EDITED VERSION
**********
Althea's POV
There are times that I questioned why I ended up on the Crystal Falls that day that Isaac and the others found me, pero hindi ko alam kung kanino ko hahanapin ang sagot na hindi pa ako handang malaman. It's like a coincidence but not at the same time. Paanong dadalhin ako ng sarili kong paa sa panibagong mundo?
It's too good to be true. Sabi nila, everything happens for a reason. But I'm dying to know what that reason was. Am I here because it's my destiny or someone dragged me in this situation? 'Yon ang aalamin ko pagkalabas ko rito sa Tournament. Even if I'm not ready to know the answer, I'll face it.
"Hanggang saan pa ba tayo maglalakad?" tanong ni Cath. Nakaalalay siya kay Isaac na hirap maglakad, at nakaalalay naman sa akin si Kristian.
"Few meters. I think. Hanggat hindi natin nakikita si Lydia at Kurt, hindi tayo titigil sa paghahanap. Kahit ano'ng mangyari," ani Isaac. I know he's worried right now and he's having a hard time yet he keeps his facade strong for us to be strong, too. Isaac is always like this. He wants us to be brave and rely on each other because we're team and a family. He really deserves to be a leader.
"Our time is running out and any minute, maaaring sumugod ang mga halimaw na nakakalat dito sa loob ng Arena. We just have to find the others to get out." Nanginginig si Cath at pansin kong miski siya ay nanghihina na rin pero ginagamit niya ang buong lakas para maakay si Isaac.
Natigil kami sa paglalakad sa gubat nang makarinig kami ng kaluskos. "Fucking monsters. We have to hide," Isaac said.
Nagtago kami sa likod ng isang malaking bato na sapat para matago ang presensya namin. Pero ang mga halimaw na 'yon ay maaaring maamoy ang mga dugo namin kaya kailangan naming kumilos.
"What's the plan now?" Cath asked while sitting on the grasses. Pabagsak akong umupo sa tabi niya at sumandal sa bato. Nanghihina pa rin ang katawan ko at alam kong ganoon din sila, pero kung hindi kami gagawa ng plano, tuluyan na kaming mamamatay rito sa loob ng Realm of Monsters.
Isaac sighed and looked at us as if he already came up with a plan. "We will move according to our position. Althea, you'll deceive the monsters as a hoaxer. Be our trap and run as fast as you could. Kailangang nasa 'yo lahat ng atensiyon ng mga halimaw para makagalaw kami ni Kristian. While, Cath on the other hand, create a dagger using your power for us, alright?" Nagkatinginan kami ni Cath at sabay na tumango.
Sabay-sabay kaming natigilan nang makarinig kami ng ungol ng mga halimaw. Mukhang hindi lang iisa at base sa pag-ungol ng halimaw ay malapit lang ito sa amin. Anumang oras ay matutunton na kami.
"Let's get this over with." Nilingon ako ni Isaac at ngumiti nang mapait. "Go out there now. Take care, Baby."
Umiwas ako ng tingin at lumabas sa pinagtataguan namin para gawin ang iniutos sa akin ni Isaac. "Hey, Monsters! I'm here!" Ikinaway ko ang kamay ko sa ere at napalingon sa akin ang mga halimaw na tantya ko ay nasa apat ang bilang. I closed my eyes and took a deep breath then I started running as fast as I could just like what Isaac said. I know I'm weaker now that I've lost a lot of blood and I have a lot of wounds but if I want this to end now and get out of here.
Mabilis akong nahabol ng mga halimaw, akmang hahawakan ako nito nang masunog ang kamay nito at napaatras. May humila ng braso ko and before I could even react, Isaac hushed me.
"It's me. Go to Cath and help her." Tumakbo siya palayo sa akin at nanghina ako habang pinagmamasdan ko siyang tumatakbo palayo sa akin. After all of these, will I ever see you again? Can I forgive you after everything you've done?
Gaya ng sinabi ni Isaac, tumakbo ako pabalik kay Cath na nandoon pa rin sa pinupuwestuhan namin kanina. Isaac and Kristian are fighting while Cath is making daggers using ice.
