na ang tiyan niya. Hindi na siya yung dati'ng sexy.

Pero kahit ganun mamahalin ko parin siya. Hindi naman kasi sa figure ng tao ako nai-inlove ehh. Ang mahalaga ay ang ugali. Habang busy ako sa pag haplos sa tiyan ni Raquel ay hindi ko namalayan na gising na pala siya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa tiyan niya.

"James! Sorry kung iba na ako ngayon ahh! Hindi ko kasi in-expect na magkaka-ganto ako! Sana mapatawad mo ako!" Sabi ni Raquel kaya inangat ko ang tingin ko at tinignan ko siya sa mata.

Nginitian ko siya na ipinag-taka niya.

"Wala akong pake sa figure mo! Basta't hanggang may feelings ako sa'yo! Mamahalin parin kita ng lubos!" Sabi ko kaya napa-ngiti siya. Napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya.

Ginapang ko ang kaliwa kong kamay papunta sa pisngi niya. Lalo siyang namula sa ginawa ko.

"May problema kaba sa dugo? Pulang-Pula na mukha mo ehh!" Kumento ko kaya hinampas niya ang kamay ko. Tumawa nalang ako sabay peace sign sa kaniya.

Pikunin talaga ang Asawa ko! No matter! Mahal ko naman siya ehh! Haha! Baliw man sa iyong paningin... Wala na akong magagawa! Baliw na talaga ako! Baliw na Baliw kay Raquel! Yiee! Kinilig siguro si Raquel kung sinabi ko yun ng malakas! Hahaha!

"Hoy, Abnormal!" Tawag niya saakin kaya napa-tingin tuloy ako sa kaniya. (A/J: Boom Abno! 😂😂😂)

Isa pa talaga Author!

(A/J: Pagbigyan mo na ang bata! Minsan nalang nga magiging Bata ipag-kakait mo pa! 😂)

Ayy! Oo nga pala! Advance muna Author! Hindi ko sure kung makakapag-UD ka sa BDay mo ehh! 😉

(A/J: Ulul! Maga-Update ako dun! Promise ko 'yan! 😂)

Okay! Pero basta! Advance muna! Atsaka baka yung POV ibigay mo kila Randell/Rex! Alam ko namang crush mo sila ehh! Yiee! 😅

(A/J: Buti alam mo! Atsaka may nakalimutan kang isa! 😂)

Ayy! Oo nga pala! Crush mo rin pala ako! Haha! Ang tanga ko talaga! 😂

(A/J: Buti alam mo! 😂)

"Abnormal! Nasisiraan kana ba ng bait! Hello?" Sambit ni Raquel habang nakaway sa harap ko.

"Hindi pa naman!" Sagot ko

"Buti naman at nag-salita kana!" Inip niyang sambit

"May problema kaba?" Tanong ko kaya umiling naman siya kaagad.

"Sasabihin ko lang sana na nag-bell na!" Pagkasabi niya nun ay hinalikan ko kaagad siya sa noo at nag-tatakbo pabalik ng classroom.

Sinalubong naman ako kaagad ng nag-tuturo na si Sir Aziyu. Sinenyasan niya ako na umupo na sa upuan ko. Sumunod naman agad ako at nag lakad papunta sa pwesto ko.

Nag-umpisa na siyang mag-discuss. Makikinig na sana ako kaso bigla akong kinalabit ng naka-upo sa likod ko. Guess who?. Si Jaden. May problema 'to saakin ehh.

Dahil naawa ako ay hinarap ko na siya. Tinitigan ko lang siya ng blanko.

"Alam ko ang ginawa mo. Pero hindi mo alam ang ginawa ko." Nakangisi niyang bulong bago kumopya sa mga pinapasulat ni Sir Aziyu. Umayos nalang ako ng upo at nilabas ang notebook ko.

Nag-sinula na akong kumopya.

~Time Skip~

Nandito na ako ngayon sa Dorm ko. Masiyadong sumakit ang ulo ko dahil kanina. Hindi ko malimutan ang sinabi saakin ni Jaden. Ako kaya ang ginawa niya na hindi ko alam.

Tsk. Baka wala namang connect ang hula ko. Sana nga wala. Wala naman talaga diba. Aishh. Ang laki tuloy ng problema ko. Ano ba kasi ang nangyari. Ang sakit-sakit na ng ulo ko.

Pakiramdam ko onti nalang sasabog na utak ko. Patuloy lang ako sa pag-iisip. Napahinto nalang ako nung biglang bumukas ang pinto. Tinignan ko kung sino at si Jamskie lang pala.

Humiga nalang ulit ako at binalewala na siya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Kuya! Bumangon ka nga! Para kang tanga ehh!" Pagdidiin niya kaya ngumis ako at pumikit.

"Ako parang tanga ikaw tanga na talaga!" Sabi ko kaya hinampas niya ang noo ko. Hinaplos ko naman ang noo ko dahil sa lakas ng pagkakahampas niya. Bumangon na ako at nakita ko ang iritado niyang mukha.

"Problema mo ba, huh?" Inis kong tanong habang nakahawak parin sa noo ko na namumula ata.

"Kanina kapa kaya hinahanap ni Ate Raq! Puntahan mo nga siya!" Utos niya kaya binatukan ko siya bago tumayo mula sa kama. Sinamaan niya ako ng tingin pero binalewala ko nalang at tumakbo na ako papuntang Dorm ni Raquel.

Pagkapasok ko sa loob ng Dorm ay nakita ko si Raquel na nakapikit nanaman nakakadala na 'to ehh. Palagi nalang kapag kailangan kong pumunta or kung pupuntahan ko 'to lagi nalang nakapikit.

Ano ba 'to nagpa-practice para incase na iwanan niya ako, Joke lang 'yun sana hindi magka-totoo.

"Bakit?" Direkta kong tanong pagka-upo ko sa paanan niya.

"Bakit mo kinausap si Jaden?" Tanong niya habang naka-pikit parin. Hindi ko na siya sinagot bagkos iniwanan ko nalang siya. Dumeretso nalang ako sa Dorm.

Humilata ako sa kama at natulog na.

~~~~~~~
Hahaha!
At dahil hindi ako na-Author's Block ng Mahabang Panahon.
Ito na...
Another UD. 😘😘😘

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon