Author's Note and Prolouge

153 3 0
                                    

Hey guys! This is me!

Yung napaka-kulit at Baliw niyong Author Jam-Jam! 😝.

Okay so...

Book 2 po ito ng I Fell For My Best Friend.

Guys make sure na nabasa niyo na 'yung Book 1 bago ito basahin.

P.S. Nagka-Book 2 ako ng konti lang ang bumabasa ng Book 1. 😅

Here it goes.

Prolouge

Raquel's POV

Ito na 'yun. Ito na talaga 'yun. Dito na talaga ako titira. Wala ng turning back. Dito na ako. Basta kasama si James pwede na. Woo. No turning back now, Raquel.

Kasalukuyan akong nanonood ng mga alon sa dagat. Beach house kasi itong secret house ni James. Pinag-lalaruan ko lang ang white sand habang nanonood.

Gusto ko sanang maligo sa dagat kaso da-dalawa lang ata damit ko. Siyempre hindi kami ready ni James nung tumakas kami para lang tumira dito.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Pumasok ako sa bahay na tinitirhan ko ngayon. Nakita ko si James na nag-aayos dahil medyo magulo ang bahay.

"Oh? Akala ko ba nag-iisip ka?" Tanong niya habang inaayos ang sofa. Maliit lang naman 'yung sofa, pang-dalawa o tatlong tao lang naman.

"Hmm. Gusto kong mag-swimming kaso onti lang damit ko dito." Malungkot kong saad kaya narinig ko ang chuckle niya. Nilapitan niya ako at inakbayan.

"Who told you na onti lang ang damit mo dito?" Tanong niya kaya umangat ang tingin ko papunta sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang isang ngisi.

"Wala naman kasi akong dalang damit! 'Yung nasa likod naman ng kotse mo ay ta-tatlong damit ko!" Sagot ko

"Pfft! Do you really think that I don't have clothes for you?" Tanong niya kaya lalo akong nag-taka.

"Tch. You didn't know that I brought you clothes?" Tanong niya kaya nagulat ako.

"Nung unang araw palang na nangako ako sa'yo na dadalhin kita dito ay binilhan kita ng damit na naka-tago sa back seat!" Sagot niya sa tanong ko kahit hindi pa ako nagtatanong.

"I love you, James Tuazon." Naka-tulala kong sabi

"Tsk. I don't know anyone with the name of James Tuazon!" Naka-ngisi niyang sabi kaya napakamot ako ng batok.

"Sorry na, Baby! I love you too!" Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.

"Nasaan na 'yung mga damit ko?!" Iritado kong sabi. Hehe. Excited na akong mag-swimming.

"Kiss muna bago ko ibigay sa'yo!" Sabi niya kaya napakamot ako ng batok. Tsk! No matter! Asawa ko naman na siya ehh!. Ki-niss ko na siya at ready ng lumabas kaso hinila niya ako.

"Ano?" Tanong ko

"Bitin ehh! Isa pa!" Sabi niya kaya hindi na ako nag dalawang isip na halikan ulit siya. Mukha namang ok na 'yun sa kaniya kaya inakbayan niya ako at lumabas na kami papunta sa kotse niya.

Binuksan niya ang pinto ng back seat at nag-labas ng mala-maletang bag. Hinila niya iyon palabas ng back seat.

"Here it is!" Masaya niyang sabi habang pinapakita saakin ang mala-maletang bag na galing sa back seat.

"Thanks, Honey!" I squealed in excitement.

"Basta ikaw, Baby!" Sabi niya bago ako i-kiss.

"Swimming tayo? Gusto mo?" Tanong niya kaya pumalakpak ako sa tuwa bago tumango bilang sagot. Since gentleman na 'tong ugok kong Asawa ay siya na ang nag-dala ng maleta sa loob ng bahay.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon