Chapter 38: A Sick 19 Year Old

13 1 0
                                    

James' POV

Pagkamulat ng mata ko ay kaagad kong hinanap si Raquel. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang stable na. Kagabi kasi nagwawala siya ehh. Parang takot na takot talaga siya. 'Yung tipong parang may papatay sa kaniya sa mga oras na 'yon. Ewan ko ba, basta ang alam ko umiyak ako nung mga oras na 'yon. Nakakabakla man pero totoo.

Ayaw na Ayaw kong nakikita si Raquel na ganun, nasasaktan din ako 'noh. Hindi ako manhid katulad ni Jamskie. Oo, manhid 'yung ugok na 'yun, hindi lang talaga magalata sa ugali at attitude na pinapakita niya. Malakas tama nun pero deep down insid kapag marami ng nag-sabi sa kaniyang may gusto sa kaniya si ganito, wala lang, tatawanan niya lang at hindi niya namamalayan na may nasasaktan na siyang iba.

Anyways, paano tayo napunta kay Jamskie, haysst.

"Uhmm... James." Nang makarinig ako ng may tumawag saakin ay hinarap ko kaagad iyon. Si Beverly. 'Yung nurse dito sa clinic 'wag bobo.

"Yeah?" Wala sa mood kong tanong.

"Uhmm... Sa palagay ko mas mabuti kung iuuwi mo muna si Raquel! I think she's not fine if she continues to go to school! Take this advice, you need to take care of her more! She needs care and attention!"

Pagkasabi niya noon ay umalis na siya kaagad. Hinawakan ko ang kamay ni Raquel at medyo nanlalamig ito.

"Raq!" Mahinhin kong tawag kaya nainulat niya ang kaniyang mga mata.

"We need to leave! Kaya mo naba?" Tanong ko kaya tumango siya ng kaunti. Inalalayan ko siyang umupo at tumayo na rin. Nakakapit siya sa bewang ko at ako naman ay inaalalayan lang siya.

~Fast Forward by EXO-Jamil17. Chos.😂😂😂~

Nang ma-park ko na ang kotse ko ay dali-dali kong pinatay ang makina at lumabas ng kotse. Pumunta ako sa trunk at nilabas ang dalawang maleta na dala-dala namin.

Hindi naman nangibang bansa pero may maleta! 'Yung totoo?. Matapos kong isipin 'yun ay bumalik ako dun sa may harap ng kotse. Tinulungan ko si Raquel sa paglabas niya ng kotse.

Tinalikuran ko siya kaya pumasan siya sa likod ko. Dahan-Dahan akong naglakad papasok ng bahay namin. Isinantabi ko ang mga gamit namin at inihiga siya sa sofa.

"Do you need or want anything, Baby?" Tanong ko. Umiling nalang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Dito ka lang sa tabi ko!" Nang-hihina niyang sabi kaya tumango ako at hinawakan ko ang noo niya. Sinapo ko iyon at lalo siyang uminit.

"Baby! Uhmm! Let me go muna! May gagawin lang ako!" Pagpapaalam ko pero mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sabi mo hindi mo 'ko iiwan!" Sabi niya

"Correction, Baby! Dito lang ako sa tabi mo!" Sabi ko

"Parehas lang 'yun!" Medyo naiinis niyang sabi

"Oops! Bawal 'yan, Baby!" Pag-pipigil ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at binitawan na ako.

Hinalikan ko siya sa noo bago ko siya iwanan sa sofa. Nagmadali ako papunta sa bathroom at kumuha ng panyo na basa. Malinis naman ang kinuha ko kaya pwede na. Tumakbo ako palabas ko ng banyo at dumeretso sa kusina. Lumapit ako sa lababo at kumuha ng palanggana. Nilagyan ko iyon ng tubig at hinawakan kung mainit ba o malamig o katamtaman lang ang tubig.

Nang masapo ko ito at atamtaman lang ang naramdaman kong temperatura ay lumabas na ako ng kusina at lumapit kay Raquel. Inayos ko ang upo niya at dinampian ng tubig ang hawak kong panyo. Inangat ko ang braso niya at pinunasan ito.

"Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Mahina niyang tanong kaya napatigil at at tinignan ko siya. Umiling ako bago ipagpatuloy ang aking ginagawa.

"Bakit nga? Dahil ba... Naaawa ka lang? Kaya ko naman ehh! Lagnat lang 'to!" Sa sobrang hina ng boses niya parang binulong niya na lang ang sinabi niya, pero kahit ganun narinig ko pa rin.

Binitawan ko ang hawak ko at umupo ako sa tapat ng ng tiyan niya. Hinawakan ko ang baba niya at dahan-dahang hinila ito papalapit saakin. Hinalikan ko siya ng buong pagmamahal. Pagka-kalas namin sa halik na smack lang ay tinignan ko siya sa mata.

"Ginagawa ko 'to kasi Mahal kita! Okay? 'Wag ka ng malikot at hayaan mo na akong mag-alaga sa'yo!" Nakangiti kong sabi. Ngumiti nalang siya pabalik bago umayos ng upo.

Bumalik na ako sa lapag at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

~Time Skip by EXO-Jamil17 😂😂😂~

Matapos kong bihisan at pakainin 'tong si Raquel ay inakay ko na siya papuntang kwarto namin. Nang maihiga ko siya sa kama ay inalis ko na ang t-shirt ko.

'Wag kang madumi utak! Maliligo lang ako! Talaga dito ako nag-aalis ng t-shirt!. Nilagay ko na sa madumihan ang damit ko at lumapit sa closet. Kinuha ko duon ang tuwalya ni Raquel at boxer and briefs ko.

Hehe! Quiet ka lang! Tuwalya lang talaga ni Raquel ang trip kong gamitin! Ang bango kasi at malinis! Hehehe!. Nag-lakad na ako papasok ng bathroom.

Raquel's POV (by: EXO-Jamil17 😂😂😂)

Iniwanan ako ni James dito sa kama. Hindi man lang saakin nag-paalam na maliligo siya. Bastos talaga 'yung lalake'ng 'yun. Inayos ko ang higa ko at nagtalukbong na ng kumot dahil nilalamig nanaman ako.

"HOY RAQUEL! KUNG NAG-BABALAK KANG MATULOG! 'WAG MONG ITULOY AT BAKA MAMATAY KANA!" Narinig kong sigaw ni James mula sa CR.

Lechugas talaga 'tong lalake'ng 'to! Hindi na nga nag-paalam, makapag-utos wagas! Patayin ko kaya 'to! Nakakainis! ( >:((  ).

"OO NA!!!" Pilit na sigaw ko pabalik.

Pinipilit ko nalang hindi matulog kahit inaantok na ako. Buntis na nga pinag-pupuyat pa. Letse talaga.

(A/J: Wewz? Tanghaling tapat tapos sasabihin mo pinagpupuyat! Epic!)

Umirap nalang ako sa boses na narinig ko. Pagilid-gilid ako dahil hindi ako mapakali dito. May lagnat ako, oo, pero kahit may lagnat ako marunong akong ma-bored.

Hindi tumagal ay dumating na si James na-topless. Not new for me dahil dati ko pa siya nakitang ganiyan. Pumikit ako kaya bigla siyang sumigaw.

"WAAAAAAGGGGG!!"

"Alam mo, James! Basag ka rin ehh! Pinaghintay mo ako ng matagal tapos ikaw pa may ganang manigaw!" Nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya ako.

Living With My Best Friend/Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon