They started with a fight....
Then it turned out that they were Destined to be Together....
But now....
How can they survive living together?....
Imagine this....
A 19 year old and a 24 year old living together. None of them graduated College....
Wo...
Minulat ko ang mata ko at tumingin agad ako sa side table. 3:43. Ang aga-aga ko namang magising. Bumango na ako at inayos ang side ko. Nung kukunin ko na ang cellphone ko biglang may humawak sa wrist ko.
"Saan ka pupunta?" Inaantok na tanong ni James kaya natawa ako ng konti. Tumuro ako sa labas kaya napa-dilat siya. Hindi niya parin ako binibitawan.
Sinuot niya ang tsinelas niya at hinila ako papalapit sa kaniya. Inakbayan niya ako at sinamahan akong lumabas. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Just in case lang! I won't risk you!" Sabi niya kaya tumango ako at tumingin sa dinadaanan namin. Pagkarating namin sa sala ay nakita ko si May sa labas.
Nginitian ko si James bago ito itulak papuntang kusina. Ni-lock ko ang pinto at lumabas ako ng bahay. Nilapitan agad ako ni May at tinapatan ng patalim sa leeg.
Napalunok naman ako. Pumikit ako as a sign na hindi na ako lalaban. Dahan-Dahan kong naramdaman ang pag-lubog ng patalim sa tagiliran ko.
Hindi ko alam kung paano o bakit pero bigla ko nalang siyang sinipa palayo saakin. Hinugot ko ang kutsilyo sa tagiliran ko.
Don't worry mga Anak ko! Mama's gonna save you! Sa isip ko bago ko lapitan si May at saksakin sa dibdib. Halatang nalagutan siya ng hininga dahil hindi na siya naka-laban pa.
Humawak ako sa tagiliran ko at pumasok sa loob ng bahay. Tumakbo ako papuntang pinto ng kusina at binuksan iyon.
"Ano ba?! Bakit m..." Naputol ang sasabihin ni James nung makita niyang nadugo ang tagiliran ko. Hindi siya nag-dalawang isip na buhatin ako at itakbo sa kotse.
~Time Skip~
Minulat ko ang mata ko at medyo hindi na mahapdi ang tagiliran ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si James na natutulog. Hinaplos ko ang pisngi niya kay biglang napa-angat ang ulo niya.
Tumingin siya saakin laya nag-tama ang tingin namin. Pinunasan ko ang luha niya kaya niyakap niya ako.
"A-Aray!" Sabi ko kaya napabitaw siya saakin. Inangat ko ang onting tela sa tagiliran ko at napansin kong may benda na nakapalupot sa tiyan ko.
"Sabi ko sakanila wag kaso kailangan daw!" Sagot ni James kaya tumango ako at binaba na ang tela.
"You'll be staying here!" Sabi niya kaya nanlaki ang dilat ng mata ko sa sobrang gulat. Tumawa naman siya bago i-kiss ang ilong ko.
"Joke lang! Bukas ka lalabas dito!" Sabi niya kaya tumango ako. Tinapik ko ang balikat niya kahit nasaakin ang atensiyon niya. Naintindihan niya naman ata ang gusto kong sabihin kaya nag-labas siya ng isang picnic basket.
Binuksan ko ito at andaming pagkain sa loob. May ulam at kanin din kaya ayun ang una kong kinuha.
~Tommorow~
Nandito na ako ngayon sa bahay. Hindi ko kinaya dun sa hospital nabibitin ako sa pagkain ko. Kasalukuyan akong naka-upo dito sa sofa habang nilalantakan ang chocolate.
3 chocolate bars lang ako ngayong araw kasi naawa ako kay James mauubusan na ng laman credit card niya kakabili ng pagkain, lagi kasi akong gutom kaya ganun ang nangyayari.
Pero sure akong bumalik rin yung nagastos niya saakin dahil nagkaroon nanaman daw ng kita sa lugar niya kaya may pera siya. Ako naman mababa lang ang napupunta lagi sa credit card ko.
Ang dadaya kasi ng mga kapatid ko. Kapag may nag-babayad para sa lugar na kinuha nila dun sa village mababa lang ang nabibigay saakin pero bawi narin ako sa Quel Academy,Quel University,Quel High at Quel Elementary School. Kumpleto ang mga school para saakin kaya wag kayo.
Medyo mababa ang tuition fee duon kaya maraming nag-aaral pero atleast may pera ako.
"Baby! Anong oras na gising kapa!" Saway ni James kaya napatingin ako sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang labi ko. Pinakita niya saakin ang daliri niya bago niya ito dilaan.
"Abnormal ka! Galing na sa labi ko tapos kakainin mo pa!" Inis kong sabi kaya hinawakan niya pisngi ko at hinalikan ako.
"Okay! Ilang beses ko na natikman labi mo kaya wala akong pake dahil galing naman sayo!" Sabi niya habang naka-ngiti. Nako pasalamat lang siya at mahal ko siya at gwapo siya.
Tinulak ko siya ng konti bago kumain ulit. Hinawakan niya ang wrist ko at hinila papalapit sa kaniya. Akala ko kung anong gagawin niya kaya pala kakagat lang sa chocolate.
"Aww! Oppa! It's mine!" Ngawa ko kaya kinagatan niya ulit yung chocolate bar. Sasampalin ko na to! Pigilan mo ko kung hindi sasampalin ko talaga to!
Aambahan ko na sana siya ng sampal kaso hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Tumingin nalang ako sa TV na nakapatay dahil sigurado akong aasarin ako nito.
Nakaramdam ako ng init sa magkabila kong braso. Tumingin ako sa gilid at nakita ko siyang nakayakap saakin. Problema nito?. Pumikit siya at ngumiti.
"James! Ano ba? Ang init-init ehh!" Sabi ko. Paano kasi tanghaling tapat mang-yayakap.
Naalala niyo yung sabi niya kanina na kung bakit gising pa ako. Kahapon kasi nagising ako ng 2:00 ng madaling araw. Tapos hanggang ngayon hindi pa ako ulit natutulog.
"Pag-bigyan mo na ako! Minsan lang naman ehh!" Sabi niya kaya hinampas ko ulo niya.
"Minsan lang? Ehh nung isang araw pa tayo magkayap ahh!" Saway ko kaya nag-pout siya bago bumitaw saakin. Natawa naman ako. Kahit kelan talaga to. Isip bata.
Napansin niya iyon kaya tumingin siya saakin still with a pouty face. Kinurot ko ang pisngi niya dahil nanggigigil na ako.
"Ang cute-cute talaga ng Asawa ko!" Puri ko kaya natawa rin siya bago hawakan ang kamay ko na nakapatong sa pisngi niya.
"Ako ata ang pinag-lilihian mo, Baby!" Sabi niya
"Malamang! Ikaw lang kaya kasama ko! Sino pa sa tingin mo ang pinag-lilihian ko?" Tawa ko kaya ki-niss niya ang labi ko.
"Sabi ko nga ako lang ehh!" Sabi niya tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kaniya.
"Tara na! Tulog na tayo!" Sabi ko kaya tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Umakyat kami ng kwarto.
Sabay kaming humiga sa kama at yumakap ako sa kaniya. Before I knew it naka-tulog ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.