EDITED VERSION******
I wiped away my sweat and leaned against the wall. I can feel the heat that is coming out from my hands. Tiningnan ko ang palad ko. Namumula 'yon at kumikirot.
"Overused power," bulong ni Hunter sa tabi ko. Napabuntong hininga ako. Kakatapos lang ng pagsasanay namin sa paggamit ng apoy at tubig. Pero masyado ko atang nagamit at sumasakit na ang kamay ko.
"You can't use it again," biglang sabi ni Isaac na ngayon ay nakatayo na rin sa tabi ko. "You don't have to train--"
"I want to," sabi ko. I don't want to be unfair with them. Alam kong pagod din sila sa training at ayaw kong magpahinga knowing that I can still endure the pain.
"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Hunter na agad kong tinanguan. It's been three days since we started training with them. Mas humirap ang training at hirap akong makasabay pero dahil sumusubok ako ay nagagawa ko naman.
"Don't use your power, Althea. Ito muna ang gamitin mo." Lumapit sa akin si Lydia at iniabot ang bow and arrow.
"But this training is to master our power," sabi ko pero sinamaan nila ako ng tingin.
"'Thea, we want to train as hard as we could, but we're still prioritizing our health. At sa lagay mo, you have to rest your power and use this instead," paliwanag ni Lydia.
Wala naman akong nagawa kun'di kuhanin 'yon dahil duel na ang sunod at ako na ang sasabak.
"Goodluck, Althea." Hunter winked. Napangiti na lang din ako sa kaniya at pumunta sa pinakagitna ng training room kung nasaan ang hologram. The middle of the room looks like a boxing ring but an electronic version.
"Rica," pagtawag ni Hunter kay Rica na makakalaban ko. She smiled and walked then she stopped when she's already few steps away from me.
"Go easy on me, Althea. I have nothing but my power." I gritted my teeth. She's mocking me because I can't use my power right now.
Unti-unting bumaba ang glass barrier na naghaharang kila Isaac upang hindi sila matamaan o maapektuhan sa mangyayaring labanan sa loob ng electronic ring.
"Start!" sigaw ni Hunter. Agad akong kumuha ng arrow at tumakbo. Pero napaigtad ako nang masunog ang hawak kong arrow.
Tiningnan ko si Rica, there's a fire in her hand. "Don't underestimate the former hoaxer, Althea." May panunuya ang boses niya.
Ikinuyom ko ang aking kamay at binitawan ang umaapoy na arrow pagkatapos ay kumuha ulit, akmang papanain ko na siya pero natigilan ako nang nasa likod ko na siya at agad niya akong sinipa.
Napaluhod ako at nabitawan ko ang bow and arrow. Shit! She's strong and fast too. How am I supposed to defeat her when I couldn't even use my power.
I was about to get my bow and arrow pero naunahan niya ako. Kinuha niya ang arrow at sinunog ang lahat ng 'yon. Nanlaki ang mata ko.
"Now, how will you suppose to fight back?" She smirked. Damn. Agad akong tumayo at iniwasan ang inihagis niyang apoy. All I could do is to dodge every single counterattacks that she does.
Napapikit ako. If I won't use my power now, I'm sure I'll be defeated. Napaluhod nanaman ako nang dumaplis ang apoy sa tagiliran ko dahilan para manghina ako.
"Althea!" Nagulat ako sa sigaw na 'yon. Napatingin ako sa labas ng glass barrier. It was Isaac. He was looking at me.
"Accept your defeat, Althea," sabi ni Rica. I smirked. Does she think her words can affect me? I've been bullied for how many years and I can tell that words like that is nothing to me.
I smiled and stood up. Napahawak ako sa tagiliran kong kumikirot. "Don't get me wrong, Rica. I don't underestimate you. But don't underestimate me, too."
I opened my palm and my eyes flickered. Nanlaki ang mata ni Rica. I can hear Isaac and Hunter yelling outside the barrier. Yes, they told me not to use my power. But I don't want to lose.
I smirked. "I won't lose, not now." Kahit ako ay nagulat sa kaya kong ilabas na kapangyarihan nang mga oras na 'yon. Hindi lang 'yon basta-bastang apoy. It was a blue fire.
The most powerful fire. Naglabas siya ng tubig sa kamay niya. "Oh come on, Althea. Walang laban ang apoy sa tubig."
I shook my head. Agad kong itinapat ang kamay ko sa kaniya at lumabas ang asul na apoy roon at pumunta sa direksyon niya pero kinontra niya 'yon ng tubig.
Napaatras ako. She's strong and I can feel it on her power. Nanghihina na rin ang kamay ko. Pero hindi ngayon ang panahon para sumuko.
Nilakasan ko ang puwersa. Napaatras siya at tuluyan ng bumagsak sa sahig. Kasabay no'n ang pagbagsak ko sa sahig at napaluhod ako.
Nanghihina ang kamay ko. Pero, panalo ako! Napapikit ako at lumingon kay Rica. Her hand is bleeding. Mine as well.
"H-How did you do that?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"You're right. Walang laban ang apoy sa tubig, but not all the time." Bumaba ang glass barrier at nagulat ako nang nagtatakbo silang lahat patungo sa akin.
"Why did you do that?!" iritadong tanong ni Isaac. He held my hand and saw my hand bleeding. Nanghihina ako at marami na ring sugat ang kamay ko dahil sa ginawa ko kanina.
Ito ang kapalit sa sobrang paggamit namin ng kapangyarihan. Kahit nahihirapan ay agad akong tumayo.
"'Thea, ang galing mo." Miski si Cath ay hindi makapaniwala.
"I-I can't believe you still have enough strength to stand up--"
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Lydia dahil nawalan ako ng malay.
"Althea!"
******
Unti-unti kong idinilat ang mata ko at bumungad sa akin ang dorm ko. I looked at my hand. Nakabalot na 'yon ng benda pareho.
"Hey." Napatingin ako sa gilid ng kama. Nandoon si Cath. She smiled at me. "You're awake now."
"A-Anong nangyari?" tanong ko. She sat beside me and caressed my hair.
"Nawalan ka ng malay and Isaac brought you to the clinic. They cleaned your wounds and Isaac brought you here. Nagpupumilit pa nga 'yon na siya na ang magbabantay sa 'yo pero hindi puwede. May rules pa rin ang Academy na kailangan sundin kaya ako na ang nagbantay sa 'yo," paliwanag niya.
Umupo rin ako at napatingin sa wall clock. It's already nine in the evening. Napalingon ako kay Cath at seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Althea, do you like Isaac?" nagulat ako sa biglaan niyang pagtanong. Pero bigla akong napaisip. Like? How will I supposed to say that I don't even know what I feel?
Wala akong ideya sa pag-ibig o maging sa kahit anong bagay na konektado sa pagmamahal.
"I-I don't know," sagot ko. She held my hand. I can feel that she's sincere right now.
"Give yourself a chance, Althea." She smiled, a genuine one. "We want to be part of your life, too."
Nang makaalis si Cath ay napaisip ako. She's right. Kung tutuusin ay tama silang lahat, miski si Isaac. I've been avoiding them.
Siguro nga panahon na para kalimutan ko lahat ng nakaraan ko. There's no reason to look back. I need to move forward. At nakapagdesisyon na ako. I'm gonna move forward with them.
******
BINABASA MO ANG
Alexandria Academy
Fantasy"You knew how hard it was for me to trust people! You knew what I've been through, but you still broke me!" Althea Genovie grew up without someone to lean on. Kaya't sa tuwing may gustong pumasok sa buhay niya ay itinutulak niya palayo. Her life rev...