Chapter 27: The Truth

5K 182 3
                                    


EDITED VERSION

*******

Nakapikit ako habang dinarama ang hangin na tinatangay ang mga hibla ng aking buhok. I opened my eyes and all I could feel is pain. Does love really hurt like this? Because if it is, I don't want to feel it again.

Tiningnan ko ang malawak na kapaligiran ng Magic World. That's why Alexandria Academy's rooftop is my favorite place here. Tanaw na tanaw ang kagandahan ng mundong ito.

Natigilan ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Paglingon ko ay iniabot sa akin ni Hunter ang panyo niya. Agad ko 'yong tinanggap at doon ko lang na-realize na tumutulo pa rin pala ang luha sa mga mata ko.

"Why are you here? Mamaya na ang Enchanted Ball. Hindi ka ba magpe-prepare?" tanong ko sa kaniya. He leaned on the railings and smiled.

"Someone is much more important than that." He glanced at me. Saglit kaming natahimik at pareho lang kaming nakatanaw sa malayo.

"It is dangerous, you know?" sabi ko. "To fall in love and to be loved."

"But it's what makes us alive, Althea." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. "Love is what makes us keep going everyday, and falling in love means you exist. Being loved means you matter."

Hindi ako nakapagsalita at namalayan ko na lang na humihikbi na ako at niyakap niya ako. I'm not angry because I look like Rian. I'm angry because Isaac and the others used me. Alam nila kung gaano kahirap sa akin ang lahat ng 'yon.

It was so hard for me to accept them in my life, but when I did, they broke me. Hunter wiped away my tears. "You need to face them, Althea. You need to hear their side too no matter how painful it is to hear it. Because at the end of the day, you still deserve the truth."

Umiling ako. Pakiramdam ko kapag nakita ko ang isa man lang sa kanila, hindi ko na mapipigil ang sarili ko at masaktan sila. I don't want that. I'm not like them. Hinding-hindi ako gaganti kahit gaano kasakit ang ginawa nila sa akin.

"I-I can't..." Napapikit ako. Hindi ko kaya. Ayaw ko nang maramdaman lahat ng sakit na 'to. I just want the pain to stop.

"Hey, you have to. Hindi ka mapapanatag hanggat hindi mo naririnig ang lahat." He smiled at me and caressed my hair.

Saglit akong nag-isip-isip at tama nga si Hunter. If I have to move on, I need to know the truth. Even if it means breaking me again.

Nanatili kami ni Hunter sa rooftop at hinintay niyang humupa ang pag-iyak ko. "Wala pa rin talaga akong laban kay Isaac," makahulugan niyang sabi bago umalis. He offered to call Isaac at dito na raw kami sa rooftop mag-usap.

After a minute or two, nakarinig ako ng hakbang na palapit sa akin. Nilingon ko siya. "Stop. Don't get close to me," sabi ko kay Isaac na agad namang tumigil sa paglalakad.

He looked frustrated and tired. Ginulo niya ang kaniyang buhok. "Let me explain--"

"Yes, that's why we're here. Pakikinggan ko ang mga kasinungalingang lalabas sa bibig mo." Hindi siya nakasagot at tiningnan niya lang ako. Muling humangin ng malakas at tinangay ang buhok kong nakalugay.

"Rian Serina is your sister." Natigilan ako at parang tumigil ang mundo ko. Hindi pa rin pala tapos ang mga dapat kong malaman. "She's Elijah's daughter, too. We thought she's the girl we're looking for so we kept her. Until we turned nineteen, and I started to like her. Ganoon din siya sa akin and then we entered a relationship. Everything in my life was perfect that time. Until she decided to join the Tournament. She's the hoaxer, and she died inside that Arena."

"Kung nagtataka ka kung paano mo siya naging kapatid, your father is seeking for the love he never had. He wants to have a son para maging tagapagmana. Kaya naghanap siya noon ng mga babaeng puwede niyang makatalik. Pero binigo siya ng mga ito. Ang una, si Rian ang naging bunga. Kaya itinakwil niya ito. Ang pangalawa ay ikaw. But you're still a girl so he pushed you away, too. Until he died, hindi niya kayo hinanap. Gusto niya ng lalaking anak pero laging babae ang ibinibigay sa kaniya."

"I wanted to tell you the truth but I can't hurt you anymore, Althea. I just want to protect you--"

Kusa akong napahakbang at hindi ko napigilan ang kamay ko, nasampal ko siya. Walang patid ang pagluha ng mga mata ko. "Ano'ng karapatan mong ipagkait sa akin ang katotohanan, Isaac?"

"I did that because I love you! And I don't want to lose you! Being away from you, kills me. It wasn't my intention to hurt you, Althea." His voice cracked.

"But you still did." May mas isasakit pa pala ang nararamdaman ko kanina. "You could have told me, Isaac. Hihintayin naman kita, e. Na matutunan mo rin akong mahalin bilang ako, at hindi bilang ibang tao. Because I love you that much."

"I love you, Althea. Believe me, mahal kita--"

"Kung mahal mo ako bakit mo nagawa sa akin 'yon? Kung mahal mo ako, bakit mo ako sinasaktan? Hindi ganoon ang pagmamahal, Isaac. Kasi ako mahal kita. At alam kong hindi ako nagsisinungaling sa nararamdaman ko para sa 'yo."

He held my hand and he started to cry. "Sabihin mo lang sa akin ano ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako. Please, Althea..."

Hinila ko ang kamay ko. "Get out of my life, and don't you ever come back. Sapat na ang lahat ng sinabi mo, Isaac. I want you gone in my life. Pakiusap, umalis ka na lang."

Tinalikuran ko siya pero naramdaman ko ang mga braso niyang yumakap sa akin. "Althea, I don't want to lose you."

"The moment you lied to me, is the moment you lost me." Hinarap ko siya ulit. "Goodbye."

Tumakbo ako paalis sa rooftop pero natigilan ako nang makasalubong ko si Lydia, Cath, Kristian, at Kurt. Tiningnan nila ako nang puno ng pag-aalala.

"Althea, we're sorry--" I cut Lydia off.

"Nothing made sense to me even after Isaac explained everything. Now, I'm starting to regret everything I felt. Bakit ko pa nga ba kayo nakilala? Do you know what I regret the most? Meeting you all. Sana..." Tumulo ang luha sa mata ko. "...sana hindi ko na lang kayo nakilala."

********

Alexandria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon