1| Chapter 18: Game On

1.4K 59 2
                                    

"GO ASH! Go Ash!"

Kahit hindi namin mga kagrupo ay patuloy sa pagche-cheer sa Class A. Sa grupo namin, si Ash ang pangatlong lumaban. Nasa pangalawa at pangatlong station na ang naunang dalawa. Napagkasunduan kasi kanina bago magsimula ang laro na lalaki rin ang makakalaban ng mga lalaki, at ganun din sa babae.

Naglaban-laban sila sa loob ng ring. Mabibilis ang mga galaw nila. Ang ilan ay may mga sugat na sa gilid ng labi nila at ang iba ay may iniinda sa tagiliran. Pero nakakamangha dahil parang hindi sila nasasaktan at parang sanay na sanay na silang lumaban. Biglang tumunog ang orasan na ang ibig sabihin ay tapos na ang mga oras nila. Ngunit dahil hindi pa tapos ang nasa pangalawang station ay nagpahinga muna sila.

Sunod na umakyat sa ring ay si Zic. At kagaya ni Ash, magaling din siyang lumaban. Parang balewala lang siyang umiilag sabay suntok sa katunggali niya.

Ang sumunod naman ay si Tres. Suntok dito, sipa roon, at ilag lang ang ginawa niya. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari dahil ilang segundo lang ay nasa sahig na ang mga kalaban niya. Nagulat ako sa nakita ko. Gaano ba siya kalakas? Maya-maya pa ay unti-unti nang bumangon ang mga ito pero hindi na sila lumaban pa at nagpahinga na lang sila sa may tabi. Si Tres naman ay nakatayo lang doon habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa niya. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya.

Samantala, sina Zic at Ash naman ay nasa pangalawa at pangatlong station na. Sapol ang sa archery nila at walang palya ang sa blind spot. Si Ash ay nasa huling sub station na. Ngayon alam ko na kung bakit sila kabilang sa Class A.

Nang matapos na ang oras sa unang station ay sunod na umakyat si Perce. Hindi tulad ni Tres ay nakatayo lang si Perce habang pinagmamasdan ang tatlong naglalaban-laban. May isang lumapit sa kaniya at umilag lang siya sa suntok nito. Sinuntok niya ito pabalik at napaupo sa sahig ang lalaki. Kaya wala nang nangahas pang lumapit sa kaniya.

Sa kabilang banda ay pinagmasdan ko si Tres na ngayon ay nasa blind spot. Parang wala lang sa kaniya na ilagan ang mga lumilipad na bola kahit pa hindi niya ito nakikita. Ang archery naman niya kanina ay sapol din sa gitna. Pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa panghuling station.

Ang sumunod naman na umakyat sa ring ay si Flea. Hindi maipagkakaila na magaling din siyang nakipaglaban. Pero hindi naman nagpatalo si Taylor mula sa kabilang grupo. Malakas din si Taylor at maliliksi ang mga galaw niya.

Matapos ang labanan nina Taylor at Flea ay sumunod na si Yllor. At katulad kanina kina Taylor at Flea, maliliksi rin ang mga galaw niya. Parang ayaw niyang matalo dahil siya pa mismo ang sumusugod. Isa sa mga nakalaban ni Yllor ay si Cheska. Pero hindi nagpahuli si Cheska dahil mahusay rin siyang makipaglaban.

Nang matapos sila sa unang station ay ako naman ang umakyat sa ring. Kinakabahan ako dahil ito ang unang magkakataon na may iba akong makakalaban. Umakyat din sa ring si Demi. Napansin niya sigurong kinakabahan ako kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Partner tayo, Ellis. Kailangan mong lumaban para hindi ikaw ang masaktan. Kaya mo 'yan."

Matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya. Kahit kaunti ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Tumango naman ako at tiningnan ang makakalaban namin. Iyong isa ay ang kaklase kong bumato sa akin ng pambura ng pisara at ang isa naman ay pamilyar lang sa akin ang mukha at sa palagay ko ay mula sa kabilang seksyon.

Sumenyas si Demi na sumugod kaya inihanda ko na rin ang sarili ko. Ang nangyari ay ang kaklase ko ang nakalaban ko at ang mula sa kabilang seksyon naman ang kalaban ni Demi.

Ilag lang ako nang ilag habang kinakabisado ang mga kilos niya. Kung may pagkakataon ay gumaganti rin ako. Pero noong pangalawang sipa niya ay hindi ko nailagan kaya napahawak ako sa tagiliran ko. Napahinto ako sa paggalaw dahil sa sakit. Ngunit naagaw nang atensyon ko si Demi nang sumigaw siya habang nakikipaglaban.

She is the Light (BOOK 1-3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon