"I KNOW your secret, Ellis."
Isa kaya iyong babala? Una pa lang, pinagdudahan ko na si Tres Cole. Sapagkat walang ibang taong nakakaalam ng sekreto ko liban sa pamilya ko, kay Kael at sa mag-amang Gerret. Dapat iniwasan ko siya noong sabihin niya iyon at nakipagpalit ng ibang Class A na mag-eensayo sa akin, pero hinayaan ko lang ang nangyari.
"Your secret is safe with me, Ellis."
Isa nga lang bang walang saysay na pangako iyon? Katulad nito? "I won't let anyone hurt you, Ellis. You know that."
Naniwala akong hindi. Dahil pinagkatiwalaan ko siya. Ilang beses na niyang iniligtas ang buhay ko sa kapahamakan. Sinalo niya ang panang para sa akin, sinagip niya ako nang mawalan ako ng malay sa pakikipaglaban sa La Oscuridad sa likuran ng dormitory, sinalo niya ako nang halos bumulagta ako sa sahig matapos pagalingin ang ina ni Demi, tinulungan niya akong matanggal ang spell ng mga libro, at ilang beses niya akong iniligtas sa sarili kong kapangyarihan at tinulungan akong kontrolin ito.
Palagi siyang naroon kapag kailangan ko siya noon. Bukod kay Perce, siya lang ang alam kong sasaklolo kahit hindi pa ako humingi ng tulong. Kaya ibinigay ko ang buong tiwala ko sa kaniya. Hindi ko na namalayang idenepende ko na ang buhay ko sa kaniya. Kasi alam kong hindi niya ako pababayaan, kasi nangako siyang poprotektahan niya ako-NOON.
Pero ngayon, bumaligtad lahat ng pagpapakahulugan ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Kinuha niya ang tiwala ko bilang paghahanda sa gabing ito. Alam niya ang tungkol sa pagkuha ko ng mga lumang libro sa academy pero hinayaan niya lang ako. Kasi sa paraang iyon, malalaman niya kung saan ang lugar na pinaglalagian ko. Kilala niya ang nakapaligid sa akin at alam niyang madalas pumunta si Kael sa abandonadong bahay na iyon kaya pinunterya niya ang kaibigan ko para palabasin ako sa pinagtataguan ko. Plinano niya ang lahat ng ito.
"You are my light, Ellis."
Mapait na lang akong napangiti nang maalala ang sinabi niyang iyon. Ngayon ko lang lubusang naunawaan ang ibig niyang sabihin. Dahil siya ang anino ng liwanag ko. Siya ang kadiliman. At siya ang natatanging nilalang na makakapatay sa akin.
“We are running out of time, Tres. Do it now.”
Walang pag-aalinlangang humakbang siya papalapit sa akin. Yumuko siya at hinawakan ang leeg ko. Mariin akong napapikit sa pag-aakalang sasakalin niya ako pero hinila niya ang kwintas na suot ko at naputol ito. Napaiwas ako ng mukha nang ilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Matigas kong naitikom ang mga labi.
“Close your eyes, Ellis. I can’t promise a painless death.”
Dumoble ang kabog ng dibdib ko sa narinig.
Ito na ba talaga ang katapusan ko?
Naipikit ko ang mga mata nang maramdamang inangat niya ang kamay na may hawak na punyal. Rinig ko sa hangin ang pagbuwelo niya. At parang kidlat na tumagos sa damit ko patungo sa balat ko ang patalim. Ramdam ko ang pagkapunit ng laman ko at ang malalim na pagbaon ng talim sa puso ko.
Napakislot ako nang gumapang ang sakit at nahigit ko ang hininga. Parang lantang gulay na bumagsak ang ulo ko sa balikat niya. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero wala na akong natitirang lakas. Unti-unti nang numinipis ang daluyan ng hangin sa baga ko kaya hirap na hirap akong habulin ang hininga ko. Umiikot na rin ang paningin ko.
“Listen, Ellis… Remember, Ellis…”
Sa kabila nang nararamdamang sakit at nakakahilong sensasyon, tumimo sa isipan ko ang kanina pa paulit-ulit na binabanggit ni Tres na ngayon ko lang narinig nang mas malinaw.
Umiikot na ang paningin ko pero pinilit ko ang sariling tingnan siya. Pamilyar ang mga salitang paulit-ulit na sinasambit niya kaya pilit kong nilabanan ang sakit at pagkahilo para alalahanin ito. Iyon ang nakasulat sa mga liham ni Sir Lexter. Ilang beses ko nang sinambit ang dalawang salitang maghahatid sa akin sa kanila nang makulong ako rito pero walang nangyayari. Pero sa huling pagkakataon, gusto ko uling subukan ito.
Kung mamamatay man ako, ayokong mamatay sa lugar na ito. At mas lalong ayokong mamatay sa harapan ng taong trumaydor sa akin.
“F-find m-me.”
Naramdaman ko na lang ang malakas na hangin na pumalibot sa katawan ko at narinig ang paghuni ng mga ibon bago tuluyang bumagsak ang mabibigat kong talukap at nalagutan ng hininga.
-END OF BOOK TWO-
•••
Hello there! This concludes the BOOK 2 of THE LIGHT CHRONICLES entitled SHADOW OF LIGHT.
I hope you enjoyed reading this story! I'll see you again in Book 3!
Love and hugs, Tori 💜
BINABASA MO ANG
She is the Light (BOOK 1-3)
FantasyTHE LIGHT CHRONICLES BOOK 1: She is the Light (Completed) BOOK 2: Shadow of Light (Completed) BOOK 3: The Light: Girl of the Prophecy (On-going) All her life, Ellis Henson dreamed of being just an ordinary girl. But even having the greatest desire f...