Nang matunton ko ang puwesto niya ay nakagawa siya na siya ng espada. "A-Althea, ito lang ang nagawa ko." Kinuha ko 'yon at hinawakan. I have to help Isaac and Kristian.
"This is enough to help. Stay here, Cath." I ran toward the direction where they went. Naabutan ko si Kristian na ginamit ang malakas na puwersa ng tubig para mapatalsik ang halimaw habang si Isaac ay apoy ang ginagamit para mapatumba ang dalawang halimaw na sumusugod sa kaniya.
I held the sword tighter. Umakyat ako sa puno na malapit sa halimaw na akmang susugod sa likod ni Isaac. Gamit ang buong lakas ko ay tumalon ako at itinarak ang espada sa batok ng halimaw, sa isang iglap ay bumagsak ako kasama ang halimaw at tumalsik ako sa lupa.
"Althea!" I heard Isaac's voice as if he's terrified. Itinungkod ko ang kamay ko at kahit nanghihina, nakatayo ako. I have to be strong, ayaw ko nang mag-alala pa sa akin si Isaac.
"I-I'm fine." Napabagsak na ni Isaac ang isang halimaw. Ganoon din si Kristian, natalo na namin ang apat na halimaw. Nagulat ako nang takbuhin ni Isaac ang pagitan namin. "Isaac--" He hugged me. Sobrang higpit na parang ayaw niya akong pakawalan.
"I was terrified of losing you. Don't ever do that again." His words and action is overwhelming. Ang daming emosyon na rumagasa at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"What a nice view we have here, eh?" Napalingon kami ni Isaac sa kaliwang direksiyon at tuluyan na kaming natigilan nang makita si Cath na hawak-hawak ni Amanda at ni Elvin.
"I won't repeat my word, Andrei. Hand her over." Isaac's voice gave shiver down my spine. Parang ibang tao na siya nang sabihin niya 'yon. His dark aura is lurking all over him.
"Are you threatening me?" Andrei asked. Naglakad ito palapit sa amin. Puro sugat na rin ito pero hindi niya 'yon iniinda. Ganoon din ang mga kagrupo niya na mukhang nanghihina na rin.
"Are you stupid or what? I'm not threatening you. I'm ordering you, you fucking moron." Hindi lang ako ang natatakot sa puwedeng gawin ni Isaac ngayon. Even Andrei was taken a back because of Isaac's coldness.
"Sophia died, might as well kill one of yours to make a trade." Naglabas ng apoy si Andrei at binato 'yon sa direksiyon ni Cath pero bago pa 'yon tumama ay may malakas na impact ng tubig ang umapula nito. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan no'n.
It was Kurt, he's with Kristian and Lydia. "You forgot about me, Andrei? Do you think I'll let you kill my girl?"
"Now, this is interesting." Humalakhak si Andrei habang pabalik-balik ang tingin niya sa amin. Para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari ngayon. What a jerk.
"Stop fighting against us," sabi ko. "We came here to defeat monsters. Not kill each other!"
Amanda chuckled. "Says someone who killed Sophia. For a hypocrite, you're an expert." Nangunot ang noo ko. Sinisisi nila sa akin ang pagkamatay ni Sophia? Kaya ba gusto nilang isa man lang sa amin ay mamatay? But, I didn't intend for that to happen.
"We just need to steal your points--" Bago pa matapos ni Andrei ang sasabihin niya ay hinagisan siya ni Isaac ng apoy at bago pa siya makakilos ay nasuntok na siya at tumilapon siya sa sahig. Napakabilis ng pangyayari. Ang bilis kumilos ni Isaac at bakas ang galit niya.
"I told you. Don't make me repeat what I've said." Naglabas ng malaking apoy si Isaac at ipinalibot 'yon sa kanilang dalawa ni Andrei. "Now, I'm fucking pissed."
Lumapit sa akin si Lydia. "Let's save Cath. Kurt and Kristian will take down the rest." Napangiti ako at tumango. This is it. We are one in this fight. Until the end.
**********
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantezie"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...