Chapter 3: Hidden Forest

9.8K 335 26
                                    


EDITED VERSION

******

I ran..

Hanggang sa tuluyan na akong dumausdos sa lupa. Napaluhod ako nang umiiyak. Napakahina ko. And I hate myself for being me.

"Ayaw ko na! I don't want to be like this anymore!" sigaw ko pero namayani pa rin ang katahimikan ng paligid. Pinagmasdan ko kung nasaan ako ngayon, nasa isang mapuno, madamo at tahimik na lugar na ako. Pero hindi pamilyar sa akin ang lugar.

Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod at sandali akong natahimik. Pero naramdaman kong may humahawi ng buhok ko. Hindi ko 'yon binigyan ng pansin at hinawi ko lang ito. Baka kung ano lang. Pero patuloy pa rin sa paghawi ng buhok ko kaya tumingala ako at tinignan ang likod ko. Agad akong napaatras nang makita kung ano ang humahawi ng buhok ko.

Butterflies. Beautiful butterflies that keeps on flying in front of me. Pero ang nagpamangha sa akin ay ang iba't ibang kulay ng pakpak nila. Sandali silang huminto at pakiramdam ko nakatingin sila sa akin. Then they flew away. Parang gusto nila na sundan ko sila. Next thing I knew, sinusundan ko na nga sila. Inside the forest.

I followed them, while they are flying and heading the direction inside the forest. "Wait! Where are you going?" I'm still following them even if I don't know where they are going. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa...

"Shit, no!" sigaw ko. Dumausdos ako pababa sa parang isang bangin. While I was in the air, I saw the butterflies flying. Parang pinapakita nila sa akin na nandito na sila sa bahay nila. And then a lot of butterflies came. Pero kasabay nang pagdating nila ang pagbagsak ko sa tubig at pagtama ng ulo ko sa malaking bato. I felt pain sipping through me.

And all went black..

*****

"She's bleeding," rinig kong sigaw ng isang babae. Agad akong napaupo at sumuka ng tubig.

"She's awake! She's awake!" sigaw nanaman niya. Ang tinis ng boses kaya nalaman ko agad na babae. Bahagya akong yumuko at inayos ang bangs ko na nabasa dahil sa tubig. Humarap ako sa babaeng sumisigaw atsaka ko napansin na hindi lang pala isa ang nakakita sa akin. There are four of them. Two boys and two girls. Mukhang kaedad ko lang sila. They are wearing the same uniform pero hindi pamilyar sa akin ang uniform na suot nila.

"How are you, miss?" tanong no'ng isang lalaki at hinawakan pa niya ang balikat ko pero agad kong hinawi ang kamay niya. I'm not used of people touching me.

"Where am I?" nagtataka kong tanong. Nagkatinginan sila atsaka bumaling ang atensiyon sa akin.

"You're in our open field. Dinala ka namin dito dahil nagdurugo ang ulo mo at nalulunod ka sa Crystal Falls." Tinuro niya ang direksiyon ng Falls at doon ko nakita ang kaninang pinagbagsakan ko.

"Call Isaac. We need him. There's an outsider here," sabi ng isang babae sa kasama niyang lalaki. Tumango naman ito at tumakbo sa isang direksyon at doon na ako tuluyang natigilan.

In front of me is a huge castle-like building. Tila nasa loob ako ng fairytale movies. Except this is real. Shit! Am I dreaming?

Napahawak ako sa ulo kong dumurugo at napakahapdi. I'm such an idiot.

Natigilan ako nang magsalita 'yong isang magandang babae, "That's our school. Alexandria Academy." I stared at it. Pakiramdam ko napakaenchanted ng lugar na ito. There is a school in the middle of the forest? How come?

"Paanong--" magtatanong pa lang sana ako nang biglang may bumuhat sa akin. "P-Put me down."

"Just thank me later, miss. Anyway, my name is Kristian Nicholai," pagpapakilala niya sa sarili niya. Kahit pinilit ko siyang ibaba niya ako, ayaw pa rin niya dahil daw mas makabubuti kung hindi na ako maglakad dahil baka himatayin nanaman daw ako. Bakit ang bait nila?

"Your eyes," sambit ko nang makita ang mata niyang kulay asul. Bahagya siyang natawa at parang natural lang sa kaniya.

"Yes. Color blue, right? Namana ko yan sa mommy ko," proud niyang sabi. Tiningnan ko ang iba naming kasama. 'Yong isang babae, kulay pula ang mata. 'Yong isa naman blue. Okay! I'm currently freaking out now! What the hell is this place?

Naalala ko ang mata ko. Magkaiba ang kulay nito. Hindi tulad ng sa kanila.

"What happened?" Nabaling ang atensiyon ko sa lalaki na sinalubong kami sa paglalakad. Sa tindig pa lang niya, alam kong siya na ang tinutukoy nilang Isaac ang pangalan.

"She's bleeding," sabi ni Kristian. Ibinaba niya ako sa sahig at nagulat ako nang biglang lumapit si Isaac sa akin at hinawakan ang ulo ko kaya agad akong umiwas.

"What are you trying to do?" asik ko. Walang reaksyon ang kaniyang mukha.

"Such a brat," rinig kong sabi niya. Arrogant. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang ulo ko at naramdaman ko na lang na may mainit sa ulo ko. At pakiramdam ko naghihilom na ang kumikirot kong sugat.

"Get her inside," 'yon ang huli niyang sinabi bago siya naglakad paalis. He's not like the others. He looks much arrogant while the others are quiet generous. Hindi tulad sa mga taong nakasalamuha ko na.

"Hi, what's your name?" Tanong sa akin no'ng babae na matinis ang boses. Mukha siyang mabait pero alam kong imposibleng maging mabait siya sa akin. Wala namang naging mabait sa akin una pa lang.

"Althea Genovie," tipid kong sagot. Hindi ko na siya muling inimik pero kinausap niya pa rin ako.

"Hi, Althea! Ako si Cathryn Dela Fuente. You can call me Cath." She smiled, genuinely. Nakakahawa ang mga ngiti niya pero yumuko na lang ako at hindi na muling tumingin sa kaniya. Naglakad kami sa higanteng staircase papunta sa front door. Habang palapit kami sa napakagandang palasyo, mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko may mali sa lugar na ito.

"Hi, Athea! I'm Lydia Hawkins. Daughter of the former leader of Alexandria Academy," pakilala ni Lydia sa sarili niya. Napakaganda nilang dalawa ni Cath.

Lydia has a long wavy hair, fair skin, and she's kinda tall that makes her more beautiful. Para siyang modelo.

While, Cath is shorter than Lydia but her skin is more fair. Bagama't mas maikli ang buhok niya, bumagay 'yon sa kaniya. She's so beautiful at hindi nakasasawang tingnan ang mukha niya.

"Magpapahuli ba ang gwapo nilang kaibigan?" Napatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko. "Kurt Scott. The only heir of the new leader of Alexandria Academy." He offered his hand, tiningnan ko lang 'yon at iniwasan. Hindi ako sanay sa pakikipagsalamuha sa mga tao.

"Sungit," rinig kong bulong niya. Hindi ko na lamang siya binigyang pansin hanggang sa makapasok kami sa loob ng magandang castle na tinatawag nilang Alexandria Academy.

My jaw dropped in amazement. Tila ang mga napapanood ko sa mga fantasy drama ay nagkatotoo na. Am I really awake?

*****

N O T E:

Enjoy reading! And you can follow me here in wattpad for more stories. Thank you, Enchanters!

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon