Chapter 26: His First Love

5K 165 8
                                    


EDITED VERSION

*******

Althea's POV

Lumipas ang gabing 'yon na isa lang ang malinaw sa akin. I am really in love with him. Malinaw na sa akin ang nararamdaman ko at hindi ko 'yon itatanggi. I've never felt this to anyone.

Ganito pala ang pakiramdam kapag mahal mo na ang isang tao? Hindi siya mawawala sa isip mo at ang gusto mo lang lagi, kasama mo siya.

Ngayon ang last day ng training namin dahil bukas, Enchanted Ball na, and the day after that ay tournament na. I feel much more confident now knowing that my team is dependable and I'm now comfortable around them.

Naglalakad ako patungo sa training room nang makasalubong ko si Amanda. Lalagpasan ko na sana siya nang humarang siya sa dinaraanan ko.

"Can we talk?" she asked. I rolled my eyes. Nakikita ko sa kaniya si Mary, a bitch. "Come with me." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at naglakad siya papunta sa kung saan. Awtomatiko akong sumunod sa kaniya at nagtaka ako nang pabalik kami sa dorm ko.

"What the hell? Is this a joke to you--" hindi na niya ako pinatapos pa.

"Nasa loob pa ba ng dorm mo ang mga natirang gamit ni Rian?" Nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay natahimik ako. I've never heard that name lately. Hindi na siya nababanggit ni Isaac at ng iba pa.

"Hindi ako ang nag-alis ng gamit ni Rian pero nakalagay pa siya sa loob. Hindi ko 'yon pinapakialaman dahil hindi naman 'yon sa akin," pag-amin ko. Hindi ako interesadong galawin ang gamit ng iba lalo na ang gamit ni Rian. She's Isaac's ex-girlfriend I want to respect that.

She smirked. "That's why you don't know anything. Ni hindi mo pa pala nakikita ang mukha ni Rian." Nagtaka ako sa sinabi niya. "I have something to show you. Buksan mo ang pinto."

Agad ko namang binuksan ang pinto at pumasok kami sa loob. She asked for Rian's things na agad ko namang iniabot sa kaniya. Mula sa kahon ay kinuha niya ang isang picture frame.

"When I look at you, nakikita ko siya." Ipinakita niya sa akin ang picture ni Rian na naging dahilan para tuluyan nang tumigil ang lahat sa buhay ko. "Isaac is in love with Rian since forever, Althea. Kaya nang mamatay si Rian, he grieved so much more than anyone. Pero nang dumating ka--"

"No!" sigaw ko. I know where this conversation is heading. Alam ko ang pinaplano niya. Lumapit ako sa pinto. "Get out!"

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "I want to help you--"

"I said, get out!" Ayaw ko nang marinig ang kung ano man ang sasabihin niya, dahil hindi ko na kakayanin pa. She stood up and walked towards me.

"Do you think Isaac loved you because you're Althea Genovie? No! He loved you because he saw Rian Serina on you! Niloloko ka nilang lahat and to think na napaikot ka nila?" She laughed, drastically. "Isaac and his friends, they are liars."

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata kong patuloy na nag-uunahan sa pagdaloy. Pinipilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi ni Amanda ngayon. Dahil kilala ko si Isaac...he will never lie to me.

"I trust him." My voice cracked. "He told me he loves me and I believe him."

"Ask him, then! Para malaman mo kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi! They are all pretenders. Kinaibigan ka lang nila dahil nakikita nila si Rian sa 'yo. Pero kung hindi mo kamukha si Rian, sa tingin mo papansinin ka nila? They won't!"

Pinunasan ko ang luha na nanggagaling sa mga mata ko, pero ayaw pa ring tumigil sa pagbagsak. "Umalis ka na, pakiusap."

"Hindi lang si Isaac ang nagpapanggap, kun'di lahat sila. Kasi roon sila magaling, magpanggap bilang kaibigan mo. Pero sa huli? Sila pa mismo ang sisira sa 'yo." Iniabot niya sa akin ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan ni Rian. "Magawa mo pa kayang mahalin ang lalaking mahal ka lang dahil ibang tao ang nakikita niya sa 'yo? Think, Althea. Hindi mo sila dapat pinagkakatiwalaan."

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon