KASALUKUYAN kaming nasa loob ng room namin, hinihintay ang pagdating ng aming guro. Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko at hindi pinapansin ang ingay sa paligid. Ganito palagi ang eksena tuwing umaga dahil palaging nahuhuli sa pagpasok ang guro namin. Kanya-kanyang ingay ang mga kaklase ko at imbes na mag-aral para sa unang subject namin ay nagpapasikatan sila sa mga abilidad nila.
Nabigla na lang ako nang natapon ang isang eraser sa pwesto namin, saktong sa mesa ko ito napunta. Natahimik sina Demi dahil sa pagkagulat. Sinuyod ko ng tingin ang paligid upang malaman kung kanino nanggaling iyon nang may biglang nagsalita.
"Oh, I'm sorry. I didn't mean it," maarteng wika ng isang babae na nasa harapan ng pisara. Matapos niya iyong sabihin ay bigla siyang tumawa at bumulong ng, "Buti nga hindi sa mukha mo tumama 'yan, eh. Inaagaw mo kasi si Tres."
Napalingon si Demi sa akin, nababakasan ang mukha ng pag-aalala. Ngunit nagkunwari akong walang narinig. Sa hina ng pagkakasabi niya ay tiyak ako at si Demi lang ang nakarinig no’n. Siya lang kasi ang kilala kong may enhanced hearing dito, at ako.
Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay may nararamdaman akong kakaiba sa sarili ko, naging enhanced lahat ng senses ko. Nagsimula ito noong isang gabing napadpad ako sa kakahuyan kung kailan may nakita akong mga nakakatakot na mga imahe sa isipan ko. Sukat sa naisip ay napapikit na lang ako nang mariin. Pinipilit ko nang alisin sa memorya ko ang mga imaheng iyon at kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi iyon mangyayari pero sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko, kinikilabutan ako. Para kasing totoo lahat ng mga imaheng iyon. Totoong nangyari.
Narinig ko ulit ang pagbabanta na ibinubulong ng kaklase ko kaya napadilat ako. Sa halip na patulan siya ay nginitian ko na lang siya at pinalaho ang eraser na nasa harapan ko. Ibinalik ko iyon sa lalagyan at hindi na siya pinansin pa. Hangga’t maaari, ayokong masangkot sa gulo kaya nararapat lang na hindi ko na siya patulan pa.
Hindi naglaon ay dumating na ang aming guro. Malawak ang ngiti niya nang pumasok siya at napuno naman ng bulung-bulungan ang paligid.
"Good morning, class. It's been a week since the class had started but because our school is open for everyone in our line, or for everyone who has ability like us, we also cater late enrollees. So please be good to your new classmate. You may come in now, Mister."
Sa hudyat ng aming guro ay pumasok ang isang may katangkarang lalaki. Hindi siya nakauniporme bagkus ay itim ang kulay ng damit niya at madilim ang katiting na presensyang naramdaman ko mula sa kanya. Nanginig na lang bigla ang mga kamay ko nang mapagtanto kong pamilyar ang kanyang presensya.
Siya nga iyon! Siya nga iyong lalaking nagmamasid sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali!
Napahawak ako sa balikat ko nang sumakit ito. Parang may nagwawala sa loob ko at may mga matutulis na hiblang nais kumawala sa balikat ko… At hindi ko alam kung bakit!
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga para mapakalma ko ang sarili ko. Dahil siguro sa takot kaya ako nagkakaganito.
“I'm Perce Gerret.” Narinig ko na lang na pagpapakilala ng lalaki sa buong klase at bahagya siyang yumuko. Pag-angat ng ulo niya ay nagtama ang mga tingin namin.
At sa mga oras na iyon ay muli akong nilukuban ng takot. Sino ka ba talaga?
Pagkatapos niyang magpakilala ay nagtungo siya sa likuran ng silid kung nasaan ang bakanteng upuan.
Natapos ang klase namin na wala akong natutunan. Para lang akong nakalutang habang pinakikiramdaman ang paligid. Ramdam ko ang mga titig ng lalaking iyon sa likod ko kaya hindi ako mapakali kanina pa. Naghalong pangamba at pagtataka ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
She is the Light (BOOK 1-3)
FantasyTHE LIGHT CHRONICLES BOOK 1: She is the Light (Completed) BOOK 2: Shadow of Light (Completed) BOOK 3: The Light: Girl of the Prophecy (On-going) All her life, Ellis Henson dreamed of being just an ordinary girl. But even having the greatest desire f...