James' POV
Hininto ko na ang kotse. Tumingin ako sa gilid at napansing tulog si Raquel. Tumagilid ako at tinapik ang pisngi niya. Hindi siya nagising. Ano kaya ang pwedeng gawin para magising siya?.
Ay naisip akong isang idea. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya. Biglang dumilat ang mata niya kaya kumalas agad ako. Tinititigan niya lang ako ng blanko.
"Stop over muna! Nagutom ako ehh!" Sabi ko kaya tumango siya at bumaba. Bumaba narin ako at sinarado ang pinto. Ganun din ang ginawa niya bago lumapit saakin.
Inakbayan ko siya bago kami pumasok sa 7Eleven. Nagkahiwalay kami ng landas dahil dumeretso siya sa mga chocolates. Pumunta kasi ako sa mga inumin.
Kumuha ako ng redbull at mga sitsiriya (A/J: Don't mind the spelling. Ayan kasi ang naaalala kong spelling ehh.). Bumalik ako kung saan ko iniwan si Raquel.
May hawak lang siyang isang candy bar.
"Ayan lang?" Tanong ko kaya tumango siya. Tumingin ako sa baba at kumuha pa ng isang candy bar.
"Dalawahin mo na! Kilala kita!" Sabi ko kaya natawa siya bago kuhanin yung hawak ko. Pumunta na kami sa cashier. Nilapag namin ang binili namin.
Nag-wonder off muna siya habang nag-babayad ako. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha yung fee. Binalot na nung Babae ang binili ko at ito ang malala, with matching beautiful eyes pa.
Natatawa ako pero nginitian ko lang siya para hindi siya mahiya pero malala talaga ehh. Landi ehh. Inabot na niya saakin yung paperbag ng mga binili ko.
Kinuha ko kaagad yun at agad ring hinanap ang kasama kong nang-iwan saakin. Nakita ko siya sa may labas na. Napakamot ako ng batok bago siya puntahan.
Niyakap ko siya sa bewang kaya napatingin siya saakin. Kinuha niya kaagad yung paperbag mula sa kamay ko. Habang nag-lalakad akay-akay ko siya.
Siyempre ang atensiyon niya nandun sa paperbag ehh. Nung marating na namin ang pinto niya ay binuksan ko na iyon at pinasok siya sa loob ng kotse.
Sinara ko ang pinto at pumunta dun sa side ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob. Pagkasara ko ay gumilid ako at sinuotan ng seatbelt ang katabi ko.
Dinukot ko ang redbull sa paperbag bago isuot ang seatbelt ko. Binuksan ko ang redbull at uminom. Nabawasan ng kaunti ang antok ko kaya isinantabi ko muna yung maliit na bote.
In-start ko na ang kotse at nag-umpisa naring mag drive. Nagulat ko nung may naramdaman akong matigas sa gilid ng labi ko. Sinulyapan ko ng sandali at yung chocolate bar lang pala ng Asawa ko.
Kinagatan ko ng konti bago niya bawiin. Naka-lock parin ang mata ko sa labas kaya wala akong masiyadong mapansin sa tabi ko. Kinapa ko ang redbull sa gilid at binuksan gamit ang isang kamay.
Nilagok ko ng Nilagok hanggang sa maubos ko na. Binalik ko kung saan ko nadukot iyon at binalik ang kamay na ginamit ko duon sa manibela.
~Time Skip~
Pi-nark ko na yung kotse at inalis ang seatbelt ko. Bumaba na ako at sinara ang pinto. Nag-lakad ako papunta sa back seat. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang mga bag. Tatlong bag ang buhat ko habang isa kay Raquel.
Sinara ko na ang pinto at pumunta na din sa side ni Raquel. Inalis ko ang seatbelt niya at inuga ko siya. Hindi nanaman tumalab kaya hinalikan ko siya.
Ang tamis nung lasa ng labi niya kasi kumain siya ng chocolate. Bigla siyang dumilat kaya kumalas rin kaagad ako. Ginapang ko ang kamay ko sa likod ng legs niya at binuhat ko siya palabas.
Sinara ko ang pinto ng kotse gamit yung paa ko. Binaba ko na siya at inakbayan. Yumakap naman siya sa bewang ko. Nag-umpisa na kami maglakad papasok ng campus.
Marami pang estudyante sa campus dahil siguro masiyado pang maaga para sa third class. Wala pa ata ang second class nila kaya sila nandito sa campus.
Nagumpisa na ulit kaming maglakad papuntang Dorm.
~Time Skip~
Nandito na ako ngayon sa field. May katabi akong bagong estudyante. Ang angas 'noh? Kung kelan malapit ng matapos ang semester atsaka lang pumasok.
Oo nga pala, Si Sir Aziyu ang teacher namin ngayon. Wala nga pala kaming court dahil nga maliit lang ang school. Pero ang nakakapagtaka ay may field kami.
Weird right?. Anyways. Si Rex na ang up para sa track and field. Partner niya pa si Jaden at yung bagong estudyante. Pero nasa opposite team si Lyndell. Hindi ko kilala yung other two kaya tahimik ako.
Nag-umpisa na ang running. Track and Field. Field lang meron kasi walang track. Hahahaha. I cameback to my senses when someone peck me on the cheeks
Hinarap ko iyon at nakita ko si Grace. Buti nalang at walang pasok si Raquel kapag lunes dahil kung meron baka napatay niya natong si Grace. Umurong ako ng konti palayo kay Grace.
Tumingin ulit ako sa mga natakbo at napansin kong parang na-injure si Jaden. Paano ko naisip yun? Nakahiga siya sa lapag habang nakahawak sa tuhod niya. Tumayo ako at tumakbo papunta dun.
Inalis ko ang kamay ni Jaden na nakaharang sa tuhod niya. May gasgas ito at medyo madugo. Tinignan ko siya at parang nasasaktan siya. Pero parang hindi dahil sa sugat.
Iba ehh. Hindi ko alam kung ano. Tinulak niya ako at tinulungan siyang tumayo nung bagong estudyante. Mabilis na kumapit si Jaden sa balikat nung baguhan at naglakad na sila paalis.
Tumingin ulit ako sa lapag at may dugo na dito. Tumayo na ako sa pagkakaluhod ko at tumakbo ako papuntang Dorm ni Raquel. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakasandal ang likod sa unan at parang earphone sa tiyan niya.
Lumapit ako sa maniya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko yung parang earphone at tinapat sa tenga ko. Lullaby. Kantang pam-Baby. Kinuha ko ang phone niya at pi-nause na ang pagka-play ng music.
I run my fingers through her hair. Pagkatapos nun ay hinawakan ko ang pisngi niya. I caressed her cheeks. I tucked her her behind her ear.
"Ang mukhang 'yan. Hindi ko kayang pagtaksilan. Hindi ko kayang saktan ang Babae'ng ito. Imposibleng saktan ko siya na gusto ko. Pero posibleng saktan ko siya ng pilit." Pabulong kong sabi at sigurado akong ako lang ang naka-rinig.
"Hindi mo pala ako mahal ng tulad ng sinabi mo noon." Nagulat ako nung marinig kong magsalita siya. Minulat niya ang mata niya at tumingin saakin ng blanko.
"Baby! Hindi ko sinasadya ang nangyari! Promise! Maniwala ka saakin! Magtiwala ka sa mga sinasabi ko sa'yo!" Paghingi ko ng tawad habang nahawak sa kamay niya.
"Anong kalokohan ang ginawa mo habang nandito ako?" Blanko niyang tanong kaya niyakap ko siya. Nilapag ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Hinalikan ako ni Grace! Sa pisngi lang 'yun! Wala akong alam! Busy ako sa panonood kila Jaden! Promise!" Naiiyak kong sabi. Gusto ko ng umiyak para mapatawad niya ako kaagd pero pinipigilan ko.
"I forgive you!" Medyo nayayamot niyang sabi kaya inangat ko ang ulo ko at pinagdikit ko ang noo namin.
"Thanks for forgiving me!" Sabi ko
"Pero yung una mong sinabi! Malay ko nalang!" Sabi niya kaya hinalikan ko siya sa labi.
"Won't argue with that! It's your decision by the way!" Sabi ko kaya pinatong niya ang braso niya sa batok ko. Hinalikan niya ako bago ako bitawan.
"Sixth subject na!" Sabi niya kaya tumango ako kaya biglang uminit ang noo ko. Humiwalay na ako sa kaniya at lumabas na ng Dorm.
![](https://img.wattpad.com/cover/112881495-288-k26596.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]
Teen FictionThey started with a fight.... Then it turned out that they were Destined to be Together.... But now.... How can they survive living together?.... Imagine this.... A 19 year old and a 24 year old living together. None of them graduated College.... Wo...