"YOU are doing great!"
Ipinagpatuloy ko ang pagbabato ng mga bola ng enerhiya sa mga target ko. Mahigit limampung metro ang layo ng mga itim na blokeng nakalutang sa ere mula sa kinatatayuan ko at kailangan ko iyong tamaan isa-isa.
Sa araw na ito, pang-long-range combat ang ensayo ko. Susubukin daw nito ang focus at concentration ko sa pag-asinta ng mga kalaban sa malayong distansya. Sa tulong na rin ng pagbabalik ng enhanced sight ko, nagagawa kong patamaan ng mga bola ng enerhiya ang mga bloke.
"Now, let's make it challenging!" sigaw ni Tres mula sa malayo. Kinumpas-kumpas niya ang mga kamay niya at bigla na lang mabilis na nagsiliparan papunta sa akin ang ilang blokeng nasa malayo kanina.
Sa taranta ko, agad kong pinalaho ang mga bloke imbes na patamaan ng bola ng enerhiya. Napangiwi na lang ako. Hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang pag-atake sa akin. Sigurado akong sa Void Dimension na naman napunta ang mga ito.
"Use you power, Ellis!" muling sigaw ni Tres.
"Madaya…" bulong ko na lang at inihanda ang sarili.
Naging mabilis ang paggalaw ng mga blokeng umiikot at dumadaan sa paligid ko. Hindi ko masundan ng tingin ang galaw ng mga ito kaya mas pinairal ko ang enhanced hearing ko.
Gaya nang palagi kong ginagawa magmula nang maging enhanced ang pandinig ko, hindi ko hinayaang mabingi ako ng lahat ng tunog mula sa paligid. Pinili ko lamang ang tunog ng marahas na pagdaan ng isang mabigat na bagay sa hangin. Nang mai-adjust ko na ang pandinig ko sa tunog na iyon at makuha ang tamang tiyempo para tumira, naging madali na lang ang pagpapatama sa mga bloke.
Nabasa ko ang mga technique na ito sa librong Ability's Guide. Ang librong iyon ang nagbibigay ng gabay para sa mga may abilidad na kadidiskubre lang ng mga abilidad nila. At malaki ang naitulong no’n sa akin.
Matapos ang hindi ko na mabilang na mga blokeng natamaan ko, hinayaan muna ako ni Tres na magpahinga. Pero makalipas lang ng ilang minuto, tumayo na ulit siya at inutusan akong maghanda para sa pangalawang yugto ng pag-eensayo ko.
"Ellis, stand straight," sabi niya kaya napaayos naman ako ng tayo. Itinigil ko rin ang pagmamasahe sa ngalay kong mga braso at ibinaba ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Basta pagdating talaga sa pag-eensayo, masyadong istrikto si Tres sa akin.
Nagpalabas siya ng itim na likido mula sa magkabila niyang mga palad at itinapon ito sa ilalim ng ikalimang puno mula sa kinatatayuan namin. Sa pagkumpas-kumpas ng mga kamay niya, nagkaroon ng hugis ang likido na kalauna’y tumigas at naging mga upuan. Nakatumba ang tatlong itim na upuan at ilang dangkal ang layo ng mga ito sa isa’t isa.
"Look at there." Tinuro niya ang mga upuan. "I want that chairs to be arranged properly. Can you do that, Ellis?" hamon ni Tres sa akin at tinaasan ako ng mga kilay.
Sinulyapan ko muna ang mga nakatumbang upuan bago ko siya hinarap at tinanguan. "Susubukan ko," sagot ko kahit ang totoo, hindi ko alam kung papaano ko paaabutin ang kapangyarihan ko sa ganoon kalayong distansya.
Hanggang isang metro lang ang kayang abutin ng hibla ng puting enerhiya noong mga nakaraang linggo. Hindi ko rin naman pinapraktis ang pagpapalabas ng mga hibla kaya malamang wala iyong naging pagbabago ngayon. Pero kahit gano’n, susubok pa rin ako.
"To master your power, you have to practice. That's the only way, Ellis," ika pa nga ni Tres dati.
Inilahad ko ang mga palad ko at hinayaang kumawala ang mga hibla ng puting enerhiya. Patuloy itong dumadaloy palabas ng mga palad ko nang hindi napipigtas. Ngunit nang mangalahati sa distansya ko at ng mga upuan, tumigil na ang pagdaloy ng enerhiya. Ilang ulit kong pinitik-pitik ang mga braso ko pero wala nang lumalabas dito, hanggang sa unti-unting naglaho ang mga hibla ng enerhiya.
BINABASA MO ANG
She is the Light (BOOK 1-3)
FantasiTHE LIGHT CHRONICLES BOOK 1: She is the Light (Completed) BOOK 2: Shadow of Light (Completed) BOOK 3: The Light: Girl of the Prophecy (On-going) All her life, Ellis Henson dreamed of being just an ordinary girl. But even having the greatest desire f...