Chapter 33: WTF James ???

14 1 0
                                    

James' POV

Paglamulat ko palang ng mata ko ay bumangon kaagad ako. Kinuha ko lang ang mga susuotin ko para sa ngayon pati narin ang tuwalya ko. Dumire-Diretso na ako papuntang banyo.

~Time Skip~

Matapos akong kumain ay pumunta na kaagad ako sa classroom. Kakabukas ko palang ng kaunte sa pinto ay nagsi-tinginan na kaagad ang mga kaklase ko sa gawi ko.

"WELCOME BACK, JAMES!" Bati nila ng malakas kaya napatakip ako ng tenga. Tsk! Mga living microphone!. Binuksan ko na ito ng tuluyan at nakita ko si Rain na mag-tuturo palang.

Tumango siya saakin kaya pumasok na ako sa loob. Umupo ako sa pagitan ni Raquel at Jaden. Nilapag ko na ang bag ko sa likod ko at nilabas kaagad ang English notebook ko.

Narinig ko ang pag-sitsit saakin ni Raquel pero hindi ko siya pinansin. Yumuko nalang ako para hindi ko talaga siya makita ng maayos. Tanging kamay niya lang ang nakikita ko.

Binalewala ko nalang at nag-umpisa ng makinig kay Rain. Naramdaman ko ang pag-tapik saakin ng isang tao. Medyo magaan ang kamay at galing sa likod ko.

Sigurado na akong si Grace 'yun kaya lumingon agad ako.

"Magkaaway kayo ni Raq?" Pabulong na tanong ni Grace. Tumango ako bago siya nginitian ng malungkot. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Aww. Wawa naman, Fafa Mes, ko." Bulong niya kaya tumawa ako ng napaka hina bago alisin ang kamay niya at humarap ulit sa whiteboard.

Nagpapa-lecture na pala si Rain. Bakit hindi ako na-inform. Nakalahati na ang whiteboard wala pa akong nasusulat sa notebook ko. Ano ba'yan. Nilabas ko na ang ballpen ko at inalis ang takip bago mag-umpisang kumopya.

~Time Skip~

Sa wakas. Break time na. Sana naman ay hindi na kami magkita ni Raquel at Jaden dahil ewan ko na kung ano ang magagawa ko kung makasalubong ko ang isa sa kanila.

Kasalukuyan akong nandito sa likod ng building kasama si Grace. Oo, inagaw ko si Grace kay Jaden. Ang bait ko di 'ba. Atsaka nabawi lang naman ako. Masiyado talaga akong nasaktan dun sa dalawa. Ang saklap masiyado.

Kasal na kami pero nagawa niya 'yun. Sana pala si Author nalang ang pinakasalan ko.

(A/J: Haneuba, James!? Kenekeleg eke! Pero... May Boyfriend na ako! Late kana! Wahahahahaha! 😂😂😂)

Letse! FC ka nanaman ahh! 😒

(A/J: Dinadamay mo kasi ako! 😑)

Back to reality na nga lang.

Ayun nga as I said. Kasama ko si Grace. Naka-upo kami dito sa tabi ng puno kung saan kami naabutan ni Raquel noon.

HHWS. Ang init ng kamay ni Grace. Pero mas gusto ko ang malamig na kamay ni Raquel. Urghh. Bakit ko ba siya iniisip?. Ganun ba kalakas ang epekto niya saakin?.

Naramdaman ko ang paglapag ni Grace ng ulo niya sa balikat ko. Hinawakan ko naman agad iyon at hinaplos ang pisngi niya.

Masaya palang kasama si Grace! Bakit ngayon ko lang na-realize? Pero... Ang galing! Tahimik siya! Kung wala lang kami ni Raquel pinag-palit ko na siya! Joke! Mahal ko 'yung Abnormal na 'yun kahit ilang beses niya pa ako saktan ng ganito! 😞😞😞

Raquel's POV

Pagka-ring ng bell ay lumabas agad si Sir Arvie. Siya ang substitute ni Sir Henry sa ngayon. Ewan ko ba kung bakit absent si Sir Henry.

Anyways, tatayo palang ako at aayain si James ay nagulat na agad ako. Nauna na siyang tumayo saakin at hinawakan niya kaagad ang wrist ni Grace. Hinila niya iyon palabas.

Halos lahat ata ng kaklase naming may ginagawa ay napahinto dahil sa gulat. Nag-umpisa naring mag-bulungan ang mga kaklase namin. Naiiyak na ako pero pinigilan ko lang ang luha ko.

Naramdaman ko ang pag-lapag ng kamay ng isang tao sa braso ko. Medyo malaki ang kamay kaya sigurado akong si Jaden iyon.

"Tara!" Pag-aaya niya kaya tumango ako bago tumayo. Inakbayan niya ako at sabay kaming lumabas ng classroom. Nang makalabas kami ay niyakap ko siya kaagad at umiyak.

Hinaplos niya ang buhok ko at pilit na pinapatahan pero patuloy parin ang daloy ng luha sa pisngi ko.

"Tahan na. Nandito naman ako ehh. Hindi kita iiwanan." Pag-papatahan niya saakin pero hindi ako tumigil sa pag-iyak. Niyakap niya ako sa tagiliran at inalalayang mag-lakad.

Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon dahil hindi parin ako natigil sa pag-iyak ko. Kumalas siya sa yakapnung huminto kami. Napa-hinto rin ako sa pag-iyak.

Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang luha ko. Tinignan ko siya at naka-ngiti siya habang pinupunasan ang luha ko. Nung matapos siyang punasan ang luha ko ay tinignan niya ako sa mata.

Bakas sa mata niya ay saya at pag-aalala. Kumalas na ako sa yakap at hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko namang nilayo ang kamay ko sa kamay niya.

"Ayaw ko! Baka kapag naabutan pa tayo ni James ay magalit pa siya saakin lalo!" Nakayuko kong sabi. Huminga siya ng malalim bago haplusin ang buhok ko.

"Sa wrist? Pwede?" Tanong niya. Tumango nalang ako bilang sagot. Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako papunta nanaman sa ibang lugar. Tanging lapag lang ang nakikita ko dahil hindi ko parin inaangat ang ulo ko.

Huminto kami sa ma-damong lugar. Likod ata 'to ng building namin. Paano ko nalaman? Dito kasi namin nadatnan ni Jamskie si James na kasama si Grace noong Intrams.

Nung iaangat ko na ang ulo ko ay bigla namang tinakpan ni Jaden ang mata ko. Anong trip nito?.

"Anong trip mo?" Pagka-tanong ko nun ay natanggal ko kaagad ang nakaharang niyang kamay sa mata ko. Right on my spot parang na-froze ako. Hindi ako makagalaw.

Si James at Grace magkasama. Sa ilalim pa ng puno.

Hinawakan ni Jaden yung kamay ko nung dumilat si James. Bakas sa mukha ni James ang selos. Tinignan ko nalang si James ng masama. Binitawan ni James ang kamay ni Grace at tumayo.

Nung papalapit na saamin si James ay humigpit ang hawak ni Jaden sa kamay ko.

Isang malaking gulo nanaman ito! 😣😣😣

~~~~~~~~~
#NapaagaUDNiAuthorJam
Wahahahaha! Did you guys miss me?
Chos lang yun. Hahaha.
Share ko lang.
May SUGAT si Author.
Ito kasi ang napapala ng mga nagmamahal.
Pupuntahan si BF/Crush/GF tapos kakausapin mo ng matagal
Tapos maya-maya tatnungin mo kung anong oras na tapos malalaman mo onting time nalang papunta na ang teacher niyo sa room niyo.
Kaya ito ka tatakbo ka tapos madadapa.
Hahaha.
#GulpiKatawanNiAuthor 😂😂😂

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon